HAPPY 74th BIRTHDAY NANAY

Naging masasakitin na si Nanay nitong mga nakaraang buwan. Dala na rin siguro ng age at ng mga kasipagan niya noong araw na di na niya inalintana ang sariling katawan.

I opted to post this Birthday Greeting to Nanay in advance para samahan ninyo ako na ipagpasalamat ang kanyang kaarawan at ipanalangin ang pananatili ng kanyang kalusugan.

1525240_10201871205959448_1735700875_n

Nanay on this special day I would like you to know
That without you there would be no me
Your love, your attention, your guidance have made me who I am
Without you I would be lost wandering aimlessly without direction or purpose
You showed me the way to serve, to accomplish, to persevere
Without you there would be an empty space I could never fill no matter how I tried
Instead because of you I have joy, contentment, satisfaction and peace
You taught me how to be strong in a different way
You made me responsible in an eclectic manner
That I only discern as I rise from every fall as I look at the view from below
As I emphatize with people
Thank you Nanay
I have always loved you and I always will
Happy happy birthday Nanay

I pray that God grant you more health and keep you strong and safe

—000—

“You showed me how to care / And you showed me that you would always be there / I wanna thank you for that time / and I’m proud to say you’re mine.” – Backstreet Boyz
Advertisements

NAUBUSAN NG INK

May isang mataas na kasamahan ako sa trabaho ang nagpadala sa akin ng email isang araw na ang laki ng font at kulay pula, at sinundan pa niya ng sangkatutak na question mark. Tinatanong niya ako kung bakit hindi kami nakasali sa isang kinukunsidera niyang isang malaking event. Tinanong pa niya kung sino sinong malalaking kompanya na katulad namin ang negosyo ang nagparticipate sa event.

Sinagot ko na hindi ako ang inutusan niya na sumagot sa paanyaya ng organizer ng event na iyon kundi ang kanyang trusted na tao ( ang sagot ko ay normal font at normal na kulay at very courteous manner, sang-ayon sa propesyonal at wastong paguugali sa email).

Sumagot siya ng mas malaki pa ng 2 points ang font at kulay pula pa rin at sangkatutak na question mark. Sabi niya sagutin ko raw ang tanong niya, dahil kahit na may inatasan siyang iba ay responsibilidad ko pa rin daw iyon.

Medyo napipika na ako, dahil nga napakawalang modo kahit na siya ay mataas kaya sinagot ko ang email niya na gamit ay mas maliit ng 2 points ang font, at kulay gray. Sabi ko, 3 buwan na ang nakakaraan ay nagbigay na ako ng komentaryo (iniattach ko ang email na iyon) na hindi ako sangayon sa paggastos sa event na iyon dahil hindi naman tamang mga tao at audience ang makakasalamuha roon. Masasayang lang ang napakalaking halagang gagastusin sa pagdalo roon. Ito ay sinangayunan ng meari ng kompanya.

Sumagot siya na naintindihan na raw niya kaya lang nahirapan daw siyang basahin ang email ko dahil maliit at malabo ang mga letra. This time normal font at kulay na siya.

Sagot ko sa email ko, “pasensiya na, naubusan na ako ng ink, kaya malabo ang letra sa email ko.”

Di na siya sumagot.

—000—

“Every option’s looking grey. Won’t somebody throw me away? It’s all about who we fool.” – Katy Rose

SUHI

Kumakain kami ng tanghalian, ulam ay isda at tinolang nakawala ang manok, ng magcomplain ang kasamahan ko na natinik siya. Hilutin ko kako dahil suhi ako. Hinilot ko twice at sinabi ko na sundan niya ng papaya na sahog ng tinola. Naalis ang tinik niya.

Pag naghihilot kasi ako ng natinik, ay pinasusundan ko ng either saging, nilagang patatas, o kanin whichever is available, para siyang magtulak sa tinik from pagkakabara.  At wala pa naman akong paltos sa paghihilot ng natinik.

Naalala ko back when I was still working in RFM, me dinala sa aking natinik from Manila. Kapatid siya ng isang co-employee na nakaassign sa Accounting. Siyempre ang planta na minamanage ko ay isang Hatchery, so ang product na naiaallot sa empleyado ay itlog. Nagpalaga ako ng 2 pcs na Jumbo eggs at ito ang gagamitin kong pantulak after na mahilot ko ang tinik.

Hinilot ko na iyong bata, tapos sabi ko kagat doon sa itlog tapos lunok. Tinanong ko kung nadala na iyong tinik. Hindi pa raw.

Hilot uli ako. Kagat sa itlog. Lunok. Hindi pa rin daw naaalis.

Naubos iyong isang itlog. I heard him remarked dalawa raw ang pula nung itlog. Masarap.

Hilot uli ako. Kagat sa itlog. Lunok. Hindi pa rin daw naaalis.

Saktong huling kagat at lunok niya sa itlog, I mean ubos na after that, when he told me. “Okay na po. Maayos na.  Salamat po. ”

Sabi ko, salamat naman. Rare case kako ito. Normally, maximum na ang tatlong hilot. Aba e tumagal ito ng mga sampung hilot. At naubos pa niya ang itlog. Nagpaalam na sila at sabi ay mamasyal pa sila sa Tagaytay.

Before going out of the plant, his brother whipered to me.

“Pards, sa totoo lang, tanggal na raw iyong tinik nung unang hilot mo. Kaya lang, pinahilot uli niya para raw maubos niya iyong itlog. Sarap daw kasi, dalawa ang pula.”

Ang lakas ng tawa ko.

Wise na bata. May kinabukasan kako siya.

—000—

“What if a guy gives you some cash. If you’ll go with him now. What if the little voice inside of you
Says “No sir!,” “No way!,” “No how! Take three steps back”  – Yellow Dyno

IKAW NA

Madalas kong maranasan ito. Kayo man siguro ay ganun din.

1. Miron sa chess na turo ng turo ng kung ano ang move. Pero siya paglaruin mo, talo naman!
2. Puna ng puna sa pagkanta ng iba, pakantahin mo sablay. Papuntang Divisoria iyong kanta, siya ay pa Baclaran ang banat.
3. Bangkong player na maingay. Bubulong bulong na hindi naipasok, medyo magsasalita pa na alat na nga ang nasa loob, di pa siya ipasok. Pag ipinasok mo naman palpak. Pati maayos na player nadidismaya, nasisira ang laro.
4. Payo ng payo ng tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa kalusugan, pero me nakasubo namang sigarilyo.
5. Ang galing mamuna ng mali sa trabaho, pero pag siya na pinagawa mo mapapahamak ang kompanya.
6. Reklamo na mas masarap pa raw siyang magluto kesa sa kinakainang restaurant, pero nung magluto, walang makakain.


7. Comment ng comment sa mga news tungkol sa ginagawang paglilinis ng gobyerno, iyon pala isa rin pala siyang magnanakaw sa kaban ng bayan.
8. Batikos ng batikos sa sistema, wala namang maibigay na magandang solusyon.
9. Preach ng preach ng tungkol sa honesty, siya naman pala ang madaya lalo na pagdating sa pera.
10. Ang galing mangaral tungkol sa pagbibigay, kagandahang asal, sa pagsunod sa Panginoon, samba ng samba, pero di man lang makapagbigay kahit piso sa nangangailangan.
11. Nagpapayo ng masamang epekto ng pag-inom ng alak habang lasing.

Maraming taong tinatakpan ang kanilang pagkukulang, ang kanilang kasakiman, ang kawalan ng alam, sa pamamagitan ng pamumuna, pagbibida, pagpapasikat at pag-alipusta sa ibang tao.

Napakadali ang maging kritiko, ang magsabing “ito ang dapat tama” pero sa sarili ay di magawa. Meron pa ngang nagbabalatkayo na naglilingkod sa kapuwa, sa institusyon o maging sa simbahan, ngunit naninira ng kapuwa, upang maiangat ang sarili.

Sickly ill.

“It is easier to tell someone what is right than to practice it personally.” –  1Timothy 4:12, 15

—000—

“Do you want this, in you. You’re the only thing that’s real. And we don’t need to beg or steal. Everyone is so self righteous.” – Third Eye Blind