BLESSINGS ARE NOT LUCK. BLESSINGS ARE FROM GOD. LUCK IS NOT.

Isang kaibigan ang accidentally hired as Project Supervisor ng isang kompanya rito sa Al Khobar. Accidentally because he applied as Technician as recommended by his Bro-in-law who works as Finance Officer of that company. However, during interview in the Philippines by the owner, he was asked if he can do the Supervisory job, dahil iyon daw ang bakante.

He accepted the job, was given a hefty salary, plus service vehicle, plus communication allowance, family status and bonus pag maganda ang performance.

Nangangapa siya noong una, but because masipag siya at palaaral by himself, maayos niyang nagampanan ang work niya. Ang naipapadala niya sa pamilya niya ay 5x ng kinikita niya sa pinas. His family started living well, his children were transferred to a slightly expensive school ang panganay was able to study in College. Ano pa at maganda na talaga ang tinatakbo ng kanyang trabaho, buhay at buhay ng pamilya. Nakakatulong pa siya sa mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.

To give you an idea of how much he earns in Saudi, his salary in the Philippines is less than P10,000 a month given the basic pay of P 367.00 per day( x 25.25 days per month) in 2010.  And here, he receives 5x basic plus other benefits which is equivalent to 1.5x what he receives in the Philippines. And WITHOUT TAX at that.

He bought a car, isinoli nya company car, para makuha niya transportation allowance of 10% of his salary. So me nabawas na panggasolina, pang repair and maintenance sa take home nya. His allowance is swak lang sa monthly amortization ng car niya na top of the line pa.

Then, he brought his family here. Naiwan lang ang anak na nasa College. Sabi ko, maganda ang katayuan nila sa Pinas, me maliit na kayong grocery na pinagkakaabalahan ng wife mo, ipinasara ninyo. Nasusubaybayan ng asawa mo ang mga bata sa pag-aaral, lalo na ang nasa College. What is your purpose in bringing them here? Sabi niya, marami siyang nakikita na narito ang pamilya at masasaya. Sabi ko, pananaw ko lang ito, uu nga’t at makakasama ka, but they are 5 souls na iipitin mo sa bansang ito. Ang wife mo, pag narito na, nasa bahay lang. Laging gusto ay 4PM na para uuwi ka na at ang mga bata. Why are you sacrificing here? Para sa kanila. Now, they are also sacrificing here. Tayo na lang ang magsakripisyo. Tutal sabi mo nga para sa kanila kaya ka nagsasakripisyo dito. At malaking gastos iyan. Di ka na makakaipon. Still he took them here.

Two years ago, naghire ng isang Foreman of other nationality ang kanyang amo. Under sa kanya ang Foreman pero sumasahod ng almost 2x ng sahod niya. He complained to me na ganun at di raw siya papayag doon. Dahil din doon, naging mainit siya sa Foreman. Lahat ng ginagawa ay mali para sa kanya. He complained sa amo niya na di raw patas iyon. Dapat daw mas mababa ang sahod sa kanya.

The problem kako sa kanya is that he is looking it at an outsider’s perspective. Iyong tagalabas (kaibigan, katrabaho, adviser kuno, na di alam kung buong buhay niya, those who are just looking at the situation at agad magbibigay ng payo) Iyong hindi inaanalyze how blessed you have been here.

Count your blessings muna. For the past 3 years na narito ka, ang laki ng kaunlaran ibinigay sa iyo at sa iyong pamilya ng “aksidenteng” pagka hire sa iyo. Think about paano ka kaya kung wala ka rito? Next, others do not know that you are formerly a technician and now a Supervisor receiving 8x more now.

Blessings are with you. God is with you. You should realize that.

All you must do is keep doing what you are doing right now. Maganda ang work mo. Ang peformance mo. Ang attitude mo. Don’t look at other people, igagaya ang sarili, o makinig sa sulsol na iba.

As of now. Let your foreman receive that high salary. Sooner by doing your best, your boss will realize that maliit pala ang sahod mo. Itataas ka. But from today, learn to appreciate your situation. Learn to thank God for your blessings. It is not luck. You are blessed.

That was about 18 months ago.

He sent me a PM the other day. He told me, he is the Philippines now. Hindi na babalik. Pina exit siya ng amo niya.

What happened kako?

He demanded for an increase kasi nga dahil mas mataas pa sahod ng Foreman niya, at halos di na makaipon dahil sa gastos nila rito ng pamilya ninya. Ibinigay sa kanya at naging about 90% na siya ng sahod nung Foreman. Di pa rin siya kontento. Early this year, nagdemand uli siya nang 150% ng Foreman niya with a threat na magreresign siya.

Pinatulan siya ng amo niya. Binigyan siya ng Exit. Worse, kinausap siya at sinabing masamang masama ang loob nito sa kanya. He trusts him so much and he was  just testing his loyalty and patience. But sa ipinakita raw niya, hindi siya dapat pagkatiwalaan.

His Boss also dismissed his Foreman 1 month ahead of him.

He asked me to help him find another job here. He added na walang wala na raw siya. Wala na ang grocery nila. Bahay lang daw naipundar niya. Di pa tapos. Ang anak niya 3rd year pa lang daw, dapat graduate na. Nagloko sa pagaaral. Iyong isa naman ay inabutan ang panganay niya. Another has just graduated from High School at College na rin.

Sana raw may magbigay sa kanya ng second chance. I advised him to keep on praying and looking at the lessons in life he learned. “Gamitin mo iyon para ikaw ay bumangon.”

Blessings are there kako para pagyamanin, palaguin at ibahagi sa iba.

Don’t be blinded by luck. You have mistaken your blessings as luck.

Luck is not from God. Blessings are.

—000—

“Cause what if your blessings come through rain drops
What if Your healing comes through tears
What if a thousand sleepless nights are what it takes to know You’re near
What if trials of this life are Your mercies in disguise.” – Laura Story

2 Comments

  1. Woww Wisdom!
    A lesson learned through bro. Emil as an instrument from God… it was a part of Immaturity and wrong-Pride of life kung mgppadala sa outside negative situations, the test is paanu ka magrereact o magddecide sa nkkita mong problema na ndi mpphamak kinabukasan ng sarili mong pamilya. Iba eung Skilled ka nga sa Trabaho at Specialized mona peru iba eung Maturity sa Personal Behavior at ito ang Hindi nbbigyan ng Attention ng ilang kapwa nting OFW na humahantong sa pagddesisyun na mali at nailalagay sa isang sugal o by chance ang kinabukasan ng pamilya gayung ‘hawak na ntin sa ating palad ang sitwasyon’. Dapat eung Skills and right-Behavior must “Grow Together”, may pangyyaring nauuna ang Skills peru naiiwan ang right-Behavior at nuuwi sa wrong-pride, wrong-decision, kyabangan, kya nga nsa huli ang pagsisisi.
    Relate ako d2, but i thank God for His Wonderful Blessings, for i may not lucky but blessed beyond my expectations. “Bless u too guys…” Magandang Buhay sa Lahat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s