HAPPINESS IS NOT A DOLLAR SIGN

Habang papunta kami sa isang meeting, ang kasamahan ko ay nagkuwento ng mga frustrations niya sa kanyang Boss. Natransfer siya sa aming department and supposedly ay under na siya ng aming Head pero ang kanyang dating Boss pa rin ang nasusunod. His Boss ay mataas ang puwesto sa aming kompanya at lahing Arabo, pero hindi Saudi.

Sabi niya sa akin, humingi raw siya ng increase in September, dahil naka 1 year na siya at maayos naman ang kanyang trabaho. Actually, ang pinapagawa sa kanya ay trabaho lang ng ibang position kaya sinabi niya na mas maganda na ibang tao ang magwork noon dahil mas mataas dapat ang ipatrabaho sa kanya. Dito siya mas mapapakinabangan.

Sabi ng Boss niya ay nadiscuss na raw sa me ari ang hiling niya at ito ay hindi naapprove. Sinabi niya na ilalapit niya ito sa aming Head at sinabi nang Boss niya na good luck, sabay tawa.

He found out na hindi naman pala inilapit ng Boss niya iyong request niya, at sabi ng Head namin ay wait until matapos ang taon na ito.

He was asked by his Boss kung ano nangyari sa request niya. Sabi niya ay wala pa. Patuyang sinagot siya na, “you will not get that increase I tell you.. ” sabay tawa. Sinundan pa na pero kahit wala raw increase , ay mukhang masaya siya.

Sinagot niya na masaya siya kahit na wala siyang naiipon, at lahat ng maliit niyang sahod ay nagagastos niya. Masaya siya dahil natagpuan niya rito ang kanyang dating GF, nagpakasal sila at kasama niya rito. Iyon ang kaligayahan, hindi ang pagkalaki laking sahod na katulad ng Boss niya.

Then he asked his Boss, “tell me, are you happy with your money?”

Di raw nakasagot. Kasi namula sa pagkapikon sa tanong niya, at naninikip ang dibdib.

—000—

“When you’re feeling lost inside let my true love be your guide. True true happiness will follow if you’ll only follow me” – Johnny Tillotson

Advertisements

INSPIRING

I got tired watching Pinoy News Channel on the internet, puro balitang corruption, nakawan, panloloko, pati mga balitang showbiz na di naman makakatulong sa pagunlad ng bansa. I was looking for something inspirational when I came across an article about Rudy Quimbo. I read a news about him when I was in College. One of those dreamful guys playing basketball then waking up the next day paralyzed from the waist down. He never walked again.

Habang nasa ospital ay nalaman niya na nakapasa siya sa UPCAT, so frustrated was he of knowing na walang paliwanag sa kanyang kalagayan, naisip niya na what is the use of studying. Pero kinausap siya ng kanyang ama at nag-aral siya sa UP, naging student leader, naging President ng Law Student Government.

Today, Quimbo is the the executive director of the Philippine Senate’s Blue Ribbon Committee. Prior to that, he was, for 12 years, chief-of-staff of the late and great senator Juan Flavier.

What’s striking with this guy is the perseverance and the will to surpass challenges though he himself is physically challenged. Ang isa pang kahanga hanga ay ang kanyang uri ng paglilingkod sa bayan – walang pagiimbot, walang bahid ng korupsyon. Pure service.

Which brings me back sa sinasabi sa Filipos 4:8 “Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.” It exhorts us to develop a Christian thought life.. and that is the essential way to happiness and contentment. Iyon bang nakapaglingkod ka ng buong katapatan at naibahagi mo ang iyong kakayahan. Naibahagi mo na rin ang mga magagandang gawa ng Diyos.

Truly inspiring.

—000—

“Go on and try to tear me down. I will be rising from the ground”. – Demi Lovato

KILITI

Nang masamyo ko, ang mainit mong hininga
Kakaibang init, aking nadama
Sa kaibuturan ay may nag-uumalsa
Pagnanasa na walang kahangga

Nang damahin ko, malusog mong laman
Matinding gigil, pilit kong nilalabanan
Ang iyong nasa gitna, nais na matikman
Mamasa-masa, nais kong dilaan

Taglay mong saplot, ay aking dahan-dahang
Binuksan at maingat na tinanggal
Sa aking pananabik, ako’y nangangatal
Init na init akong tumutulo ang laway

Anong ligaya ko ng tuluyang mahantad
Ang binalot-balot na sinasalat-salat
Dahan-dahang sa bibig aking ipinasak
Ninamnam ang sarap, o aking Big Mac!!

—000—

“Today is the greatest. Day I’ve ever known. Can’t live for tomorrow, Tomorrow’s much too long I’ll burn my eyes out. Before I get out . I wanted more. Than life could ever grant me. Bored by the chore. Of saving face.” – Smashing Pumpkins

LET IT GO… SPREAD THE GOODNESS

Once, during the course of his travels, a Pastor arrived at a village where the people were a quarrelsome lot. He blessed them and asked them to prosper and live in that village forever.

In the next village, where the people were peace-loving, the Pastor blessed them too but asked them to abandon the village and disperse.

Jose, his close assistant, puzzled by the Pastor’s strange blessings, asked him why he blessed the first village with prosperity though its people were unworthy of it and asked the good people of the second village to disperse.

The Pastor smiled and answered: “The quarrelsome will only spread unrest and friction wherever they go. So I asked them to remain where they were. But it is better for the peace-loving to disperse and take their good qualities with them so that all those who know them can learn the art of peaceful coexistence.”

Ito ang buod ng tugon sa ating paghahanap ng happiness… goodness. Spread goodness. How? By acts of gratitude, appreciation and kindness. You’ll feel na luluwag ang iyong dibdib at nakapagbibigay ka pa ng kaligayahan sa kapuwa mo.

Spread even small acts of goodness. Don’t suppress it. Let is show.

It will come back to you.

—000—

“The Lord leads me beside the still water. O how He does satisfy! Surely goodness and mercy follow me. All the days, all the days of my life.” – Anonymous

WHAT MAKES YOU HAPPY?

I went to Aramco to submit registration documents para sa isa naming product for power substation. Tulad ng inaasahan ko, wala na naman ang in-charge sa pagreview ng application. Isang taon na mula nang una akong magsubmit ng registration documents na ito, at isang taon na ring hindi ko siya mahagilap sa opisina niya o sumagot man lang siya sa telepono at email niya.

Finally, last month sumagot siya sa akin, at ang sabi niya ay wala siyang natatanggap na mga documents kaya kailangan akong magsubmit uli.

I asked the help of my friend na kasama niya. Mas senior sa kanya. He accepted my call and told me he will come out to the lobby. He asked me to bring the documents inside at nireceive niya ipinapatong sa akin sa harapang mesa nung in-charge.

Then he asked me to come to his office, he asked me to sit down and he told me, after February you’ll find it difficult to come here and make follow ups. Sinabi pa niya na hanggang February na lang siya.

Sabi ko how many years ka na ba sa serbisyo. 35 years na raw. Pinipigilan daw siya kahit na matanda na siya dahil ng sa gamay na nya husto ang trabaho at matalas pa rin ang isip niya. He told me that he was offered higher magrenew lang ng contract.

He explained that he will not renew. He asked me “what makes you happy?”

Sinagot ko siya, “What makes life worth living is what makes me happy.”

“That’s profound. Make your answer simple.”

“Anything that would make me have a purpose to somebody makes me happy.” sagot ko.

Untitccled

“Exactly!” sabi niya. “In my job, I am driven by the thought that I am of use to somebody, and I have a purpose in the organization. However, I have reached a point that I have to fulfill my own purpose. What is that? To lead a quiet life. To lead a contented life, away from this kind of life. You know, I work here, I earn a lot, but it also drives me to lead a noisy life, stressful life, a discontented life. Because I earn a lot, my level of wants have increased. I want to buy more, that it has put a strain in myself, in my mind, in my heart, in my health. I bought a piece of land in Hofuf-Hassa and have transformed it into a farm. My mind is into that kind of life now.”

“Same dream I have.” I told him. He wished me luck, told me to take care and made me promise to visit him often. He added that he will call me one weekend and ask me to join him in his farm. I am by profession an Agricultural Engineer, he quipped, so I can give him a lot of advise. I replied, “all my pleasure. I am so blessed in having a friend, a brother like you.”

Then I asked him how much was the offer for him to stay. He whispered the amount.

Very high for a 62 year-old kind man.

—000—

“Children play in the park, they don’t know. I’m alone in the dark, even though. Time and time again I see your face smiling inside. I’m so happy. That you love me. Life is lovely. When you’re near me.  Tell me you will stay. Make me smile” – Chicago

 

 

 

PAPER BOAT – 1986

I composed poems and short stories before na napublish sa MOD, Liwayway, People’s Journal at muntik na sa Tiktik buti na lang pumasok sa eksena si Xerex Xaviera.

Here’s one from 1988:

PAPER BOAT

I made a paper boat one day
And let it float to a tranquil stream
It made turns and swings to rivulets and pools
Made by rocks, twigs and roots
Then it bumped and bungled to the banks
While I rushed to skillfully untangle

My paper boat gallantly fought
The rushes and gushes and seemed nothing
Can stop its way down the stream
I adeptly traversed the water floor
Rigidly contrasted the wind
And I knew that my paper boat
Is like my own challenges

Tersely it conquered the water as if its slave
And the wind as its ally
Like I did to my trials
When suddenly it rained
My paper boat got soak with water
Wet and soggy it went down
To the bottom of the stream

The stream of water that it conquered
Through the rainwater that poured
I realize then that my own challenges
Is the same thing, which conquered
And by complacency be defeated.

—000—

“Yeah, you can be the greatest. You can be the best. You can be the King Kong banging on your chest. You can beat the world. You can beat the war. You can talk to God, go banging on his door.” – The Script

 

ARROGANCE STINKS

May nakilala akong Manager na kababayan sa isang Construction Company. Noong bisitahin ko siya sa kanyang opisina, he talked about how he became a manager in his company, at kung paano niya pinaangat ang kompanya. He talked highly of himself and even boasted na isang clerk lang siya sa isang government office sa pinas.

He called his pinoy assistant and asked for coffee and I requested water only.

The pinoy assistant came with the coffee and water. Upon sipping the coffee, he angrily called back his assistant and told him: “anong katangahan naman ito, di ba sinabi ko sa iyo gusto ko matamis kape ko, bakit ang pait nito, gusto mo bang pauwiin na kita?”

His assistant meekly asked for apology and was about to get the cup para dagdagan ang asukal, pero tinabig ang kamay nito at minura-mura as in mura talaga.

Untitled

Sinabihan ko siya na okay na iyon, tama na at baka magdamdam ng husto iyong tao niya. Aayusin naman na ang timpla e. Galit na galit pa rin siya na nagsabing binigyan na nga niya ng trabaho ay di pagbutihin ang pagtatrabaho.

Gusto ko siya payuhan pero sa tingin ko mahirap siyang makinig. Nakatanim na ang arrogance sa dibdib niya at iyong pagmamataas dahil nga sa tingin niya ay dati siyang mababa sa pinas, ngayong narito na siya sa saudi at mataas ang katungkulan ay dapat siyang ituring na amo. Naadopt niya ang master-slave attitude ng mga lumang Arabo.

Di ko na pinatagal ang usapan namin, after 5 minutes nagpaalam na ako. Tinapik ko ang balikat ng pinoy assistant paglabas ko.

By the way, this friend is an active leader sa church dito.

—000—

“Spare me the sermon, your preach is worthless. Another toxic person to pollute my surroundings, another toxic person
Here’s to the know it all, That knows nothing at all. Another stick in the mud.” – Traitors