FOREX

Nakuha ang attention ko ng sinabi ng isa kong kaibigan na me kakilala siya na tuwang tuwa sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Gumaganda na raw ang ekonomiya ng Pilipinas at lumalaki ang pera nya in terms of peso. (Habang sinusulat ko ito ay US$ 1: Php 50.40 na ang palitan mula sa US$1: Php 46.54 in September, 2016. At me mga forecast pa na it will go down as low as US$1:Php 52.00)

capture

While OFWs maybe rejoicing dahil mas malaki ngayon ang palit sa kanilang dollar, this is somehow a selfish attitude kung di natin aalamin ang epekto nito sa ating bansa. And let me emphasize that I am not implying anything about the current political at behavior ng mga tao sa ating bansa, ang awayan, kasinungalingan, patayan, murahan.. just simply laying down the facts para maunawaan natin kung ano ang posibleng mangyayari.

Walang nakikitang direksyon na bababa ang palitan dahil sa pagbaba ng ating exports at tayo ay heavily dependent sa imports. Mahilig sa orig daw o made in tate. Although tumaas ng bahagya ang exports noong 2016, pero ito sa unang 4 na buwan lang at unti unting bumaba sa patapos ng taon. Dagdag pa dito ay ang export ng mineral at tropical fruits ay apektado ng mga kilos ni Lopez at Mariano. Ang tanging mataas pa rin ay ang Semiconductors. Me mga kaibigan ako sa industriya na nalulungkot dahil ang mga planong expansion ng kanilang kompanya ay nahold ng Head Office nila sa ibang  bansa dahil sa uncertainties ng pamahalaan. Una itong naranasan noong panahon ni GMA. Nasa pinas pa ako noon.

Ang direksyon ni US President Trump ay ang proteksyonan ang kanilang ekonomiya at dyan nagpipigil ang mga pamumuhunan sa BPO at dagdag pa na ang ating pagbabangko ay nagbabadya na magtaas ng interest rates.

Read: http://www.cnbc.com/2016/09/27/philippine-peso-hit-as-president-duterte-woos-china-russia-continues-crime-crackdown.html

Ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay tumataas, ang ating ibinabayad ay dolyares.

Ang budget ng gobyerno ay tumaas, saan nila ito kukunin. Read:  http://www.rappler.com/move-ph/issues/budget-watch/145988-proposed-2017-national-budget

Nagbabadya ang pagpapataw ng buwis sa mga bibilhing sasakyan, sa produktong langis, dagdag na kontribusyon sa mga SSS members, at marami pang iba para maisaklaw sa tinatayang budget deficit. O kaya ay dagdag utang sa ibang bansa.

Ang tanging liwanag na nakikita ay ang pagganda ng Agrikultura, ngunit ang kalaban ay ang mother nature. Isang hagupit lang ng mother nature, saglit na mawawasak ang sinimulan sa Agrikultura.

Walang sustainable na pagunlad sa ibang industrya, maliban sa funeraria.

Kung mawawala ang mga bagong pamumuhunan, at ang BPO ay babagsak, lalong hihina ang palitan ng piso at ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa ating local na ekonomiya.

Tandaan na ang ibinabayad natin sa pagkakautang ng gobyerno sa ibang bansa ay dolyares, madadagdagan ang bigat ng pasanin.

Magkakaroon ng inflation. Iyong 100 piso mo ngayon ay baka next month 50 na lang ang buying power

Sa pagtaas ng presyo ng langis, kasunod ay ang pagtaas ng mga bilihin, pamasahe, kuryente, tubig, pagpapalibing, pagpapabinyag, pagpapablessing, atbpa. Magdidemand ng dagdag sahod ang mga manggagawa, para mapag-agdong ang kinikita ngayon sa pagtaas ng mga bilihin. Magrereklamo ang mga employers, tataas ang cost ng production, malulugi, me magsasara, and so on.

Image result for philippine economy

Samantala, patuloy ang bangayan, puwersahan, posisyonan, akusahan, paggawa ng mga fake na balita, pagmumurahan saan mang panig ng lipunan.  Wala nang pagkakaisa ang mga pinoy. Nagbubunyi sa pagmumura, pagpatay at pagtatalo talo, Nakalimutan na ang pagpapaunlad ng sarili, pagsunod sa batas, pagtulong sa kapuwa, at kung sino pa ang malakas maglagay ng religious posts at strongly profess their pananalig sa Diyos, siya pa ang share ng share ng mga fake news, pagmumura at katuwaan sa mga pinapatay.

Ang kaunlaran ay hindi nakikita sa pera, sa popularidad, sa power o sa dami ng tagasunod.

Ito ay sa pagiging tao.

Once and for all, ipakita natin na ang mga Pilipino ay humans.

—000—

“Ang nagsasabing ayaw gusto
Ang sinungaling ang totoo
Ang oo hindi
Ang wasto ay mali
At ang magkakampi
Ay magkatunggali

Natupad, nagwagi
Pagbabagong mithi
Ang wala nang budhi
Ay normal”

– Gary Granada

POWER PLAY – THERE’S ROOM FOR EVERYONE

Dr Stephen Covey said: Most of us learn to base our self-worth on comparisons and competition. We think about succeeding in terms of someone else failing–that is, if I win, you lose; or if you win, I lose. ..There is only so much pie to go around, and if you get a big piece, there is less for me; it’s not fair, and I’m going to make sure you don’t get anymore.

Image result for STEPHEN COVEY PIE FOR EVERYONE

Iyan ang mentalidad ng mga Pinoy sa ngayon. Parang bang laging naglalamangan, walang gustong magbigay. Pag me natalo, ayaw tanggapin ang pagkatalo, “pagresbak ko lagot ka.” Pag nanalo naman, belat talo kita.. At sangkatutak na ang sasabihin sa natalo. Sangkatutak na paninira, kulang na lang tadyakan at dikdikin. Ayaw bitiwan ang mental baggage na dala dala.

Ang mga taong may malawak na pangunawa, may edukasyon, may breeding at maka Diyos, matalo o manalo, they see a pie with pieces enough for everyone, at hindi sila nagiisip na malalamangan siya ng iba.

Di na natin matatakasan ang kultura ng paglalaban. Tayo ay isang specie ng namumuhay sa mundo na laging nakikipagtagisan sa kapuwa, ngunit, subalit, datapuwat, pero iba ang pakikipagtagisan na natutuon sa tunay na diwa ng tagisan kesa sa pakikipagtagisang may kasakiman or worse may kabuktutan.

Image result for ROOM FOR EVERYONE

Ang mga taong may paninindigan and who love what they do are competitive. Hindi nila mararating ang tagumpay kung hindi sila nakahanda sa tagisan. However, di nila ginugugol ang kanilang oras at lakas sa mga pandaraya at katusuhan. Hindi nila hinahadlangan ang kompetisyon dahil alam nilang maraming mga larangan ang kayang magexcel ang bawat isa. Kapag mahal mo ang ginagawa mo, kahit na anong husay mo ay hindi mo tatapakan o gagamitin ang ibang tao para ikaw ay makarating sa iyong inaambisyon.

At sila ay magnanimous in victory.

Hindi vindictive. Hindi nagmamayabang.

At higit sa lahat, they inspire and motivate other people.

They are focused to excel.

Not to bash. Not to cuss. Not to create intrigues.

—000—

“Little darling, it’s been a long cold lonely winter. Little darling, it feels like years since it’s been here. Here comes the sun, here comes the sun. And I say it’s all right.” – the Beatles

WHAT COMES OUT OF A MAN IS WHAT DEFILES HIM

There were two world leaders. Ang una experimented with drugs noong siya ay nasa college, he had a mistress, gustong gusto niya ang fine brandy at cigar, at kilala siyang nalalasing at very rowdy sa mga parties kahit noong siya ay nanunungkulan na. Ang ikalawa ay vegetarian and a nonsmoker; bihirang uminom, at beer lang, and he was faithful to his girlfriend. Ang Kongreso ng Estados Unidos ay ginawaran ang una ng pinakamataas na karangalan, samantalang ang ikalawa ay kinamumuhian hanggang ngayon. The first one was Winston Churchill, and the second one was Adolf Hitler.

untitled

At hindi roon nagtatapos ang pagkakaiba ng dalawa. Sir Winston Churchill ay mild mannered despite what was described above, and most of all he is a good speaker, a motivational speaker, a respected one at that. Churchill’s stirring oratory is perhaps his greatest legacy. His wartime speeches famously gave the British lion its roar during the darkest days of the Second World War. He understood the power of words and he inspired his countrymen to rally and won against the Nazis. He never cussed.

Adolf Hitler ay naitalagang chancellor noong 1933 kahit na siya ay natalo sa halalan. Hitler quickly gained more power; pagkaraang mamatay ang presidente ng sumunod na taon, at siya ang inihayag na presidente in addition sa pagiging chancellor, giving him absolute power. Thus, Hitler became a dictator. As dictator, Hitler began systematically taking away civil rights and removing his opposition (parang me pattern ano?). Binigyan niya ng lubos na kapangyarihan ang kanyang mga alipores para hindi makapag coup laban sa kanya. Isa ring maituturing na good speaker si Hitler (in another way). Kapag siya ay nagsasalita, he would yell, cuss and wave his arms violently (sounds familiar).  At para lalong maexcite ang mga nakikinig at tagasunod gumagamit siya ng mga trigger words, tulad ng “conspiracy”, “cover-up”, “overthrow”, at iba pa. Another technique Hitler employed in his speeches was the “either-or” fallacy. By creating a false dilemma in the mind of his audience, he was able to convince them that although something was unethical, it was the only option. Naitanim niya sa isip ng mga followers niya na “sila lang” ang mataas/superior na uri ng mga tao, kaya dapat “walang karapatang mabuhay”, dapat “patayin” ang inferior race tulad ng mga Jews. Kaya naman nagbubunyi ang mga alipores niya sa pagpatay sa mga Jews noong panahong iyon.

What Jesus said in Matthew 12:34, “You brood of vipers, how can you who are evil say anything good. For out of the overflow of the heart, the mouth speaks.” is getting repeated over and over again in this world.

Image result for what is inside your heart is what comes out of your mouth

Some will argue that it is better to have a foul mouthed leader who is honest and sincere, than a politely speaking leader who is corrupt and have hidden ambitions. But time and again, it is proven that Leadership is showing Respect to your followers, and this Respect is from the heart and comes out of the mouth.

Let us help our Leaders to show respect. Let us be together to prevent a “Cursing Generation”.

Anyway, I know that each one of us don’t want our mothers and sisters to be branded as “p…a”.

—000—

“And if our God is for us, then who could ever stop us. And if our God is with us, then what could stand against” – Chris Tomlin

PINOY COURTESY

I had a discussion with a Saudi friend regarding Saudization. I told him that if we analyze the program, it is not a really a threat to expats. Lalo pa nga kakong madaragdagan ang pangangailangan ng manggagawa mula sa ibang bansa. I already explained this is https://clinquantlife.wordpress.com/2012/06/24/isyu-ng-saudisasyon/ when I was invited by an OFW Organization in 2010 to shed lights on this issue.

Dinagdag ko pa na ang kailangan ng gobyerno ng mga nagpapadala ng Expats dito ay ireorient ang kanilang mga curriculum to fit the incoming labor requirements of Saudi Arabia. For example, Saudis are working now and they have raised their living standards dahil nga sasahod na sila. So they will start having the means to spend for services like beauty parlors, fitness centers, dress shops, among others. Doon puwedeng ituon ng mga bansa ang partitrain at paghahanda sa kanilang workforce.

He told me “I like the Filipinos very much. They work with high quality and have high sense of responsibility.”

I replied, “These two goes hand in hand. If you aim for high quality of ouput, you must have high sense of responsibility. This high sense of responsibility comes from the Filipino pride. We value so much the result of our labor that is why we really work hard to come out with high quality results.” Iyon bang proud ang Pinoy sa achievement niya.

HIs next question baffled me.

Sabi niya, “I consider the Filipinos as the most polite people in the world. In fact you are the only people in the world that have two words to show respect, the “PO” and “OPO”. But how come that in your country, you cannot show this respect to one another. ” Ang gulo gulo raw ng Pinoy. Napakamapulitika. Awayan. Siraan ng siraan.

He added, “You should show your respectfulness not just by saying “PO” and “OPO”, not by being respectful to other nationalities, but by being respectful to yourselves first. As a nation.”

Well said.

In our language it is called “Pakitang Tao”

—000—

“This is your last warning, in a courtesy call. I am not afraid of the storm that comes my way. When it hits it shakes me to the core and makes me stronger than before. It’s not a question about trust but will you stand with us. ” – Thousand Foot Krutch

TANGHOD NA, ULOK PA

Napakaraming kaguluhan ang nangyayari sa ating bansa at mga bayan, mga krimen, mga katiwalian at mga kawalan ng panuntunan sa paguugali.

Nakadagdag pa sa mga kasamaang lumalaganap ang maling paggamit ng teknolohiya, ang laganap na paggamit ng droga at ang kakulangan ng oras ng magulang sa pangangalaga at paggabay sa mga anak.

tanghod

Ang dating matahimik at matiwasay na pamumuhay sa mga pamayanan ay nagambala ng mga paglapastangan at pagpatay sa mga kabataang marami pa sanang pangarap ang dapat na matupad. Ang matulain, payapa, masaya at lovely town ay napuno ng pangamba at pumupunta sa pagiging lonely

Kasunod nito ay naglabasan ang mga komentaryo, komentaryo na iisa ang sinasabi, magkaisa para sa pagbabago. Pero what is that pagbabago. Anong landas sa pagbabago. Paano. Marami nang mga salita, marami nang ginamit na verses  at panalangin. Ang kailangan ay pagkilos.

Kung meron man ay ibang tao ang nais na pakilusin at susuporta na lang daw ang ikakaisa nila. Panalangin na lang daw ang maiaambag.

Kailangan ay ang lahatang pagkilos, iyan ang pagkakaisa. At dapat ihanda ang mga sarili sa mga balakid. Maraming gagawing paraan si satanas para di magtagumpay ang anumang nais na pagbabago. Ang pagbabago ay matutupad sa isang nagkakaisang pagaksyon, hindi pagsasalita. Hindi sa pagtanaw.

Marami pa rin ang nagkakasya na lang sa panunuod. Sa pag TANGHOD.

Na pinalala pa ng mga nanguULOK.

TANGHOD sinamahan ng ULOK.

Tanghudlok.

—000—

 “Well I’m just people watching. The other people watching me. And we’re all people watching. The other people watching we. I see so many feet going so many ways. People passing by, they got nothing to say. All on our own, just watching and confused.” – Jack Johnson

CHEATERS. GRABBERS.

Tinawag ako ng me ari ng kompanya isang umaga at pinagusapan namin ang tungkol sa itinatag na bagong kompanya. Ang bagong kompanya ay bilang tugon sa desisyon ng pamahalaan ng Saudi Arabia na tugunan ang mga problemang hinaharap ng mga Employers at Expat Workers, tulad halimbawa ng mga incompetents na matataas ang position, pandaraya ng employees at pagtakas (e kasi nga manloloko pag nabisto tatakas).

Sa isang banda naman, ito ay naglalayon naman na maprotektahan ang Expats sa mga mapagsamantalang employers, lalo na ang mga nasa mabababang position tulad ng Housemaid, Househelps, Driver, Laborers, at iba pa. Ang magkokontrol ng relasyong Labor-Employee ay tulad ng aming bagong kompanya. Halimbawa, kung di ka pinapasahod on time, gagawan nila ng action dahil naka hook up sila sa Minstry of Labor, at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Inatasan ako ng me ari na siyasatin ang mga documents na nadraft na nila, at pinagdesign niya ako ng logo, company profile, at iba pang marketing and promotional literatures.

Kinabukasan, I went to the office ng me ari at nadatnan ko roon ang isa naming Sr Officer A although ibang bansa pero lahing Arabo. Nai-email ko na actually iyon sa me ari at sumagot siya na magusap daw kami. He told me na maganda ang ginawa ko at nakuha ko ang concept na gusto niya. Meron lang ilang irerevise lalo na sa logo. Sumingit si Sr Officer A, “ahh very good, you really followed my advise yesterday.” Diyos mio, tinuruan pala niya ako na gawin iyon. Talk about being cheap. Then, sabi ko sa me ari okay, ayusin ko in 30 minutes kasi me meeting pa ako sa labas.

After 30 minutes, bumalik ako sa office niya. Naroon naman ang isa pang Sr. Officer B galling sa isang bansa sa North Africa, pero sinuwerte na maconvert na Saudi. I showed the new draft to me ari, and immediately Sr. Officer B exclaimed, “yes, that is exactly what I told you to do when you consulted me five minutes ago.” Aba e harap – harapan kung pumapel talaga.

That’s how it is in this country, particularly ang mga lahing ito. They live sa pangungulimbat ng kaalaman at kakayahan ng iba. Mula nang dumating ang dalawang ito, nagkandahetot hetot na ang kompanya.

What is revolting is the way they grab credit and throw fall guys sa kawalan nila ng alam.

Nagsasalita kasi ng lengguwahe nila at magaling bomola.

I still believe in the law of Karma.

—000—

“So you run and you run to catch up with the sun but it’s sinking. Racing around to come up behind you again.  The sun is the same in a relative way but you’re older, Shorter of breath and one day closer to death.” – Pink Floyd

CHINA GAB

Siyempre, hindi kompleto ang bakasyon kung hindi mamamasyal o mamimili sa SM o Robinson. Kasama na rin ang manunod ng sine o kakain sa mga kainan sa mga malls na ito. However, habang tinitignan ko ang mga mabibili sa SM at Robinson ay medyo umatras ako. Sa SM in particular halos lahat ng mabibili mo ay Made in China. Hindi ka na magtataka dahil ang owner ay isang Instsik. Ganun din sa Robinson.

Going through some local boutiques naman, Bench is China, ganun din ang Penshoppe, and Levi’s at Dockers ay India, at ang tanging nakasalba ng aking disappointment ay nang tumungo ako sa Rusty Lopez at Otto Shoes. Rusty Lopez and Otto sells about 50% made in Marikina, di mo rin ma 100% kasi nga napakababa ng presyo ng gawa sa Tsina.

At dito natin makikita kung gaano kalaki ang pera sa kalakalan na naiaambag natin sa pagiging rich and powerful ng Tsina. Malakas at mayaman na nakukuha na niya ngayon na mang-angkin ng territoryo sa pamamagitan ng pambubully.

Bakit ang mga Tsinoy Millionaires na ito ay hindi paunlarin ang ating bansa, ipinagmamalaki pa naman nila na sila ay mga Pilipino? Dito sila lumaki at yumaman, bakit instead of mga malls, hotels, restaurants, casinos, condos ang kanilang pinagkakaabalang investments, ay hindi mga industries o agriculture na sana ay magpapatatag ng ekonomiya at seguridad sa pagkain.

Dahil na rin siguro sa “fiesta mentality” nating mga pinoy. Gala. Gimik. Lakwatsa. Laging isasaisangtabi ang trabaho o magbanat ng buto. At ang malls ang pinakamasarap na pasyalan o paglakwatsahan.

We became a country of buyers, mallers, gimikeros/ras, lakwatseros. Kahit na magkabaun baon sa utang, leading to pagnanakaw, makabili lang ng mamahaling damit o makakain sa mamahaling restaurant, makainom ng kape sa mamahaling coffee shops.

At ang karamihan sa mga binibili nating ito ay gawa sa Tsina.

China gab. But makes sense to Patriotism.

—-000—

“Telling lies to our vision. Telling lies to our children. You can’t fool all the people all the time. But if you fool the right ones, then the rest will fall behind.” – Dead Prez