WE ONLY GET WHAT WE GIVE

Tatlumpong  empleyado ng ABC Co. ay umattend ng isang Seminar.

Sa gitna ng discussions, isa isa silang binigyan ng Ping-pong balls ng speaker at pinasulat ang mga pangalan, bago ito ay kinolekta at inilagay sa kalapit na kuwarto ang mga bola ng pingpong. 

Pinapasok ang mga empleyado at inatasan na hanapin ang ping-pong balls na may kani-kanilang pangalan sa loob ng 5 minutes.

Lahat ay nagmamadaling nagmamadaling hinanap ang kani-kanilang pingpong balls. Gapang dito, dakma doon, dapa rito, tulak doon, agaw rito, bangga roon, nagkakatulakan, nagkakatapakan at nagkakagulo pero wala sinumang nakakuha ng kanilang bola in 5 minutes. 

 

Pagkaraka ay inatasan ng speaker ang lahat na kumuha ng tig-iisang pingpong ball at ibigay kung kanino ang nakapangalan doon. Walang isang minuto ay nakuha ng bawat isa ang kani-kanilang bola ng pingpong.

Ito ang totoong nangyayari sa ating buhay. Lahat tayo ay naghahanap ng kaligayahan sa buhay ng di natin nalalaman kung saan ito hahanapin.. pupulutin, but for the most part, it is a little self-centered. Ang tao kasi by nature ay inuunang isipin ang sarili, base sa ating instinct of self preservation. Iyong nasa survival mode lagi at narereinforce pa ito ng mga kagawian na pagbibigay ng sino ang mataas, malaki, magaling… no. 1.

Ang ating kaligayahan ay nasa kaligayahan ng ibang tao. Bigyan nating ng happiness ang ibang tao at ating matatagpuan ang ating kaligayahan. Ang pag-iimbot at ang paghahangad na mauna, makalamang at makaangat sa iba ang naglalayo sa atin sa tunay na kaligayahan.

At ito ang kabuluhan ng human life.

—000—

“This world is gonna pull through. Don’t give up. You’ve got a reason to live. Can’t forget. We only get what we give. ” – The Radicals
S

Advertisements

HA? ANO RAW?

Habang ang wika ay nag-ievolve may mga salita na kanya kanya tayo ng kahulugan. Sometimes gumagawa tayo ng sariling salita na iniaangkop natin sa sitwasyon o nais nating ipahiwatig.

Naalala ko ang kaklase ko noong College, ang tawag niya sa “PENMANSHIP” ay “PERMANSHIP”. Kinocorrect ko siya, pero sabi nya mas tama ang “PERMANSHIP” kaysa sa “PENMANSHIP”.

I asked him, bakit niya nasabi. “Ano ba iyan sa Tagalog?” ang kanyang tanong.

“PIRMA!” wika ko.

“O diba, kaya nga PERMANSHIP, kasi PIRMA nga sa tagalog… kuhang kuha na di ba?” ang pakli niya.

Ewan ko after almost more than 30 years ay ganun pa rin ang alam niya.

WASHER.jpg

Another ay iyong aking barkada noong bata pa ako. Naglalaro kami sa salas ng kanilang bahay ng tawagin siya ng kanyang Tatay.

“Anak, pakilipat mo nga dito sa kusina ang “COMFORTABLE TV” para makapanuod habang nagluluto ang Nanay mo,” utos ng Tatay niya.

Hindi ako nakatiis. Sabi ko baka po “PORTABLE TV”.

Sinagot ako ng “e di ba ang TV na iyan ang magaan at KOMPORTABLENG dalhin kahit saan?” ang kanyang tanong.

“Opo!” ang sagot ko.

“E kaya nga tawag diyan ay COMFORTABLE TV, napakakomportable. Ikaw talaga, nagmamarunong ka pa sa matanda.” ang asik niya sa akin.

Sana ang barkada ko, anak at apo niya ay COMFORTABLE sa panunod ng TV ngayon.

—000—

“And sometimes it seems that all I have do is worry. Then you’re bound to see my other side. But I’m just a soul whose intentions are good. Oh Lord, please don’t let me be misunderstood. ” – Santa Esmeralda

FAILURES ARE LOVERS OF BLAMES

I received a list of motivational items in an email from my Boss before New Year, but what caught my attention was the last piece on the list, “Lead Without a Title”.

I guess it was taken out of the inspiring book of Robin Sharma, and I can feel my Boss’ intention in sharing it to us.

It is a big dogma for some people that to lead means to have a title. And to have a title means to have power, the power to command, make orders and be engulfed in some egoistic whims and caprices. Nowhere was leadership in the context of this zone of attitude.

Ang isa pang nagiging resulta ay ang pagiging arrogant ng mga tao na me titulo, gusto sila ang laging masusunod at sila ang tama. For every failure that he gets, or the organization he supposed to leads fall into, he blame others.

Madalas ko na naoobserbahan na iyan, gagawa ng isang kautusan and isang me katungkulan, pag me nakipagtalo, galit nag alit, tapos ipapasunod ang gusto niya without listening to others’ side.

Pag nagfail, blame dito, blame doon. Tanggal dito, tanggal doon. And proclaim, lahat sila mali. Ako ang tama. How many times have I experienced that, kahit sa mga dati kong organization. People want to hold title, not to lead, but to have power… to command, but not to take responsibilities.. to get credit, but not accountable for errors. Very political.

A Leader is not a Boss whose assistance to his subordinates is only to tell them they are not doing right, but how can he support to do things right.

And it starts by showing RESPECT. This is the cornerstone of being a Leader.

Leading without a title is a great neutralizer to those incompetent, unprofessional, disrespectful and power hungry title holders. The former speaks of inspiration, while the latter talks of desperation.

“Leadership is not a popularity contest; it’s about leaving your ego at the door. The name of the game is to lead without a title.” – Robin Sharma

—000—

“Sometimes it’s hard to just keep going. But faith is moving without knowing. Can I trust what I can’t see?. To reach my destiny
I want to take control but I know better.” – Fireflight