fff jjj fjf jfj

I tried taking this on line typing test to see kung gaano pa rin ako kabilis magtype. The result is 77 words per minute, with 1 error.

Untitled

The fact na 59 na ako pero mabilis pa rin akong magtype means di pa ako inaatake ng arthritis at sharp pa rin ang reflexes ko.

I have got a lot to be thankful ke Tatay. Summer vacation pa rin ng Grade IV, pagkatapos na pagbawalan ako ng aking Tatay na magtinda ng tubig, ako ay inutusan niya na mag-aral magtype sa Telegraph Office na aking Ninong Sixto. Touch typing ang pinaaral niya sa akin 9 to 11am tapos ulit ng 4 to 6pm.

Sa harapan ng bahay naman ay basketball court at silbi na ring palaruan ng Barangay at maiimagine ninyo ang tukso sa aking murang isipan ng paglalaro. Habang nagdidribble at nagsoshoot ang aking mga kalaro at paminsan minsan akong inaaya sa Telegraph Office ako naman ay masama ang loob na type ng type.

Image result for boy learning to type in a manual typewriter

May kondisyon si Tatay, kailangang maperfect ko ang isang lesson, iyong walang mali bago ako payagang makapaglaro. Noong una, nagdaramdam ako, kaya sa pagpipilit ko na maging perfect ay lalo akong nagkakamali.

Later on I learned to control myself. Pinagbubuti ko ang pag-aaral ko, hanggang ang isang lesson ay natatapos ko ng walang mali sa loob ng isang oras. After that, nakakapaglaro na ako.

Lessons learned: Patience, Perseverance, Attention to Details, Focus on Perfection and Self-Discipline

Salamat kay Tatay. Isang napakahalagang kaalaman ang itinuro niya sa akin na hanggang ngayon ay nagdadala ng mataas na performance ko sa anumang trabaho at pagaaral na aking ginawa.

—000—

“Your friends all want to go out and play
They’ve got no homework, they’re free for the day
You’re just about ready to head out the door
But then you think about it
Just a little bit more”- David Woodward

NOBENTA Y SINGKO

Noong summer vacation ko after ng Grade IV, sinubukan ko gayahin ang ibang bata na magtinda ng tubig sa tren. Nakikita ko kasi sila na maraming pera dahil sa pagtitinda. Ang isang boteng tubig noon ay 5 sentimos, at napakalaking halaga na ng piso.

Image result for hondagua train

So, linis ng bote at iswan na pantakip. Di ako nagpaalam kay Tatay dahil ayaw niya akong magtinda. Tinda ako ng “ay tubig dyan, tubig” sa biyaheng Bicol ng alas 11:30 ng umaga at dali-daling umuwi para sa tanghalian.

Image result for selling water in train
Paguwi ko, nag-aabang na si Tatay sa akin dahil nalaman niya na ako ay nagtinda. “Di ba sabi ko sa iyo ay huwag na huwag kang magtitinda sa tren? E kung madisgrasya ka? Huwag mo nang uulitin ha! Kundi makakatikim ka sa akin. Magkano ang napagbilhan mo?”

“Nobenta y singko po!” sagot ko. Malaking pera na iyon nung panahong iyon. Kasi makakabili na iyon ng isang katay na isda (P 0.50) at kalahating supang bigas (P 0.25).

“Ah, malaki rin pala. Hala, ibigay mo lahat iyan sa Nanay mo, ” ang utos ni Tatay.

Punta ako ke Nanay at ibinigay ko ang napagbilhan ko ng tubig.

“Bakit singko lang ito? Narinig ko sabi mo sa Tatay mo Nobenta y singko ang benta mo? ang usisa ni Nanay.

“No benta kundi singko, Nanay. Pag sinabi ko singko, mapapalo ako ni Tatay. Nagpainit ako tapos singko lang benta. Kaya sinabi ko ay Nobenta y singko. Di naman niya inintindi.”

—000—

“Will you make us laugh, will you make us cry?
Will you tell us when to live, will you tell us when to die?
I know we’ve come a long way, We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?”- Cat Stevens

PAGNINILAY SA PANAHON NG KUWARESMA

Ang kuwaresma ay panahon na tayo ay inaanyayahan ng ating Panginoon na bumalik at manatili sa kanya ng buoong puso.

“Come back to me, with all of your heart,” our Lord beckons. “We will,” sagot natin, pero handa ba tayo,  our hearts are not prepared. We want to squirm, evade, avoid. Our souls not yet perfect. Di pa tayo handa sa pagmamahal ni Lord.

Image result for lenten season

Ang panahon ng kuwaresma ay isang special opportunity para palaguin ang ating kaugnayan sa ating Panginoon, and to deepem our commitment to a way of life, na ang pundasyon ay an gating bautismo. Sa ating napakaabalang mundo, ang kuwaresma ay nagbibigay ng pagkakataon to reflect on our way of life,  to pray more deeply, experience sorrow for what we’ve done wrong and right that we failed to do, and to be generous to those in need.

Image result for lenten season message

Lent is an invitation para lumago, magnilay, manalangin, makaranas ng tuwa at lungkot at maging mapagbigay.

Let us be forgiving.

“Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.” – Awit 19:14

—000—

“You are the potter, I am the clay
Mold me and make me, This is what I pray
Change my heart oh God, Make it ever true
Change my heart oh God, May I be like You” – Vineyard