IKAW NA

Madalas kong maranasan ito. Kayo man siguro ay ganun din.

1. Miron sa chess na turo ng turo ng kung ano ang move. Pero siya paglaruin mo, talo naman!
2. Puna ng puna sa pagkanta ng iba, pakantahin mo sablay. Papuntang Divisoria iyong kanta, siya ay pa Baclaran ang banat.
3. Bangkong player na maingay. Bubulong bulong na hindi naipasok, medyo magsasalita pa na alat na nga ang nasa loob, di pa siya ipasok. Pag ipinasok mo naman palpak. Pati maayos na player nadidismaya, nasisira ang laro.
4. Payo ng payo ng tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa kalusugan, pero me nakasubo namang sigarilyo.
5. Ang galing mamuna ng mali sa trabaho, pero pag siya na pinagawa mo mapapahamak ang kompanya.
6. Reklamo na mas masarap pa raw siyang magluto kesa sa kinakainang restaurant, pero nung magluto, walang makakain.


7. Comment ng comment sa mga news tungkol sa ginagawang paglilinis ng gobyerno, iyon pala isa rin pala siyang magnanakaw sa kaban ng bayan.
8. Batikos ng batikos sa sistema, wala namang maibigay na magandang solusyon.
9. Preach ng preach ng tungkol sa honesty, siya naman pala ang madaya lalo na pagdating sa pera.
10. Ang galing mangaral tungkol sa pagbibigay, kagandahang asal, sa pagsunod sa Panginoon, samba ng samba, pero di man lang makapagbigay kahit piso sa nangangailangan.
11. Nagpapayo ng masamang epekto ng pag-inom ng alak habang lasing.

Maraming taong tinatakpan ang kanilang pagkukulang, ang kanilang kasakiman, ang kawalan ng alam, sa pamamagitan ng pamumuna, pagbibida, pagpapasikat at pag-alipusta sa ibang tao.

Napakadali ang maging kritiko, ang magsabing “ito ang dapat tama” pero sa sarili ay di magawa. Meron pa ngang nagbabalatkayo na naglilingkod sa kapuwa, sa institusyon o maging sa simbahan, ngunit naninira ng kapuwa, upang maiangat ang sarili.

Sickly ill.

“It is easier to tell someone what is right than to practice it personally.” –  1Timothy 4:12, 15

—000—

“Do you want this, in you. You’re the only thing that’s real. And we don’t need to beg or steal. Everyone is so self righteous.” – Third Eye Blind

Larong putok

Bahagi ng aking social life at pagmaintain ng kalusugan sa bansang ito ay ang pagdayo dayo namin ng aking mga kaibigang sina Joel, Darwin, Jojo at BJ ng basketball kung saan saang laruan. Dito kami nakakakita ng mga bagong kakilala, mga bagong kaibigan at nakakarinig ng iba’t ibang karanasan at kuwento ng buhay. Ang apat kong kasama ay mga 34 ang average na edad samantalang ako ay past 50 na, ngunit di naging sagabal ang agwat ng edad namin dahil parepareho kaming nakakapagadjust sa mga ugali ng isa’t isa.

Me basketball court sa likuran ng isang malaking supermarket dito ay tuwing Thursday ay doon kami pumupunta. Kadalasan ay mga 5pm kami dumarating at kami ang unang nakakapaglaro, then we will wait for our turn for our next game, kasi meron din namang ibang dumadayo.

One time, sa pangatlong laro namin (yes, kaya ko pa ang 3 laro, 1 to 24 points bawat game kasi wala namang game clock e, at honest game, kasi walang referee), ay isang team ng saudis ang humarap sa amin. Dito kasi, ang national sports nila ay football kung kaya expect mo na puro takbo at matitibay ang katawan ng mga kabataan dito. Ang humarap sa amin ay edad mga 18 hanggang 20.

The game started, at iyon na nga, ang bibilis tumakbo, ang titigas ng katawan, ang tataas lumundag, at ang higpit gumuwardiya. It was a summer, at humid pa, kaya tagaktakan ang pawis ng lahat ng naglalaro. Fundamental basketball ang alam nila, kung kaya ang mga taktika, gulang at veteran’s move ika ay wala sila. Kaya naman nalalamangan pa rin namin.

Modesty aside, ng magumpisa ko silang paulanan ng mga 3 points (2 points sa ganitong laban), hinigpitan ang guwardiya sa akin at mataas sa akin ang guwardia ko. Pero naiikutan ko siya at kadalasan ay sumasabit ang balikat ko sa kilikili at katawan niya.

Natapos ang laro na lamang kami ng 6 points at ang mga Saudis ay lumapit sa akin na tuwang tuwa at ang sabi, “Grandfather, you are very good. Let’s play again next Thursday”.

Naupo kami magkakasama at ang sabi ni Joel sa akin, “Kuya, galing ng ginawa mo, nagulat sila.”

“Pero kuya, ang balikat mo ang baho. Amoy putok.”

“Oo nga.” Ang sang-ayon naman nung tatlong tsutsuwariwap boys.

Agad kong ibinabad ang suot kong mga damit at matagal akong nagshower pagdating ko sa bahay.

—-00000—-

“To change your world it only takes one split second so – watch your step before you leap. It’s all fun and games until someone gets hurt. It’s all fun and games till sorrow.” – Pennywise

“You’re not disabled by the disabilities you have, you are able by the abilities you have”

Nabasa ko na isa sa mga aabangang atleta sa kasalukuyang London Olympics ay ang 400 m runner na si Oscar Pistorius. Si Pistorius ay ipinanganak noong 1986 sa Sandton, Johannesburg,  South Africa, na may congenital absence of the fibula  in both legs. Sabi sa Wikipedia, congenital absence of the fibula is a congenital disorder  where in one or both legs there is a fibrous band instead of the fibula. The result tends to be:

  • Short deformed leg
  • Absence of part of the  ankle joint, and what is left is unstable; the foot has an equinovalgus  deformity (ito raw iyong permanently bent down and inward ang paa)
  • Absence of part of the foot

Noon siya ay 11 buwan pa lang, his legs were amputated halfway between his knees and ankles dahil nga sa karamdamang ito.

Pero hindi naging sagabal kay Pistorius ang kanyang kapansanan. Noong primary at high school niya siya ay naglaro ng rugy, water  polo at tennis. Nagumpisa siyang tumakbo noong 2004 while undergoing rehabilitation pagkatapos niyang mainjure sa rugby. Marami siyang nakamit na award sa pagtakbo kabilang na rito ang Order of Ikhamanga in Bronze na iginawad ng Pangulo ng South Africa, BBC Sports Personality of 2007, Laureus World Sports Award for Sportsperson of the Year with Disability 2012.

Ang bansag sa kanya ay “Blade Runner” dahil sa dalawang Carbon – Fiber blades na suot niya sa paa upang siya ay makatakbo at makalakad ng normal.

Si Pistorius ay isang debotong Evangelical Christian, may lahing Italyano at may dalawang kapatid na normal. Siya ang modelo ng Thierry Mugler fragrance at nobya niya ang Russian supermodel na si Anastassia Khozzissova.

Walang kokontra sa pagiging isang huwaran ni Pistorius, at nakakainspire ang kanyang buhay, i.e. nananagumpay sa kabila ng kanyang kapansanan. Ang pinagdidebatehan ngayon ng mundo ay kung dapat ba siyang payagang lumahok sa Olympics. Ang punto kasi ng debate ay ang kanyang artipisyal na paa. Ang Olympic Committee ay naglabas ng kautusan na nagbaban sa mga gumagamit ng “any technical device that incorporates springs, wheels or any other element that provides a user with an advantage over another athlete not using such a device”. Kahit daw putol ang paa, Pistorius enjoyed considerable advantages over athletes without artificial limbs. Kasi para daw me spring iyong nakakabit sa kanyang paa.

Ang Olympics ay isang larangan na ang pinaglalabanan ay ang physical na kakayahan ng isang atleta, ang kanyang bilis, lakas, katatagan at utak. Si Pistorius ay lalaban sa 400m run, at ito ay kakaiba kesa mga ibang distansya ng pagtakbo.  The 400m is a particularly exquisite way to torture yourself. It takes speed and endurance, and it asks a runner to hold on in the last quarter of the race despite a flash fire of lactic acid burning inside the quadriceps and hamstrings. Sa ganitong karera, makakaranas din si Pistorius ng the same lactic acid build-up sa kanyang hita na katulad ng isang mananakbo na kompleto ang paa. But does he benefit from the spring and energy return of his carbon-fiber blades? Malaking pagtatalo iyan.

Hindi ko naman inaalis ang katapangan at katatagan ni Pistorius, that despite his disability ay nagawa niya makipagcompete sa normal na tao, at ito ay talagang kahanga hanga. And we are afraid to speak against him, in fear we would be branded heartless and insensitive. Pero dapat tignan na ang pangyayaring ito ay magbubukas pa ng maraming mga pagbabago (o sabihin na nating pagmamanipula) sa regulasyon ng Olympics. Paano kung ang isang tao ay maikli ang paa, puwede ba siyang magpaopera para humaba ito at lumaki ang strides niya?  What about getting bone replaced with light alloys? And head-up-display implants for teams?

Natatandaan ko pa noong ang Team USA ay di manalo sa basketball sa Russia in the Olympics. Ang nangyari ay inamend ang rules para ang mga NBA players ay makalaro at magkaroon ng Dream Team USA.

Pistorius is an admirable man. A role model. Palagay ko naibigay na niya ang nais niyang ipahiwatig sa mundo. No obstacle can hinder your success kung nakatuon ka rito.

At napakagandang halimbawa ito ng pagpupunyagi sa tagumpay.

Pero, ang tingin ko ang lubos na makikinabang dito ay ang Olympics. It will draw lots of interests, translated into viewers, translated into gate receipts-viewers’ receipts-subscribers’ receipts, translated into advertising, translated into profits.

Crass commercialism…..

By the way, ang suot na Carbon Fibre blades ni Pistorius ay may brand na NIKE.

—-00000—-

There will be mountains that I will have to climb. And there will be battles that I will have to fight
But victory or defeat, it’s up to me to decide. But how can I expect to win If I never try. I just can’t give up now. I’ve come too far from where I started from” – Mary Mary

New tread. New challenge.

Nakakapagpataba ng puso ang sa aking medyo may katandaan na ay pinagkatiwalaan pa ako na humawak ng isang Basketball Team. Siguro, dahil kahit nga medyo may edad na ako ay nakakasabay pa ako kahit papaano sa paglalaro sa mga bata bata pa at isa na rin siguro iyong ibinigay kong pakikisama sa mga bata batang ito.

Nanghinayang ako doon sa team na aming kompanya na hinawakan ko. Pagkatapos ng isang malakas na showing sa eliminations at semifinals ay natalo kami sa championship dahil sa katigasan ng ulo ng mga “magagaling” na players. Sukat ba namang parang mga hayok sa laro, e di muna nagconcentrate sa championship at inuna ang isang game sa elimination round ng isang Liga ng PTA sa school. Ang nirerepresent ay ang kompanya upang maging isang parang advertisement ang paglalaro e hindi sa isang Commercial League sumali. Inilihim pa sa akin. Dumating sa Game 1 at Game 3 ng championship na mga pilay, hingal kabayo, wala nang lakas. That is what arrogance and boastfulness can bring.

Ito ang team na may karakter. Team na may puso, may atay, may baga, may bato. In short Bopis.

Balik ako sa aking bagong team, ang mga maggugulong (tires) or Goodyear Al Rashed Team na binuo lang naming magkakasama sa Physical Fitness na laro pag Thursday ng hapon.

1. JOJO, “El Capitan”. Mabilis. Buo ang loob. Minana ni Mike Cortez iyong style niya.

2. JOEL S. “Matinee Idol”. Malakas ang dating. Leo Isaac in style paglalaro pero Coco Martin na me bigote pag lumakad.

3. BON “BJ” JEREMIAH. “Slasher”. He will slash the defense. Pag pumutok ang mga barreling drive e tumabi tabi kayo. Kaliweteng Alvin Patrimonio.

4. DARWIN. “Getaway Kid”. Iyong bigla na lang siya makikita sa loob at hawak na ang bola. Malupit din sa depensa. Asi Taulava ang katulad.

 

5. EDWIN. “El General dela Cancha”. Walang kakabakaba. Lino Brocka sa pagdirect ng plays. Hector Calma ang katulad, biglang hihinto tapos titira ng tres. Abarrientos naman pag nagdrive.

6. ZALDE. “Mr. Hangtime” Suwerte na napaglihihan ng nanay niya ay Spring. Lakas tumalon. Bagsakan na ang kalaban e nasa ere pa. Jojo Lastimosa ang mga side step. At gusto ay parang fiesta ang setting pag kakain. Me dinuguan, kaldereta, crispy pata, etc.

7. JOEL N. “Tirador de Dulce”. Napakasweet tumira. Napakalagkit gumuwardiya. Ginaya ni Samboy Lim iyong tira niya.

8. DINO. “King Onid”. Magpofloat muna bago irerelease ang bola. Grabe. Float then sting like a bee. The guy with a million moves. Ang offensive trainor ni James Yap at defensive trainor naman ni Ronald Tubid. Delikadong makita ito ni Kris Aquino.

9. FRED. “Silent Operator”. Subukan mo pumasok at tiyak na may paglalagyan ka. Ali Peek style. Tahimik pero mabangis.

10. JAYR. “Haring Butata”. Huwag mo na piliting pasukan at mabubutata ka lang. Benjie Paras nung mga unang taon nito. Bata pa kaya akala ng kalaban ay nautusan lang bumili ng suka. Pero ayun pinaliguan sila ng suka. Sukang butata.

11. ROMMEL. “Mr. Revelation”. Bawat game, me inilalabas na bago. Revelation nga. Reminds me of Ricardo Brown sa galaw at tira niya. At me pagka Kenneth Duremdes din pag nagdrive.

12. DAN EMIR. “Mr. Pogi Basketball” Flamboyant but sure ka sa kanya. At pag nag no. 2 position, butata ang aabutin ng guard ng kalaban. Pinagaralan ni Mark Caquioa ang galaw niya.

13. HENRY. “Demolition Man’. Ang bumangga giba. Mr. Danny I of Team Goodyear. Defense specialist. Parang bato.  

14. RODEL. “Spiritual Leader.” Mabilis at super glue kung dumpensa. Pinaghuhugutan ng lakas spiritual ng team. Rommel Adducul half brother.

15. LARRY. “The Flying L”. Saan pa ba magmamana si Jojo? Ang mangga ay mangga rin ang bunga. Manlilipad.. nun nga lang panahon niya. Godfather of the team.

16. Coach EMIL. “Voyager”. Vergel Meneses cum “Dream Boy” Arnaiz. Iyon nga lang. 30 years ago.

 

This team ay hindi katulad ng iba na very talented at maihahanay na sa mga rated. But this team is oozing with discipline, respect at pagkakaisa, so far ay wala pang talo. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng team. Naging relax na sa isat – isa. Nakakapagbiruan na at nagpapakita na ng concern sa bawat isa. At alam ko na makakapagshare na rin ng mga karanasan at makakapagtulungan na maging masaya ang pagstay sa bansang ito na malayo ang kultura sa pinas.

Lumalakas ang team dahil nababasa na ng bawat isa ang laro at ang paguugali, naroon ang lagi na ay masayang attitude sa bawat game, focused at nananaig ang winning spirit.

At higit sa lahat, laging humihingi ng gabay at pasasalamat ke Lord.

Di nakakalimot magdasal bago at matapos ang laro.

Team Goodyear RAR. New Tread. The Champion.

—-00000—-

It took a long time and I’m new born now. I can see the day that I bleed for. If it’s agreed that there’s a need. To play the game and to win again. I’m winning. I’m winning. I’m winning.” – Santana

JUST GET THERE

Dalawang araw pagkatapos ng graduation ko ng College ay nagstart na ako ng trabaho  sa isang malaking kompanya sa Pilipinas. Una kong assignment ay as QA Inspector sa kanilang planta sa Manggahan, Pasig. Laking pasasalamat ko, dahil wala na akong magulang at ako pa rin ang inaasahan ng aking mga kapatid. Dahil siguro sa ipinakita kong sipag at tiyaga (ako yata ang original nun, hindi si Manny Villar) ako ay nalipat sa kanilang branch sa Tagaytay bilang OIC ng planta.

1536672_10201997533157549_370612453_n

Malaking challenge sa akin ang nalipatan ko. I have to take a strong hand so I can implement reforms. Mabuti naman at naging cooperative sa aking ang mga tauhan ko rito.

My secretary-coordinator-radio operator (radio pa nun, wala pang cellphone, ang mahal ng landline at di operator pa pag gusto mong tumawag sa Manila o sa ibang probinsiya) is a polio victim. Bata pa siya ay ganun na siya, nakabaluktot ang dalawang paa at ang kanyang mga kamay naman ay 3 daliri lang ang naigagalaw sa kaliwa at 4 naman sa kanan. Kung lumakad siya ay pauklo uklo ang ulo dahil nga sa di maituwid ang tuhod.

What I like most in him is his attitude. Napaka positive at results oriented. He finished Technical Course dahil gusto niya na makapagaral. Kahit na tinutukso siya sa school di iyon nakahadlang sa kanya. At nakuha niya ang respeto ng kanyang mga kaklase dahil na rin sa kanyang positive attitude at sa kanyang pagiging palakaibigan.

Image result for despite the odds quotes

Me isang instance na sumama ako sa kanila at kami ay pumunta ng Raon para bumili ng ilang electronic items dahil balak ko na ipipe in music ang planta. Sa paglalakad namin, nakakita sya ng isang namamalimos at ito ay kanyang nilapitan. Inabutan niya ng 5 piso (malaking pera na ito nung panahong iyon) pero kinausap niya at sinabihang “ang lakas lakas mo manong, wala kang kapansanan, maghanap ka ng trabaho, e mas me kapansanan pa ako sa iyo pero ayoko umasa sa pamamalimos.”

He is so hardworking, efficient at may malasakit. Nakatira siya sa Sta Ana at live in sa planta ang status niya. He goes home during Saturday after 12NN and he is in the office before 7 AM tuwing Lunes. Isang beses lang siyang nalate sa pagpasok ng Lunes and that was when the bus he was riding ay naaksidente at natumba. Actually, hindi naman siya talaga malilate noon. When the passengers were taken out from the window ng natumbang bus, ang mga may pinsala at sugat ay dinala sa pinakamalapit na ospital. Nang siya ay lumabas ng bus, wala siyang galos, pasa o anumang pinsala. Nung siya ay lumakad ay nakita ng mga tao na pipilay pilay kaya pinagpilitan siyang isakay sa ambulansya kahit na tutol siya. Sinabi niyang talagang pilay siya nung nasa ospital na kaya lang siya pinayagang makaalis.

He is a funny guy. Matatawa ka sa mga antics at mga kuwento niya. And a fighter too. Pag alam niya na tama siya, ipinaglalaban niya. How many times did he had a rundown with some of his colleagues at kahit ang Boss namin. In the end, he has proven na tama siya.

I broke my own rule when he asked me to be the Ninong of his child. Kasi nga dahil sa paghanga ko at dahil gusto ko na may strong bond ang aming pagkakaibigan.

One summer, we went for an outing sa Matabungkay. He joined us despite na hindi niya kayang maglangoy dahil sa kanyang kapansanan. We challenged him kung kaya nya lumipat from one balsa to another balsa na nakadaong. Kahit na mababaw lang, worried kami na baka siya malunod. An ordinary man can swim the 5 m distance in seconds. It took Boyet about 5 minutes of painot inot na paglalangoy.

I told him pagkarating niya sa isang balsa, “kinaya mo, kahit na ang tagal ha, akala ko bibigay ka na e.. ”

“Boss, kahit painot inot, kahit mabagal, kahit na may kapansanan, ang mahalaga ay marating mo ang iyong target..” ang sagot niya.

I found him in FB a couple of months ago, and added him. I wondered why he is not accepting me. Then I learned from a former colleague na pumanaw na siya.

Boyet is determination personified, tenacity epitomized.

Si Boyet, isang winner.

—–00000—–

“I’ve played all my cards. And that’s what you’ve done too. Nothing more to say. No more ace to play. The winner takes it all. The loser’s standing small. Beside the victory. That’s a destiny” (ABBA)

Tiyaga

Pangalawang bahaga ng aking sinulat tungkol sa perseverance o pagtitiyaga. Pag isinalin sa wikang pilipino ang perseverance ay pagtitiyaga ang pinakamalapit. Pero parang hindi kompleto, kasi ang katambal na meaning nito ay tiis at pasensiya. Ang pagtitiyaga ay:

  • Pagsisikap at katatagan 
  • Pagiging matimpiin at pagtutok sa iisang layunin
  • Patuloy na pagsisikap

Ito ay naipapakita natin kung:

  • Patuloy na nagsisikap instead of tinitignan ang trabaho ng kapwa
  • Sinusubukan ang mga makabagong paraan at di sumusuko.
  • Have a learning disability but keep studying even when discouraged
  • Have missed a week of school but you work hard to catch up
  • Are at the end of a difficult race but you cross the finish line
  • Save money and make sacrifices to buy something
  • Spend hours practicing on your craft
  • Try out for something you weren’t successful at the first time

Sabi nga ni Charley Taylor: “Work hard and give it your best shot; never be a quitter.” (

Ang ilan sa mga tao na naging matagumpay dahil sa kanilang pagtitiyaga:

Beethoven (composer) – bingi

Stevie Wonder (musician) – bulag

James Earl Jones (actor) – utal

Hellen Keller (author) – bulag at bingi

Marlee Matlin (actress) – bingi

Franklin D. Roosevelt (president) – biktima ng polyo

Terry Fox (runner) – putol at may kanser

Albert Einstein (scientist) – hirap matuto

Stephen Hawking (physicist) – may Lou Gehrig’s disease (sa nervous system)

Ako ay nagkaroon ng hyperthyroidism noong 1987 at ito ay naging dahilan upang ako ay mangayayat ng labis at ang akala ko ay sakit ito sa puso. Nang ako ay magamot sa pamamagaitan ng nuclear medicine, at may minimaintain na gamot kinonsider ko na isa itong blessing sa akin. Dahil dito ay kinailangan ko na lagi akong active kundi ay tataba ako ng husto. Kailangan ko ring maging mapili sa aking pagkain. Gulay, fruits at isda ang madalas kong kinakain. Seldom ang karne. Sa pagtitiyaga ko na disiplinahin ang sarili naging masigla ang katawan ko at bihira akong magkasakit.

At my age, I can still play 2 full games of basketball, run 3kms non stop or swim 5 laps non stop sa standard size na swimmng pool.

 

Bakit galit na galit?

Hinawakan ko ang team ng kompanya namin dahil ako ang inilagay ng mga players at instructions ng management… at mahal ko ang basketball. Nagpapanalo kami nung eliminations, in fact, wala kaming talo. Pero ang mga panalo namin ay puro habol sa homestretch. Nakakagawa ako ng adjustments sa 3rd quarter at ito ang naging susi sa panalo. Me shock factor na kasama ang panalo namin. Ang mga kalaban ay nalula sa 2 kong malaking players (height limit of 5′ 10″). Pero me star attitude ang isa kong malaki, nakokontrol ko lang.

Sa semis ay tinalo namin ang aming kamatch at on to the finals.

Game 1 ng Finals, inilihim sa akin ng team na me laro sila sa isa pang liga (na aking tinutulan na nung una dahil kako ang gusto ko sasalihan ay iyong prestigious ang liga, iyong magkakaroon ng exposure ang company namin). Dumating sa laro mga pagod, ang aking dalawang key players (key talaga, may puso at utak at hindi star ang mentalidad) ay napilayan sa laro. Tapos ang baba pa ng morale dahil talo sila. Tinambakan kami ng kalaban. At iyon ang iniiwasan ko, dahil makikita nila na kaya pala kaming talunin. Wala palang binatbat ang malaki naming pa-star.

Game 2 ay gumawa ako ng adjustments ng 3rd quarter. Ipinasok ko ang mga mabibilis na defenders, hindi ang aking best five. Nahabol namin ang kalamangan at salamat sa isang last second follow up nagkaroon ng overtime. Sa overtime, dumating ang hinihintay kong move ng kalaban, ang mag man to man. Ipinasok ko ang 2 point guards at inilayo ko ang pagset ng play para malibre ang malalaki at umiskor sa mga nagbabantay sa kanila. We won the game in overtime.

Game 3 high spirit ako, alam ko kayang makuha ang championship. Sinimulan ko sa best five at palitan lang ang lamangan hanggang 2nd quarter. Napuna ko na slow ang tempo ng laro ng kalaban, ibig sabihin natuto sila sa mga laban sa amin at binagalan nila para magreserve ng energy. Di tama ito sabi ko sa sarili ko. Kailangan na mabulabog para sila ay mapagod. 3rd quarter ipinasok ko ang mga mabibilis na defenders at binigyan ko ng bawat assigned na babantayan. Pero nagkabalibaliktad ng binabantayan at lumamang ng 4 ang kalaban. Nagtimeout ako para ipaalala ang assignments nila. Pagbalik nila sa court, dito na nangyari ang di ko inaasahan.

Isang kasamahan sa kompanya na nakaassign sa ibang lugar ang sumugod sa akin, minura ako, binulyawan at galit na galit na sinabing bakit ko raw ipinasok ang mga bobong players. Sumagot ako ng malumanay na strategy iyon, nanalo tayo at nakarating sa finals sa paggagabay ko at wala akong bobong player, lahat sila magagaling at may kanya kanyang papel. Sumisigaw na siya at galit na galit sa akin. Kung nasa pinas siguro sinuntok na ako o sinaksak nito sa nakita kong panlilisik ng kanyang mata. Pinalayo siya ng mga miron pero putak pa ng putak. Nilapitan ko at sinabihang, tumulong ka na lang sa team. Magcheer ka para tumaas ang morale. Or kung gusto mo, ikaw na ang magcoach. Galit na galit pa rin at walang tigil ang putak at sama ng tingin. Para lang makaiwas sa gulo, iniwan ko ang team at umalis na ako.

Nalaman ko sa kasamahan ko na talo ang team. Nalungkot ako. Nasira ang isang magandang layunin dahil sa kagagawan ng isang tao na hindi naman naging kabahagi ng team sa hirap. Bakit galit na galit?

Nalaman ko ang dahilan kung bakit siya ay galit na galit. Ito ay ang anay na sumisira sa samahan, pamilya at pagkatao. SUGAL. Malaki ang pusta niya sa amin kaya ng malamangan kahit 3rd quarter pa lang, ay ako ang napagbalingan.

Kapwa pilipino. Kasama sa trabaho. Pero pagdating sa pera, handang isubsob ang pagkatao at awayin ang kapwa pilipino.

Gustong kumita sa madaling paraan, sa sugal.. hindi sa pagsisikap.

—-00000—-

“That a man must break his back to earn his day of leisure.” (The Beatles)