TANGHOD NA, ULOK PA

Napakaraming kaguluhan ang nangyayari sa ating bansa at mga bayan, mga krimen, mga katiwalian at mga kawalan ng panuntunan sa paguugali.

Nakadagdag pa sa mga kasamaang lumalaganap ang maling paggamit ng teknolohiya, ang laganap na paggamit ng droga at ang kakulangan ng oras ng magulang sa pangangalaga at paggabay sa mga anak.

tanghod

Ang dating matahimik at matiwasay na pamumuhay sa mga pamayanan ay nagambala ng mga paglapastangan at pagpatay sa mga kabataang marami pa sanang pangarap ang dapat na matupad. Ang matulain, payapa, masaya at lovely town ay napuno ng pangamba at pumupunta sa pagiging lonely

Kasunod nito ay naglabasan ang mga komentaryo, komentaryo na iisa ang sinasabi, magkaisa para sa pagbabago. Pero what is that pagbabago. Anong landas sa pagbabago. Paano. Marami nang mga salita, marami nang ginamit na verses  at panalangin. Ang kailangan ay pagkilos.

Kung meron man ay ibang tao ang nais na pakilusin at susuporta na lang daw ang ikakaisa nila. Panalangin na lang daw ang maiaambag.

Kailangan ay ang lahatang pagkilos, iyan ang pagkakaisa. At dapat ihanda ang mga sarili sa mga balakid. Maraming gagawing paraan si satanas para di magtagumpay ang anumang nais na pagbabago. Ang pagbabago ay matutupad sa isang nagkakaisang pagaksyon, hindi pagsasalita. Hindi sa pagtanaw.

Marami pa rin ang nagkakasya na lang sa panunuod. Sa pag TANGHOD.

Na pinalala pa ng mga nanguULOK.

TANGHOD sinamahan ng ULOK.

Tanghudlok.

—000—

 “Well I’m just people watching. The other people watching me. And we’re all people watching. The other people watching we. I see so many feet going so many ways. People passing by, they got nothing to say. All on our own, just watching and confused.” – Jack Johnson

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s