MAY MGA PANGYAYARING MAHIRAP IPALIWANAG

Nagkita ang magkakababaryong si Kardo at Badong sa Dammam International Airport.

Badong: “Uy Pareng Kardo, babakasyon ka rin pala. Tamang tama magkakasama tayo sa ating baryo.”

Kardo: “Hindi pare. Exit na ako.

Badong: “Ha? E di ba ang ganda ng trabaho mo sa farm at ang bait ng amo mo. Bakit nagkaganun?”

Kardo: “Me mga pangyayaring mahirap ipaliwanag pare.”(Buntong hininga) “Maganda ang work ko at okay amo ko. Okay ang farm, maayos mga alagang ., tupa, manok at ang gulayan at orchard. Kumikita ng malaki pare. In fact pinangako ko sa sarili ko na di ako aalis ng kompanya hanggang magretire ako. Bale ba’y di pa tapos sa pagaaral mga anak ko” (Malungkot)

Badong: “So, anong problema, bakit exit ka?” (Nangungulit)

Image result for asian man milking the camel

Kardo: “Me mga pangyayaring mahirap ipaliwanag pare.  Alam mo nung isang araw ginagatasan ko ang alaga kong camel, pero hindi siya pumirmis at dinudunggol ng ulo niya ang balde ng gatas. Ginawa ko, itinali ko ang ulo niya sa bakod at itinuloy ko ang paggagatas sa kanya. (Buntong hininga uli)

Badong: “Anong mahirap ipaliwanag doon?” (Nangungulit uli)

Kardo: “Tapos nangangalahati na naman ang balde ng itinaas naman niya ang dalawang paa sa harap at tinabig ang balde. So ang ginawa ko, tinalian ko ang dalawa niyang paa sa harap para magatasan ko ng maayos.” (Lungkot na lungkot)

Badong: “Anong mahirap ipaliwanag doon?” (Kamot ulo)

Image result for 2 filipinos at the airport

Kardo: “Tapos, tuloy ang paggagatas ko sa kanya. Noong nangangalahati na, itinaas naman niya ang dalawang paa sa likod. Natapon tuloy ang gatas. Ginawa ko, tinalian ko ang dalawan niyang paa sa likod para di na siya makapaglikot. E wala na akong panali, tinanggal ko ang sinturon ko. Me mga pangyayari talaga pare na mahirap ipaliwanag”

Badong: “Mahirap ka ng mahirap ipaliwanag. Ano nga iyon? (Naiinis na)

Kardo: “Balik na sana ako sa paggagatas, nang malaglag ang pants ko dahil wala na sinturon.. tyempo naman na dumating ang amo ko at nakita akong nakababa ang pants.. wahhh!’ (Umiiyak na)

Badong: “Tsk tsk tsk. Talagang may mga pangyayaring mahirap ipaliwanag”

—000—

“But I’m just a soul whose intentions are good
Oh Lord, please don’t let me be misunderstood”- The Animals

Advertisements