DISKARTE

May prequalifications para sa 3 malalaking projects  na kailangang masubmit kanina sa malaking kompanya dito sa Saudi. Deadline ay  3:30PM.

Ang komplikado rito ay ang mode of submission. Ang isa ay iaupload sa kanilang Portal, ang pangalawa ay isasubmit ng personal sa Contracting Office at ang pangatlo ay dapat ipadala raw through courier.

Uploading sa portal takes time at nagkukumahog na kami ng assistant ko na matapos on time. We have finished 2 at tinuruan ko siya magupload dahil uubusin ang oras ko kailangang tapusin ko pa ang isa.

Sa madaling sabi, natapos ko lahat at iyong pangalawa ay isasubmit ko ng personal. Ang problema ay ang pangatlo dahil late na ako kung sa courier ko pa ipapadala. Malamang ay after the weekend na iyon madeliver. Pareho kong dinala ang dalawa at may naisip akong paraan.

Pagdating sa kanilang opisina, iniabot ko ang No. 2 sa Contract Assistants. Then tinawagan ko ang officer na papadalahan through courier ng No. 3.

“Good afternoon, Mr. R. This is Mr. E from “Clinquantlife Courier Services” and I have a pack of documents for you.”

Tumawa siya ng malakas at sinabing “Mr. E, you are really smart. Hahahahaha. How come you now own a Courier Services? Okay, I will come out and accept your delivery.”

Sabi ko sa kanya noong kaharap na, “the instructions is through Courier, so here I am as a Courier..”

Tinanggap niya at sinabi sa akin na kung tatagalugin ay “naisip mo iyon?”

I answered, “I have to do find a way, that is my job.”

“We call it…. DISKARTE..”

—000—

“Reach for the stars. The space race. Man on the moon. Your future. Curiosity staring out. In everyone’s eyes. Deliver us. Ingenuity right now. ” – Ultravox

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s