CHEATERS. GRABBERS.

Tinawag ako ng me ari ng kompanya isang umaga at pinagusapan namin ang tungkol sa itinatag na bagong kompanya. Ang bagong kompanya ay bilang tugon sa desisyon ng pamahalaan ng Saudi Arabia na tugunan ang mga problemang hinaharap ng mga Employers at Expat Workers, tulad halimbawa ng mga incompetents na matataas ang position, pandaraya ng employees at pagtakas (e kasi nga manloloko pag nabisto tatakas).

Sa isang banda naman, ito ay naglalayon naman na maprotektahan ang Expats sa mga mapagsamantalang employers, lalo na ang mga nasa mabababang position tulad ng Housemaid, Househelps, Driver, Laborers, at iba pa. Ang magkokontrol ng relasyong Labor-Employee ay tulad ng aming bagong kompanya. Halimbawa, kung di ka pinapasahod on time, gagawan nila ng action dahil naka hook up sila sa Minstry of Labor, at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Inatasan ako ng me ari na siyasatin ang mga documents na nadraft na nila, at pinagdesign niya ako ng logo, company profile, at iba pang marketing and promotional literatures.

Kinabukasan, I went to the office ng me ari at nadatnan ko roon ang isa naming Sr Officer A although ibang bansa pero lahing Arabo. Nai-email ko na actually iyon sa me ari at sumagot siya na magusap daw kami. He told me na maganda ang ginawa ko at nakuha ko ang concept na gusto niya. Meron lang ilang irerevise lalo na sa logo. Sumingit si Sr Officer A, “ahh very good, you really followed my advise yesterday.” Diyos mio, tinuruan pala niya ako na gawin iyon. Talk about being cheap. Then, sabi ko sa me ari okay, ayusin ko in 30 minutes kasi me meeting pa ako sa labas.

After 30 minutes, bumalik ako sa office niya. Naroon naman ang isa pang Sr. Officer B galling sa isang bansa sa North Africa, pero sinuwerte na maconvert na Saudi. I showed the new draft to me ari, and immediately Sr. Officer B exclaimed, “yes, that is exactly what I told you to do when you consulted me five minutes ago.” Aba e harap – harapan kung pumapel talaga.

That’s how it is in this country, particularly ang mga lahing ito. They live sa pangungulimbat ng kaalaman at kakayahan ng iba. Mula nang dumating ang dalawang ito, nagkandahetot hetot na ang kompanya.

What is revolting is the way they grab credit and throw fall guys sa kawalan nila ng alam.

Nagsasalita kasi ng lengguwahe nila at magaling bomola.

I still believe in the law of Karma.

—000—

“So you run and you run to catch up with the sun but it’s sinking. Racing around to come up behind you again.  The sun is the same in a relative way but you’re older, Shorter of breath and one day closer to death.” – Pink Floyd

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s