I’VE GOT A LOT TO BE THANKFUL TO SAUDI ARABIA

Those of us working here in Saudi were often looked down sa pinas, sometimes you’ll hear remarks like “Saudi ka lang pala” or “Bakit ka nagtitiyaga roon”? Mas preferred ng karamihan pag sinabing Middle east ay sa Dubai, Abu Dhabi, Qatar, Bahrain just for one reason.. masyado raw mahigpit ang Saudi. Maraming bawal. Masama raw ugali ng mga Saudis.

Depende lang iyon sa attitude at kung ano ang nais sa buhay ng isang worker. Kaya tayo nag-abroad at nagsasakripisyo ay dahil nais natin ang kumita ng maayos at makaipon. Dito, the place itself will discipline you, makakaiwas ka sa mga unnecessary na pagkakagastusan at sa mga bisyo.

I have a lot to be grateful sa bansang ito not only in terms of earnings:

  1. Bawal ang bisyo dito.. Alak, Babae, Sugal, Droga – nakafocus ka sa work. Nakafocus ka sa mga gawaing pangdevelop ng sarili mo at sa pamilya mo. Puwera na lang kung naghahanap ka pa rin ng mga layaw ng katawan na iyan. Isa ka sa kapag nahuli, ay sisigaw na nang kung gaano kasama ang mga Saudis, o tatalakan ang gobyerno na walang ginagawa para sa mga manggagawa. Bawal na nga gusto mo pa gawin.
  2. Medical Care – lahat ng workers ay may Medical Insurance. Wide ang coverage. Everyone is taken cared of.
  3. Tax Free – ang earning mo ay tax free, di binabawasan ng gobyerno rito.
  4. Minimal ang nakawan – ikompara mo sa pinas, nakakakain ka sa restaurant na nakahambalang ang iyong gadgets, ang bag, ang wallet na hindi mawawala. Maglakad ka sa kalsada, pumunta ka sa malls o mataong lugar, di ka magaalalang madudukutan (kalaban mo lang ay ang amoy putok… hehe)
  5. Cost of living ay mababa – compared sa ibang Middle East countries, ang bilihin dito ay mas mura. Sa pagkain lalo na. Ang aking basehan sa pagkain saan man ako pumunta ay ang presyo ng Big Mac Meal. Sa ngayon ay $3.20 dito sa Saudi, sa UAE ay $3.54, Qatar ay $3.50, US ay $4.93, Canada ay $4.14, Bahrain ay $3.50 (please see http://www.statista.com/statistics/274326/big-mac-index-global-prices-for-a-big-mac/). Renta ng bahay, gasoline, gasul, tubig ay mas mababa.
  6. Bihira ang violence – compared sa pinas na normal ang sapakan, batukan, suntukan, barilan, saksakan, dito ang pinakamatinding away ay sigawan. Takot na manakit ng kapuwa kasi ebidensya iyon against the aggressor.
  7. Well maintained ang mga public parks and facilities – makakapagjogging ka, makakapagexercise, makakapagswimming, makakapagpicnic or simply meditate ng maayos.
  8. Benefits – mandatory ang accommodation or housing allowance, transportation or transportation allowance, GOSI, medical care, paid leaves, end of service award, family status na libre ang pamasahe, visa at covered ng medical care.

Iyong point no. 4 ay may karanasan ako. I lost my wallet three years ago with my Residence Identity Card, Aramco Card, ATM, Medical Card and some amount of money were there) were returned to me. Yung nakapulot ay gumawa pa ng paraan para makontak ako. Wala akong calling card na nakaipit, nakita niya ang calling card ng Doctor ko, tinawagan niya at ibinigay ng Doctor ang aking number. At wala ni isa mang nawala sa aking wallet. Please read:  https://clinquantlife.wordpress.com/2013/02/14/this-happened-to-me-reposted-from-fb/

As I said, the problem lies in our attitude.I found that Saudis are generally friendly, generous and hospitable people and not like the stereotypes you might have been told at.

Ang totoo niyan, kung ano ang nakukuha nating bentahe sa pagtatrabaho sa Saudi compare sa Pinas ay siya ring bentahe na nakukuha natin sa ibang bansa. Nagkakaiba lang sa kultura, kaugalian at pamamalakad ng pamahalaan.

May kasabihang “when you are in Rome, do what the Romans do..” Para lang iyang nakikipanuluyan ka sa ibang bahay, sundin mo ang patakaran sa bahay na iyon.

—000—

“Wanna thank you. Freedom in stride, love, peace of mind. We just wanna give Gratitude
Got plenty love we wanna give to you. With good music and we’re tryin’ to say. That the Good Lord’s gonna make a way. ” – Earth, Wind and Fire

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s