Achievements… in our small way

Napagusapan ang achievements sa isa kong grupo ng mga kamag-aaral at ang pagpaparangal sa mga ito. Gusto ko sana tanungin ang mga thoughts na naishare ko sa isang kamag-aral, at close na kaibigan tungkol sa mga awards awards na iyan at mga achievements. Maraming mga binanggit na pangalan na kung susuriin ay mga may titulo, posisyon at kayamanan pero sa akin ay marami akong mga kaklase na sa tingin ko ay mas deserving.

They have a tiny house not a mansion. They don’t wear mamahaling damit at alahas. Wala silang mamahaling sasakyan, condominium unit o stocks sa mga kompanya. Halos walang laman ang kanilang mga bank accounts, hindi sila nakakuha ng mga awards at parangal sa ibang mga institution of associations. Wala silang congregation na pinamumunuan. Ngunit sila ay maituturing na mas matagumpay.

Sa aking sarili rin, kapag ako ay niyayakap ng aking wife, nakikipaglaro ng basketball sa aking mga anak, nginingitian ng aking Nanay o kinakausap ng aking mga kaibigan, I feel like a success. Kapag ako ay may napapasayang tao, may natutulungan, kapag ang masungit na cashier sa Pinoy Restaurant ay aking napapangiti, o ako ay naabutan ng pagkaing di ko alam ang lasa ng mga Indian, hinihingan at iginagalang ang opinion ng ibang lahi, ito ay isang achievement sa akin.

Kapag ang aking ilang piso ay nakarating sa charity at alam ko na ito ay nakadagdag sa pantulong at ako ay nakapagbahagi ng maliit na payo at nakinig sa hinaing ng kaibigan o kahit na di kakilala, ako ay successful.

Kapag naiisip ko na mahal ako ng Diyos sa kabila ng aking mga pagkukulang at kahinaan, I am a success. Kapag narealize ko na despite of what the administration of our foundation that I single handedly established did to me ay di ako nanghinawa o pinanghinaan ng loob sa pang-unawa at pagtulong sa kapuwa, I feel successful.

Siguro ang kailangan ng ating mundo ay i-redefine ano ba ang kahulugan ng achievements o success. Siguro kailangang maintindihan natin na ang achievements na sinasabi nating nakabase sa position at power ay di nagtatagal, ang kayamanan ay nauubos, ang kasikatan ay nalalaos, ang kagandahan ay naluluoy at ang titulo ay nalalampasan by another person. Material thing always turn to dust.

Perhaps we all need to realize that a successful life in the eyes of the world isn’t always a successful life in the eyes of Heaven.

Palagay ko mas may achievements ang mga kaklase ko na gumagabay at ginagawa ang kanilang tungkulin ng hindi nagiexpect ng karangalan, pagkilala, pasasalamat o lalo na ng pera. Marami sila, mga silent na guro, mga gumagabay sa magbubukid, mga nasa serbisyo, manunulat, mga walang pangalang kaklase.  Mga huwaran. Mga inspirasyon.

Kailangang iredefine ang success upang mamayani ang pagpapakumbaba, pagtutulungan at pagmamahalan.

May we also see the success in our own life ng tahimik at may pang-unawa.

May we always be a success in loving, giving, caring, and sharing.

Ang ating certificate ay nakaguhit sa mukha ng Panginoon. Nakabatay sa ngiti ng Panginoon sa atin.

—00000—

“Empty words are not enough. Where there’s hurt we’ll be a crutch. When there’s thirst we’ll fill each other’s cup. Because we care we love enough to share. Maybe you and I can’t do great things. We may not change the world in one day. But we still can change some things today… . In our small way” – Michael Jackson

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s