VENERATING HOTDOG, NOODLES AND ITLOG (HOTNOODLOG)

“Meryenda tayo Sir after ng game ha! Birthday ko.” Sabi sa akin ng isa kong kaibigan while playing basketball. Pinagsaluhan naming ang inihanda niyang pansit, nilagang itlog at tinapay. Kapansin pansin ang pansit niya ay instant noodles na hinaluan ng hotdog. “Pasensiya na Sir, iyan lang ang kaya natin para magcelebrate.”

Inisip ko na hindi lang siya ang pinoy dito sa Saudi na nabubuhay sa Hotdog, Noodles.at Itlog. Move over Adobo at Kanin or Tapsilog, tinalo na kayo ng Hotnoodlog. Dalawa ang dahilan kung bakit naging Hotnoodlog ang OFW food sa gitnang silangan.

Una ay madali itong iluto. Sa kaabalahan sa trabaho, hirap na dinaranas sa gitna ng init o lamig, sa inis na nararanasan sa mga Boss at kasamahang ibang lahi, pagod at gutom na darating sa tirahan ay Hotnoodlog ang mabilis na makakasapat sa gutom. Kung kakain sa labas, puro mamantika at mahal ang presyo ng iyong makakain.

Mura at madaling makabusog. Wala pang 5 riyals ay may pagkain ka na. Ngunit, ang tunay na dahilan kung bakit Hotnoodlog ang madalas na pagkain ay ang pagsisikap ng isang OFW na makatipid at may maipandagdag sa ipapadala sa kanyang mahal sa buhay sa Pilipinas para sa:

  1. Birthday celebration ng mga mahal sa buhay
  2. Pambili ng gamot para sa me sakit
  3. Pangtuition ng anak
  4. Panggastos sa fiesta, pasko o bagong taon
  5. Pambili ng mga gamit sa eskuwela
  6. Pambili ng gadgets na hinihiling ng anak
  7. Panggastos sa field trip, excursion o pamamasyal sa mall

At marami pa na tinatamasang kaginwahan (isama na natin ang layaw) ng mga mahal sa buhay, bunga ng sakripisyo ng isang OFW.

Hanggang kailan sila kakain ng Hotnoodlog? Hanggang kailan sila patuloy na magbibigay? Hanggang kailan sila mananabik sa sinigang, pinakbet, crispy pata, ginataang langka, atbpa.

Habang buhay ang pag-asa. Pag-asa na isang araw ay matatapos ang kanilang sakripisyo at makakauwi na for good para makapiling ang pamilya.

Sa Hotdog, Itlog at Noodles may pag-asa. 

—000—

“For you, he’s the best he can be / Oh, child don’t you know? / Your daddy love come with a lifetime guarantee” – Sade

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s