HAPPINESS IS NOT A DOLLAR SIGN

Habang papunta kami sa isang meeting, ang kasamahan ko ay nagkuwento ng mga frustrations niya sa kanyang Boss. Natransfer siya sa aming department and supposedly ay under na siya ng aming Head pero ang kanyang dating Boss pa rin ang nasusunod. His Boss ay mataas ang puwesto sa aming kompanya at lahing Arabo, pero hindi Saudi.

Sabi niya sa akin, humingi raw siya ng increase in September, dahil naka 1 year na siya at maayos naman ang kanyang trabaho. Actually, ang pinapagawa sa kanya ay trabaho lang ng ibang position kaya sinabi niya na mas maganda na ibang tao ang magwork noon dahil mas mataas dapat ang ipatrabaho sa kanya. Dito siya mas mapapakinabangan.

Sabi ng Boss niya ay nadiscuss na raw sa me ari ang hiling niya at ito ay hindi naapprove. Sinabi niya na ilalapit niya ito sa aming Head at sinabi nang Boss niya na good luck, sabay tawa.

He found out na hindi naman pala inilapit ng Boss niya iyong request niya, at sabi ng Head namin ay wait until matapos ang taon na ito.

He was asked by his Boss kung ano nangyari sa request niya. Sabi niya ay wala pa. Patuyang sinagot siya na, “you will not get that increase I tell you.. ” sabay tawa. Sinundan pa na pero kahit wala raw increase , ay mukhang masaya siya.

Sinagot niya na masaya siya kahit na wala siyang naiipon, at lahat ng maliit niyang sahod ay nagagastos niya. Masaya siya dahil natagpuan niya rito ang kanyang dating GF, nagpakasal sila at kasama niya rito. Iyon ang kaligayahan, hindi ang pagkalaki laking sahod na katulad ng Boss niya.

Then he asked his Boss, “tell me, are you happy with your money?”

Di raw nakasagot. Kasi namula sa pagkapikon sa tanong niya, at naninikip ang dibdib.

—000—

“When you’re feeling lost inside let my true love be your guide. True true happiness will follow if you’ll only follow me” – Johnny Tillotson

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s