OUR NATIONAL PRIDE

Lea Salonga made us proud. Manny Pacquiao made us proud. Charice made us proud. Maegan Young made us proud. Recently, Gilas made us proud.

What is the common denominator on this people who supposedly made us proud?

Entertainment.

Then it was followed by, “they are role models for the youth”. They give hope to the mahihirap, na kaya palang umahon sa hirap. What hope?

I remember in the ‘80s when the salary of PBA players went high, every kid in school and on the streets want to become a basketball player. In like manner, every child want to be a movie star or a singer. Proof of which you can see on the long lines of hopefuls in Starstruck, PBB (aw sucks, the worst.. so immoral), Pinoy Idol, etc. Now there are Boxing Academy, Bastketball Clinics, Voice Academy, Acting Academy.. where are the Technical Academies, the Research Academies?

What has this become of our youth? It has injected in them an attitude of short-cutting  to riches, and worse the attitude of getting famous by outdoing others at all costs, insultuhan, bangayan, sigawan, siraan, etc. It is “IN” to be nagmumura, nangiinsulto, nangaaway, nagbibisyo. It is “OUT” to be studious, to be respectful, to be pasensiyoso, to be soft voiced.

Are they really models?  Shall we like our children to study or be entertainers?

Ang ibang bansa ay ginawang norm at binigyang diin sa bawat mamamayan ang kahalagahan ng edukasyon, ng science, ng math. Bakit ang Singapore has a clean government, world-class infrastructure, high economy and disciplined people? Bakit ang Japan sa kabila ng mga kalamidad na tumama sa kanila, ay patuloy silang bumabangon at nananatiling maunlad? Bakit ang America ay may mga innovations from high-tech products like Apple gadgets, apps like Facebook, topnotch health care and other high quality products? Sa ating bansa ang binigyan ng kahalagahan ay pagkanta, paglalaro, pag-arte, pagbabad sa TV, panlalait, pagmumura, paninigaw, at ito ay nakadikit na sa ating kultura.

PINOY PRIDEUntitled

Binibreak natin ang World of Records hindi sa mga advancement sa teknolohiya o sa ating kultura, kundi sa “pahabaan”, “palakihan”, “patagalan”, “pasayahan”, “pagarbuhan” “patigasan”. Bore na bore tayo na iadmire  ang kalidad ng debate sa parliyamento ng Great Britain, mas gusto natin ang magpalitan ng paninira, palitan ng insults.. di natin hinahangaan ang Japanese work ethics, foreign investment in Indonesia, the patriotism palpable in a Chinese national day parade, ang disiplina ng mga bansa sa Scandinavia, mas gusto natin ang magsulat ng mga pagsisiraan, pagmumurahan sa mga comments sa mga news articles… while in the comforts of our rooms, wherever.

Mas madali sa atin ang siraan ang mga nagtatagumpay, dumikit sa mga kurakot, iasa ang pag-unlad sa pagtaya sa lotto at huweteng, iasa ang kapalaran sa gobyerno, ang mga pangangailangan sa pulitiko, lahat ng problema at ikabubuhay sa Diyos, kesa ang magsikap na paunlarin ang ating kaalaman at kakayahan. At pag patuloy na naghihirap, lahat sisisihin, except himself.

We value crumbs , and leave the bread (including palaman at kape) to the politicians, entertainers, religious leaders and high profile criminals.

We depend on the wrong notion that God will help us at iasa sa Kanya ang lahat, without doing anything.

Entertainment…. That sums up our national pride.

—000—

“Come senators, congressmen. Please heed the call. Don’t stand in the doorway. Don’t block up the hall. For he that gets hurt. Will be he who has stalled. There’s a battle outside. And it is ragin’.. It’ll soon shake your windows. And rattle your walls. For the times they are a-changin’.” – Bob Dylan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s