NAUBUSAN NG INK

May isang mataas na kasamahan ako sa trabaho ang nagpadala sa akin ng email isang araw na ang laki ng font at kulay pula, at sinundan pa niya ng sangkatutak na question mark. Tinatanong niya ako kung bakit hindi kami nakasali sa isang kinukunsidera niyang isang malaking event. Tinanong pa niya kung sino sinong malalaking kompanya na katulad namin ang negosyo ang nagparticipate sa event.

Sinagot ko na hindi ako ang inutusan niya na sumagot sa paanyaya ng organizer ng event na iyon kundi ang kanyang trusted na tao ( ang sagot ko ay normal font at normal na kulay at very courteous manner, sang-ayon sa propesyonal at wastong paguugali sa email).

Sumagot siya ng mas malaki pa ng 2 points ang font at kulay pula pa rin at sangkatutak na question mark. Sabi niya sagutin ko raw ang tanong niya, dahil kahit na may inatasan siyang iba ay responsibilidad ko pa rin daw iyon.

Medyo napipika na ako, dahil nga napakawalang modo kahit na siya ay mataas kaya sinagot ko ang email niya na gamit ay mas maliit ng 2 points ang font, at kulay gray. Sabi ko, 3 buwan na ang nakakaraan ay nagbigay na ako ng komentaryo (iniattach ko ang email na iyon) na hindi ako sangayon sa paggastos sa event na iyon dahil hindi naman tamang mga tao at audience ang makakasalamuha roon. Masasayang lang ang napakalaking halagang gagastusin sa pagdalo roon. Ito ay sinangayunan ng meari ng kompanya.

Sumagot siya na naintindihan na raw niya kaya lang nahirapan daw siyang basahin ang email ko dahil maliit at malabo ang mga letra. This time normal font at kulay na siya.

Sagot ko sa email ko, “pasensiya na, naubusan na ako ng ink, kaya malabo ang letra sa email ko.”

Di na siya sumagot.

—000—

“Every option’s looking grey. Won’t somebody throw me away? It’s all about who we fool.” – Katy Rose

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s