ANG AMA: NOON AT NGAYON

Mabilis talagang lumipas ang panahon. Kasabay ng paglipas ay ang pagbabago ng mga sitwasyon, kaugalian, at ang istilo ng pagiging ama. Ilan sa mga pagbabagong ito ay nakakatawang nakasaad sa ibaba:

Noon: Kapag ang ama ay nakapagpatayo ng simpleng bahay, siya ay mahusay na ama.
Ngayon: Para matawag na mahusay na ama dapat ay makapagpatayo siya ng bahay, na may swimming pool, may 2 kotse, may malaking garahe, may malawak na hardin. At bahay bakasyunan pa lang iyan.

Noon: Tinuturuan ng tatay ang anak na magbasketball, magbaseball, magswimming, magChess.
Ngayon: Tinuturuan ng mga anak ang tatay  kung paano maglaro ng Clash of Clan, ng Baldur’s Gate, Badland o kahit na Candy Crush.

Noon: Bibilhan ng tatay ng baril-barilan ang anak at ito ay umaapaw na sa tuwa.
Ngayon: Bibilhan ng tatay laruang tig P10,000 ang anak, at sasagot ang anak ng “Nasaan ang aking X-Box?”

Noon: Hinihintay ng mga anak ang ama galing trabaho para sabay-sabay maghapunan.
Ngayon: Hihinintay ng ama ang mga anak para maghapunan. Si Boyet ay nasa kabarkada, si Nora ay nasa party, si Gerry ay nasa gym. At ang bunso ay sasabihin, “may sinaing na riyan Pa, ang ulam ay nasa ref.. bahala na kayong mag-init.. mauna ka na po at nanunuod pa kami ni Nanay ng Pangako sa Iyo”

Noon: PInapangko ng tatay ang anak para makapanuod ng husto ng palabas.
Ngayon: Itinutulak ng anak ang wheelchair ng ama papuntang salas para makapanood ng show sa TV.

Noon: Hindi pinapatikim ang anak ng alak hanggat hindi ito nakakatapos ng pagaaral.
Ngayon: Hindi nag-aaral ang anak hanggat hindi nakakatapos mag-inom.

Noon: Pawisan ang ama pagtulong sa pagluluto ng handa sa birthday ng anak.
Ngayon: Pawisan ang ama pagdukot ng pagbabayad sa restawrang pinagdausan ng birthday ng anak.

–000–

“Where do I find the words to say?. How do I teach him?. What do we play?Bit by bit, I’ve realized. That’s when I need them,. That’s when I need my father’s eyes.”  – Eric Clapton

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s