TAPON PA, PARA ME TRABAHO ANG IBA

I went to a project site visit with an Instrument Engineer na ibang lahi. The visit and technical discussions were smooth and we left the site with full understanding ng project.

Dumaan kami sa isang gas station para bumili ng makakain sa Bakalah. Bakalah ay sari-sari store ang katumbas sa Pinas.

Kinain naming ang binilin naming pagkain sa loob ng kotse, at nang makatapos na siya ay initapon niya ang mga balutan pati na ang lata ng softdrinks sa labas ng sasakyan.

untitledw

Sinabihan ko siya na hindi maganda ang pagtatapon ng basura kung saan saan lang. I showed him the plastic bag na pinaglagyan ko ng balutan ng aking kinain at bote ng juice na aking ininom.

untitled

Sinagot nya ako ng “If I will not throw garbage, my countrymen may not have anything to clean and may lose their job. This is my way of helping them.”

Sige, tapon pa more para me trabaho kababayan mo.

—000—

“Remember the heroes / Who fight for the right to choose / We’ve all got a lot to lose.”- Sammy Hagar

Read More: Top 10 Patriotic Songs | http://ultimateclassicrock.com/patriotic-songs/?trackback=tsmclip

Advertisements

DYOKULEKOG

Ang larong Jolens/Dyolens ay isa sa pinakasikat na laro noong ako ay bata pa. Tatakbo kay Papay Tony or kay Ah Pak lalo na kung ang bantay ay si Onying Avila o si Rey Yanzon para may tawad ang biniling dyolens.
 
Untitled.png
Sarisaring style ng paglalaro ng dyolens:

1. Dyolens – merong laro na apat ang butas at papasiyutin sa butas no. 1 then pag napashoot mo tuloy ka sa no. 2 and so on to no. 4 bago babalik ka punta ng no. 3 hanggang sa no. 1. Ang unang makatapos ay siyang panalo. Me variation nito na kung ikaw ay nasa no 2 kunwari at napatamaan ka ng kalaban mo na nasa no. 1 sa pamamagitan ng pagpitik sa kanyang dyolen ang kalaban mo ay aadvance to no. 3 at ikaw ay babalik sa simula. Pag sunod sunod na syut sa butas ay tinatawag na Takada.

2. Palmo – ito iyong ang iyong dyolen ay ibabounce mo sa pader ng marahan, para patamaan mo ang dyolens ng kalaban na nakatira na ng kanilang turn. Pag tinamaan mo, iyo ang dyolen ng kalaban. Kung walang tinamaan, hahayaan mo ang dyolen mo kung saan ito nakapuwesto at ang kalaban mo naman ang may turn para ito ay patamaan sa pamamagitan ng pagpapatalbog ng dyolen sa pader. Hanggang 10 ang naglalaro nito.

3. Patamaan – nakahelera ang mga dyolens normally sa may pader, depende sa dami ng paglalabanan, maaaring tig-iisa o tigdadalawa ang mga magkakalaban. At a certain distance, kadalasan ay mga 4 meters palayo, sisipatin ang mga dyolens at sisikaping patamaan ng isang pamatong dyolen. Kung hindi tinamaan ng nauna, ang susunod naman ang magtatry and so on. Hamig ng nakatama ang lahat ng dyolens na nakataya.

4. Ispat – ang mga dyolens ay nakapaloob sa isang bilog na guhit, again, depende sa dami ng paglalabanan. At a certain distance, mga 4 na metro rin palayo, sisipatin ang dyolens at sisikaping mapalabas ang dyolen sa bilog na guhit. Ang bawat lumabas ay pag-aaari na ng nakapagpatama o nakapagpalabas.
Sa paglalaro ng dyolens nabibuild ang character ng isang bata. Totoo na ito ay isang laro at maraming magulang ang di iilang beses na nagtapon ng mga dyolens sa basurahan. Mga dyolens na itinatago ng mga bata sa lata, sa garapon, sa supot at iyak talaga kapag nasamsam ng magulang o ng guro.
Sa pagtatago na ito ng dyolen nadedevelop ang pagiging MASINOP. Sa paglalaro naroon ang RESPETO sa mga kalaro. Naroon din ang ORDERLINESS dahil hinihintay ng bawat player ang kanilang turn bago sila tumira. Ang MAGNANIMITY IN VICTORY ay ipinapakita rin ng bata sa pagbibigay ng balato kapag siya ay nakajackpot. Dito rin ipinapakita ng bata ang FOCUS o ATTENTION lalo na kung sinisipat niya ang patatamaang dyolens. Nakikintal din sa karakter ng bata ang PERSEVERANCE at ACCEPTING DEFEAT, dahil sa bawat pagkatalo niya ay bumabangon at bumabawi sa susunod na pagkakataon. Naibuild din ang STAMINA ng bata dahil sa tiyaga niya na maglaro kahit na anong uri ng panahon.
At higit sa lahat, ang PAGMAMAHAL sa kapuwa, dahil ang mga batang dumaan sa ganitong mga paglalaro ay dala dala ang ala-ala ng kanyang kabataan at ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
Nowadays, seldom do you see children playing the above games. Internet took over.
Kung lahat ng Pulitiko ay nakapaglaro sana ng Dyolens.
Kulto pinis. Tapos.
—000—

“Well I think it’s fine, building jumbo planes. Or taking a ride on a cosmic train. Switch on summer from a slot machine. Get what you want to if you want, ’cause you can get anything.” – Cat Stevens

I know we’ve come a long way,
We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?

YOU BASH BECAUSE YOU CHOSE TO BASH, YOU BASH BECAUSE YOU’RE IGNORANT

Isang  photo ng isa sa magandang tanawin sa aming lugar sa Quezon ang aking pinuna dahil mali ang nakalagay na lugar. Ang binanggit ay ang bayan namin gayung walang dagat dito. Nagcomment ako ng pananawagan sa Administrator na itama ang lugar bilang paggalang sa mamamayan ng aking nayon, at sa mga mamamayan ng bayan na magiging apektado sa maling pagtukoy (misrepresentation). Isa pa ito ay makakatulong upang ang sinumang magnanais na pumasyal sa lugar na ito ay may sapat na impormasyon para sa kanyang paghahanda sa paglakbay papunta rito. Ang anumang kaunlaran sa turismo ng aming nayon ay kaunlaran din ng aming bayan.

Ang tinutukoy ko ay isang isla na tinatawag na Pulong Niyugan. Sa Eastern side ay ang mabuhangin na side, at meron ding ilang batuhan at dito ang lugar na paliguan. Sa Western side naman ay ang batuhan na mainam para pangisdaan. Kung lilibutin ang Isla ito ay humigit kumulang sa 4 na kilometro ang circumference at aabutin ka ng mga 30 minutos.

Inayos naman ng Administrator ang description ng lugar, subalit isa ang galit na sinagot ang post ko at ang sabi, “ano pa ba ang gusto mo, barangay lang naman kayo, tama naman ang description ng lugar, ang bayan ninyo. Ano ba ang bayan ninyo, di ba tama naman, bakit ka ba nagrereklamo pa?”

Sinagot ko na ito ay para ibigay naman ang kredito sa mga mamamayan, lalo na sa mga katulad ko na matagal nang ninais na maipakita sa iba ang kagandahan ngaming nayon. At isa pa, dapat respeto ang ipinapakita niya sa ibang tao lalo na sa isang katulad ko na 56 years old na, hindi ang pangbabash(tos). Ang dami niyang pinagsasabi at tinawag pa ako na tarantado, !%&*$%#&_)(*% atpba.

I decided not to answer anymore, not to go down to his level at dinelete ko lahat ng posts ko. It is just a waste of time and unnecessary trouble sa isang katulad ko na masaya sa buhay. Besides, sino ba siya e di ko nga kilala. Well, sino nga ba siya? Kaya pinuntahan ko ang FB Account niya and l was surprised at what I found. Nothing. No photo. No info. No post. No friend. E sino ka ba talaga? Takot lumantad. FB pa lang iyan, lalo na kung harapan na.

juan miguel morales

Noon ko naalala ang sinabi ni Jane Elliot, isang kilalang anti – racism activist, LGBT supporter at feminist: “We hate because we chose to hate. We hate because we are ignorant” at naiapply ko sa taong ito.

“You bash because you chose to bash. You bash because you are ignorant… ang most of all, you bash because you are a coward…”

Nagtatago.

—000—

“I try to explain. But you don´t listen to me. I try to tell you. You refuse to care. I try to show you. But your eyes are closed. What else can i do. Now it´s up to you. You´re nothing but Cowards. And you got no Pride at all” – Perkele

IT’S NOT MONEY, IT’S HEALTH

A friend asked me “bakit ba ikaw na ang gumagastos e ikaw pa ang nagluluto para sa mga kalaro mo? Hindi birong halaga ang ginagastos mo sa mga iyan, minsan me pasalubong ka pang mga jersey.”

I replied, “sila ay kasama ko na for 7 years at dahil sa kanila ako ay may kalaro, mga bunsong kapatid (minsan ay anak), kakuwentuhan, kadamay pag me may sakit at higit sa lahat kasama sa saya at lungkot.”

13516277_1396002550426466_785845639721324370_n

“Pero hindi naman tama na parang mga amo mo sila, gastos mo, luto mo, sundo mo pa.” sagot sa akin.

“Matanong kita, ilang taon ka na? Ako ay 56 years old na.” ang pakli ko.

“42 years old na ako, pero di ko kayang gawin ang ginagawa mo. Parang utusan ka na ng ibang tao. ” ang medyo sarcastic nyang sagot.

“Well, me kanya kanyang tayong pagtingin sa buhay. Ikaw ay 42 anyos, kaya mo bang maglaro ng at least 2 games ng basketball or magjog non-stop ng 3 km, o swim for 5 laps non-stop? Hindi di ba? Anu ano ang maintenance mong gamot? Anu ano ang ginagawa mo sa free time mo?” ang tanong ko.

Saglit siyang natahimik bago sumagot “pag free time, nakikinig ako ng music, namamasyal, nagiinternet.”

“Pero di mo idinagdag iyong ikaw ay naninigarilyo, malakas kumain lalo ng kabsa at broasted at pag me chance ay nakakatikim ng inumin.” Sagot ko. “Look, I spend a lot, sabi mo nga para sa mga kaibigan ko, siguro mga 1k riyals sa jersey na pasalubong, mga 100 riyals pagluluto ng pagkain nila, o sabihin na nating mga 3k riyals per year.” dugtong ko.

“At ikaw, magkano ang ginagastos mo sa sigarilyo mo, sa kabsa at broasted, at higit sa lahat sa maintenance medicine mo? Me hypertension ka at age 42, ako wala pa. Me diabetes ka at age 42, ako wala. Overweight ka. Konting takbo humihingal ka. What you spend for your sigarilyo at iba pa plus your medicine is more than what I spend for my friends.” paliwanag ko.

“They are the ones who keep me healthy and active. Dahil sa kanila ay wala ako ng mga sakit mo. Paano kung maospital ka? More pa doon sa ginagastos ko ang gagastusin mo, at nakawawa na ang katawan mo. I am 14 years older than you, pagdating mo ng age ko, ano sa palagay mo ang kalagayan mo. ” dagdag na paliwanag ko.

“I cannot put a price sa naitutulong nila sa buhay ko, sa kalusugan ko. Kaya, sana maintindihan mo na hindi ito pangangamuhan, kundi dahil dito sa ginagawa ko, nagiging active ako, both physically and mentally. At malaki ang pasasalamat ko sa kanilang lahat na naging bahagi ng aking paglalaro at pakikisalamuha.”

Natahimik siya.

“Even yung pagbunot sa bulsa is an exercise, my friend. You must learn to share.”

—000—

“If you ever find yourself stuck in the middle of the sea. I’ll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can’t see. I’ll be the light to guide you. We find out what we’re made of. When we are called to help our friends in need” – Bruno Mars

THE ROSE WITHIN US

A certain man planted a rose and watered it faithfully and before it blossomed, he examined it.

He saw the bud that would soon blossom, but noticed thorns upon the stem and he thought, “How can any beautiful flower come from a plant burdened with so many sharp thorns? Saddened by this thought, he neglected to water the rose, and just before it was ready to bloom… it died.

So it is with many people. Within every soul there is a rose. The God-like qualities planted in us at birth, grow amid the thorns of our faults. Many of us look at ourselves and see only the thorns, the defects.

We despair, thinking that nothing good can possibly come from us. We neglect to water the good within us, and eventually it dies. We never realize our potential.

Some people do not see the rose within themselves; someone else must show it to them. One of the greatest gifts a person can possess is to be able to reach past the thorns of another, and find the rose within them.

This is one of the characteristic of love… to look at a person, know their true faults and accepting that person into your life… all the while recognizing the nobility in their soul.

Help others to realize they can overcome their faults. If we show them the “rose” within themselves, they will conquer their thorns. Only then will they blossom many times over.

—000—

“You’re beautiful. You’re beautiful. You’re beautiful, it’s true. There must be an angel with a smile on her face, and I don’t know what to do.” – James Blunt

HA? ANO RAW?

Habang ang wika ay nag-ievolve may mga salita na kanya kanya tayo ng kahulugan. Sometimes gumagawa tayo ng sariling salita na iniaangkop natin sa sitwasyon o nais nating ipahiwatig.

Naalala ko ang kaklase ko noong College, ang tawag niya sa “PENMANSHIP” ay “PERMANSHIP”. Kinocorrect ko siya, pero sabi nya mas tama ang “PERMANSHIP” kaysa sa “PENMANSHIP”.

I asked him, bakit niya nasabi. “Ano ba iyan sa Tagalog?” ang kanyang tanong.

“PIRMA!” wika ko.

“O diba, kaya nga PERMANSHIP, kasi PIRMA nga sa tagalog… kuhang kuha na di ba?” ang pakli niya.

Ewan ko after almost more than 30 years ay ganun pa rin ang alam niya.

WASHER.jpg

Another ay iyong aking barkada noong bata pa ako. Naglalaro kami sa salas ng kanilang bahay ng tawagin siya ng kanyang Tatay.

“Anak, pakilipat mo nga dito sa kusina ang “COMFORTABLE TV” para makapanuod habang nagluluto ang Nanay mo,” utos ng Tatay niya.

Hindi ako nakatiis. Sabi ko baka po “PORTABLE TV”.

Sinagot ako ng “e di ba ang TV na iyan ang magaan at KOMPORTABLENG dalhin kahit saan?” ang kanyang tanong.

“Opo!” ang sagot ko.

“E kaya nga tawag diyan ay COMFORTABLE TV, napakakomportable. Ikaw talaga, nagmamarunong ka pa sa matanda.” ang asik niya sa akin.

Sana ang barkada ko, anak at apo niya ay COMFORTABLE sa panunod ng TV ngayon.

—000—

“And sometimes it seems that all I have do is worry. Then you’re bound to see my other side. But I’m just a soul whose intentions are good. Oh Lord, please don’t let me be misunderstood. ” – Santa Esmeralda

WE ARE WHAT WE THINK WE ARE

Water purification involves several process/stages.

Sediment Filtration where particles like dirt, sand, grit, slime are being taken off by special filters.

Next is the removal of various metallic elements through a process known as ion exchange then water  moves into  over-sized granular activated carbon beds. Carbon filtration (also known as charcoal filtration), which utilizes a process known as adsorption, is a particularly effective technique for chlorine removal. Pesticides, herbicides, and other organic contaminants (especially volatile organics) are also removed at this stage.

Then water passes through Ultraviolet light for disinfecting process and the 1 micron filter after which high pressure is used to force water across a membrane while impurities are left behind. This process is called Reverse Osmosis.  The final stage is ozonation, a very powerful disinfecting process and is capable of oxidizing a very broad range of contaminants.

Our mind is like a water purification process. It takes whatever comes in and purifies it so that it’s ready to go out. It refines. Whatever junk the mind allows in will eventually find its way out and reflected in our behavior and attitudes.

Ang banal na kasulatan ay may sinasabi tungkol sa mga filters ng ating isipan na makakatulong sa ating kaligtasan.  In Philippians 4:8   “Finally whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable – if anything is excellent or praiseworthy – think about those things.”

It advises us to use the filters of our mind, the very basic function of our brains, to THINK:
First He advises  us whatever is T-rue;
Then, whatever is H-onorable or noble and right;
Whatever is I-nnocent or pure;
Whatever is N-ecessary or lovely, winsome, pleasing
And whatever is K-ind which is admirable.

God asks us to think of the best in anything we do. Because that is the key para tayo ay maligtas sa kapahamakan.

Ang ating isipan ay isa sa mga kayamanan na inihandog ng Panginoon sa atin. Dapat natin itong pagyamanin at palaging i-filter ang masamang kaisipan. Bilang anak ng Diyos, dapat tayong mag-isip na kaagapay ang espiritu ng Panginoon. The way we protect our mind is the way how we THINK.

Tayo ay nagiging tayo base sa ating pag-iisip.

“As a man thinks in his heart so is he.” – Proverbs 23:7

—000—

“Jesus, You are the way . You are the way and I will follow,. You are the way, the only way and I will follow. Whatever is true. Whatever is right. Whatever is pure. Whatever is light. Lead me in the way everlasting. Don’t ever stop.” – Chris Tomlin