TIWALA SA SARILI

Naglalakad ako sa Ramaniyah Mall ng may tumapik sa akin sa likod at tinawag ang pangalan ko.

“Sir, ako si Francis, kung natatandaan ninyo. Ako iyong nakasama ninyo minsan sa isang conference sa Sheraton sa Dammam, dating sa XYZ Company (sinadya kong itago ang tunay na pangalan ng kompanya),” ani Francis.

Naalala ko na siya. Nakasama ko siyang minsan, pero parang close kaagad kami. Sinabi niya sa akin noon ang problema niya sa kanyang kompanya over lunch sa conference. Pinanghihinaan na raw siya ng loob. Gusto niya lumipat sa ABC Company, pero mababa raw ang offer sa kanya. Ang sagot ko sa kanya, “Bata ka pa, marami ka pang mararating. Maliit pa ang iyong responsibilidad sa pamilya kasi wala ka pang asawa. Weighing down your story, lilipat na lang ako. Kilala ko ang lilipatan mo. Maganda ang pamamalakad at they allow you to really show what you can do. ”

“Sir, salamat sa payo mo. Heto at nasa ABC Company na ako. 5 months na Sir. Nagresign ako sa XYZ tapos 2 months ako sa atin bago nakabalik. Dalawang sunod na buwan na akong Employee of the Month, Sir. Gusto nga kitang makausap e. Naiwala ko naman ang Business Card mo.” ang sabi niya sa akin.

“Basta pagbutihin mo, believe in yourself, huwag intindihin ang iba. At pag may humihingi ng tulong, tulungan mo, payuhan mo.” ang sagot ko sa kanya.

Naghiwalay kami na nangako akong dalawin ko siya sa opisina niya.

Pero bago iyon ay pinakain muna niya ako sa Jollibee.

Feels home sa pancit palabok at yumburger.

—000—

“I’m not ashamed to say. I hope it always will stay this way. My hat is off, won’t you stand up and take a bow. Thank you for being a friend.” – Andrew Gold

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s