ANG CELLPHONE AT ANG AMA

Isang kaibigan ang lumapit sa akin isang araw at sinabing babakasyon na siya. Tinanong ako kung ano raw ba ang gusto kong pasalubong pagbalik niya.

I noticed his eyes started getting red and his voice is quivering. Parang pinipigil ang iyak.

Tinanong ko siya kung may problema siya at sinabi ko pa na dapat masaya siya dahil babakasyon na.

Then he started pouring out himself. Sinabi niya na ang anak niya ay humihingi ng sampung libong piso ipapapaayos daw ng cellphone. (Sa totoo lang muntik na akong matumba sa pagkabigla sa sampung libong pamparepair ng cellphone).

Sinabihan daw niya ang kanyang anak na bakit ganoon kamahal, kung sa Japan pa ba bibilhin ang piyesa, at kung ganun ay bumili na lang ng bago. (Ang tingin ko modelong mabibili mo ng wala pang 10 libo iyong cellphone).

Tapos nagalit daw ang anak niya. Bakit daw ang daming tanong, bakit ba ayaw maniwala na ganun ang halaga ng pagpapagawa. Tapos basag na ang boses niya at may namumuo ng luha na sinabi niya na minura daw siya at sinabihang walang kuwentang ama kung di maibibigay ang hinihingi. Ang mura ay iyon pang P…I..A. Kinuwento niya ang naging buhay ng anak niyang iyon na pinapagaral niya pero nagloko at marami pang kalokohan na pinaggagawa.

Sabi ko, since uuwi na siya in 3 days, kausapin niya anak niya ng maayos at siya na ang magpaayos para alam niya talaga kung magkano. Then pinayuhan ko na huwag sasabayan ng galit, intindihin na ang pagiging ama ay kaakibat ang ibayong pasensiya at pagunawa sa anak.  Ganoon din ang laging ilagay sa isip ang Diyos. Lumabas siya ng office ko na sinabing, kakausapin nga niya ang anak, at lumuwag na raw ang dibdib niya.

After he left, naisip ko, kawawa naman ang kaibigan ko. At ilan pa ang mga tatay na katulad niya na may anak na ganoon. Di nila naaappreciate ang pagpapakasakit ng ama nila.

Nalalambungan ito ng larawan ng pera, larawan ng karangyaan, larawan ng layaw.

Ahh.. mapalad talaga ako sa aking mga anak.

—000—

‘In the stone heart of an angry son, an angry son who has done his swallowing, his memories are bitten pills, so many bitten pills that he has collected…’ – Indian Summer

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s