IT’S MY 9TH YEAR IN SAUDI ARABIA

After my meeting with a Project Manager in a big Oil & Gas Company here, one of the employee told me he belongs to our company. He has been with us for 3 years assigned to that Oil and Gas Company and felt so blessed. Sabi niya, kayo pala si Sir Emil, maraming maraming salamat po. Dahil sa pagdevelop ninyo sa project na ito ay nagkaroon ako ng chance na bigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko. Then he told me he prays that I continue to get more business at maging maayos daw ang aking health. Ramdam ko ang sincerity niya, maraming nang katulad niya ang lumalapit at nagpapasalamat sa akin.

Today is my 9th year in Saudi Arabia. Noong dumating ako rito, tinanong ko si Lord kung ano ang plano niya sa akin at dito niya ako pinadala. Ni minsan ay di ko nagdamdam sa Kanya dahil alam ko may dahilan Siya.

I was having a good career sa Pinas bago ako pumunta rito. Isang Engineering graduate sa Central Luzon State University at nagtapos ng MBA sa Colegio de San Juan de Letran. ako ay VP for Marketing and Business Development ng isang  lumalagong companya, professor ng Marketing sa MBA, Chairman ng isang School Foundation at aktibong elder at mangangaral sa iglesya. Mahirap pagsabaysabayin but I somehow managed, at ang pinakamahirap ay to uphold and promote honesty sa pagtatrabaho. Isang trait na nakintal sa isip at damdamin ko, mula sa aking mga magulang, mga guro hanggang sa aking pag-aaral sa CLSU at Letran. Sa ating bansa, ang hirap labanan ng katiwalian, pulitika at panatilihin ang iyong stand na ipakita ang imahe ni Lord sa iyong mga gawa. Ipinalaban ko at pinagsikapang maitaguyod ang  HIB – Honesty, Integrity at Brilliancy sa pagtatrabaho, ngunit napahirap labanan ng sistema (di ko na idedetalye pa) ng katiwalian at ako ay nagresign/retiro/whatever noong 2006.

 

 

 

 

Noong mga unang linggo ko rito, lalo akong nadiscourage sa nakita kong pag-uugali ng ibang lahi maging ng ilang kapwa Pinoy. Lagi akong nagtatanong kay Lord sa mga moments ng pagmumuni – muni. Ano ba ang masama kong ginawa sa kapuwa ko? Kahit na sagutin ko na “wala.. I never depended on anybody sa mga dinanas kong hirap, at marami pa nga akong natulungan” still, wala akong makitang sagot. But, still I relied on God. Siya lang ang alam kong makakatugon nito. Sa tamang panahon.
Itinuon ko ang sarili ko sa pagtatrabaho, more research, developed more contacts at pinagaralan ang galaw ng merkado na mahusay kong ginagawa sa dating
trabaho. Submitting position papers, proposals, mga mungkahi, mga puna at paglalatag ng direksyon ng kompanya, mga bagong teknolohiya at kakayahan.

Nagsimulang mamunga ang aking mga ginagawa (although ang pulitika dito ay mas grabe dahil sa magkakaibang lahi) kahit na iba ang umaangkin, still I moved on. When the first batch of Pinoy workers (18 sila) came, somebody told me (isang di kalahi) “maganda ang ginawa mo, natulungan mo kapuwa mo Pinoy na magkaroon ng trabaho at magkaroon ng malinaw na kinabukasan ang pamilya.” Nasundan ito ng marami pa na nangailangan ng Pinoy workers na nagpeak in 2010, pero me ibang lahi na walang alam ang patuloy na sinisira ang mga direksyon para lang pagtakpan ang kanilang kawalan ng kaalaman. (Ibang kuwento naman na ito)

I realize and appreciate the meaning why God brings me here. Ito pala ang sagot niya sa nais kong ipagpatuloy ang aking paglilingkod sa Kanya at sa aking kapuwa.

Salamat Lord sa isang mabiyaya, mapagpala at makabuluhang 9 na taon na ginugol ko rito.

—000—

“Judge not the Lord by feeble sense, But trust Him for His grace; Behind a frowning providence He hides a smiling face. His purposes will ripen fast, Unfolding every hour; The bud may have a bitter taste, But sweet will be the flower.” – Amy Grant

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s