ABILIDAD SA TIYAGA

Me magkaibigan, si Carlo at Dario na bagong graduate sa university ang pinalad na makuhang Sales Assistant ng isang Kompanya. Pareho silang masipag at matiyaga. Makalipas ang isang taon, si Carlo ay napromote na Sales Representative, at sa ikatlong taon isa na itong Sales Executive samantalang si Dario ay Sales Assistant pa rin.
Nagdesisyon si Dario na magresign dahil di niya matanggap na napagiwanan na siya ni Carlo gayung sa kanyang pananaw ay mas masipag at mas matiyaga siya kesa rito.

“Bakit ka naman aalis? Ano ang dahlan?” ang tanong nang kanyang Boss.

“Sa totoo lang, di ko na kayang magtrabaho sa isang kompanya na hindi tinitignan ang kasipagan at pagtitiyaga ng empleyado. Kung sino ang malapit at mabola e iyon ang napopromote.” Ang kanyang sagot.

Naramdaman ng Boss na kailangan niya ipaliwanag kay Dario ang sitwasyon sa pamamagitan ng ibang paraan.

“Bago ko tanggapin ang resignation mo, puwede bang Pumunta ka nga sa Jojo’s Grocery at tignan mo kung me tinda silang hotdog?” ang utos ng Boss.

Bumalik si Dario at nagreport sa Boss. “Boss, meron silang tindang hotdog!”

Sumagot ang Boss, “Anong brand meron sila?”

Balik sa supermarket, report ke Boss “Boss, meron silang Purefoods, Swifts, CDO at Pampanga’s Best.”

Tinawag ng Boss si Carlo at inutusan ng katulad ng kay Dario, “Pumunta ka nga sa Jojo’s Grocery at tingnan mo kung me tinda silang hotdog!”

Bumalik si Carlo at nagreport sa Boss, kaharap si Dario, “Boss meron silang tindang Purefoods – P250/kg, Swifts P255/kg, CDO – P230/kg at Pampanga’s Best – P200/kg. Pero iyong Swifts Boss ay may libreng isang lata ng Swift Luncheon Meat 280 g pagbili mo ng isang kilo.”


Bumaling ang Boss kay Dario, “Iyan Dario ang dahilan kung bakit mabilis na umangat ang kaibigan mo. A more successful person is more observant, tinitignan ang detalye, think more and understand in depth.”

“Ang matagumpay na tao ay tumitingin sa darating na taon, samantalang ang katulad mo ay tinitignan ang bukas. Ang bukas ay isang araw Dario at 365 days ang layo sa isang taon.” Ang sabi ng Boss.

It is not just hardwork that makes one a winner, but the attitude. Attitude to see ahead, think and plan.

Abilidad lang iyang Boy!

—000—

“Did you ever notice the way. That your life was going. Did you ever notice the way. That you life was heading. But you know. Yes you know. Yes you know. Your own a ability.” – Luke Chow

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s