HOMESICK BLUES

Me nakilala ako rito na matagal nang di umuuwi. Sabi niya iyong pamasahe at vacation leave niya ay iniencash na lang niya para me pambayad sa tuition at iba pang gastusin ng kanyang mga anak.

Masayahin siya at lagi na ay may halong biro ang pagsasalita. Gusto rin siya na amo niya kasi masipag, madiskarte at maasahan sa trabaho.

Minsan nagkakuwentuhan ang tropa at nagaya siya ng mahjong. Meron daw siyang set. Laro laro lang daw. Pinakalibangan niya dahil nakakapagpabilis daw ng diskarte at desisyon. Pag naglalaro raw kasi ng mahjong nakakastimulate daw, it that requires the use of multiple parts of your brain, with logic, risk-management, quick decision-making, pattern recognition at problem solving. Pag tumatanda raw kasi dapat na maexercise ang brains to avoid the risk of cognitive diseases or dementia. Identified daw na “brain stimulating game” ang mahjong which is different from chess na “brain draining game”.

Isa pa raw sa maganda sa mahjong ay ang paggamit ng kamay. Kinakapa mo ang pitsa bago tingnan at natatandaan kung ano ang pitsa – bamboos, characters, dots, etc.

Dagdag pa niya, “malakas makawala ng homesick ang Mahjong”

“Bakit? Paano?” ang tanong ko.

“E kasi, diyan lang ako nakakasalat ng flowers dito sa Saudi e.” ang nakangiti niyang sagot.

—000—

“I feel I wanna hold you, wanna tell you that you’ll be alright. Sang this song today, it’s recalling your pictures all in my mind. I miss you now. ” – Stereophonics

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s