SAGUTIN NGA NINYO ANG MGA TANONG NA ITO

I was having a discussion with somebody on how to cook laing. Naturuan ko na kasi siya gumawa ng laing using whatever is available material in the market. Dito kasi sa Saudi ay walang laing, kaya alternative ko ay Spinach or Girgir. At comparable naman sa lasa ng laing na gabi.

Isang araw sabi niya, nakabili ako ng tapioca leaves, iyon pa mismo ginamit niyang salita ha. A okay kako. Then nagvolunteer siya, di ba tinutuyo muna ito bago lutuin para di makati? Kako, uu. E di papatuyuin ko muna ito. Himayiin mo ang leaves niya at putul putulin ang stem para mas madaling matuyo. Dapat nga pala hugasan bago patuyuin para malinis. Tapos sabi niya “naku, paano nga pala basain ang gabi?”. Hindi ako nakasagot agad.

Maraming mga tanong sa buhay na mahirap sagutin. Karamihan dito ay nagmula pa noong unang panahon at hanggang ngayon ay mahirap pa ring tugunan.

  1. Paano basain ang gabi?
  2. Alin ang nauna, manok o itlog?
  3. Bakit kung saan may sign na “Bawal Umihi Dito” o “Bawal Magtapon ng Basura Dito” ay doon pa umiihi at nagtatapon ng basura?
  4. Paano tumutubo ang Kabute sa pamamagitan ng Kidlat?
  5. Paano nagkaroon ng tubig sa loob ng niyog. At bakit tinawag itong “Buko Juice” ay di naman ito kinatas o piniga?
  6. Bakit pag sa lupa ang pagdeliver ang tawag ay “SHIPment” at sa barko naman ang tawag ay “CARgo”?
  7. Kelan puputi ang uwak at iitim ang tagak?
  8. Inuuuod din ba ang uod pag namatay?
  9. Kelan ba tataas ang quality ng “Brand X” at lagi itong talo?
  10. Bakit nasa labas ang brief ni Superman?

Marami pa iyan at alam ko na kayo rin ay may mga tanong na hanggang ngayon ay hinahagilap din ninyo ang kasagutan.

Pahabol: “Ang sardinas ay may LIGO, ikaw ba?”

—000—

“How many roads must a man walk down. Before you call him a man ? How many seas must a white dove sail. Before she sleeps in the sand ?” – Bob Dylan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s