WHAT MAKES YOU HAPPY?

I went to Aramco to submit registration documents para sa isa naming product for power substation. Tulad ng inaasahan ko, wala na naman ang in-charge sa pagreview ng application. Isang taon na mula nang una akong magsubmit ng registration documents na ito, at isang taon na ring hindi ko siya mahagilap sa opisina niya o sumagot man lang siya sa telepono at email niya.

Finally, last month sumagot siya sa akin, at ang sabi niya ay wala siyang natatanggap na mga documents kaya kailangan akong magsubmit uli.

I asked the help of my friend na kasama niya. Mas senior sa kanya. He accepted my call and told me he will come out to the lobby. He asked me to bring the documents inside at nireceive niya ipinapatong sa akin sa harapang mesa nung in-charge.

Then he asked me to come to his office, he asked me to sit down and he told me, after February you’ll find it difficult to come here and make follow ups. Sinabi pa niya na hanggang February na lang siya.

Sabi ko how many years ka na ba sa serbisyo. 35 years na raw. Pinipigilan daw siya kahit na matanda na siya dahil ng sa gamay na nya husto ang trabaho at matalas pa rin ang isip niya. He told me that he was offered higher magrenew lang ng contract.

He explained that he will not renew. He asked me “what makes you happy?”

Sinagot ko siya, “What makes life worth living is what makes me happy.”

“That’s profound. Make your answer simple.”

“Anything that would make me have a purpose to somebody makes me happy.” sagot ko.

Untitccled

“Exactly!” sabi niya. “In my job, I am driven by the thought that I am of use to somebody, and I have a purpose in the organization. However, I have reached a point that I have to fulfill my own purpose. What is that? To lead a quiet life. To lead a contented life, away from this kind of life. You know, I work here, I earn a lot, but it also drives me to lead a noisy life, stressful life, a discontented life. Because I earn a lot, my level of wants have increased. I want to buy more, that it has put a strain in myself, in my mind, in my heart, in my health. I bought a piece of land in Hofuf-Hassa and have transformed it into a farm. My mind is into that kind of life now.”

“Same dream I have.” I told him. He wished me luck, told me to take care and made me promise to visit him often. He added that he will call me one weekend and ask me to join him in his farm. I am by profession an Agricultural Engineer, he quipped, so I can give him a lot of advise. I replied, “all my pleasure. I am so blessed in having a friend, a brother like you.”

Then I asked him how much was the offer for him to stay. He whispered the amount.

Very high for a 62 year-old kind man.

—000—

“Children play in the park, they don’t know. I’m alone in the dark, even though. Time and time again I see your face smiling inside. I’m so happy. That you love me. Life is lovely. When you’re near me.  Tell me you will stay. Make me smile” – Chicago

 

 

 

Advertisements

KINDNESS ABOUNDS IN SMALL PEOPLE

Umalis kami ng Hondagua ng mga 330 AM heading for Bicol at noong papalabas na kami ng Barangay napansin ko na bukas pa ang Bakery ng mag-asawang Coli at Udong. Ang magasawang ito ay childhood sweethearts, elementary pa lang yata ay magsing-irog na. Mas nakakabatang kapatid ang turing ko sa kanila, although the last time I played with them ay noong sila ay mga 6 years old pa lang at ako ay nasa College na.

Ang kanilang magulang ay kaibigan ko lalo na ang kay Udong dahil sila ang lagi na ay iba ang bati sa akin kapag ako ay nakikita sa Hondagua. Hindi iyong usual na “Uy, kailan ka pa dumating? Kumusta na?” kundi, “kumusta na ang kalusugan mo, ang nanay mo, ang mga kapatid mo?” They care much for my health kasi raw nakita nila kung paano ako naghirap noon sa pagaaral at worried sila na baka ako ay walang kinakain dahil nga payat ko noon.

Lumabas ng nakaawang na pinto ng bakery si Coli at tinanong ko, “may luto ng pandesal?” hoping na may nakakain ako habang daan, at least gising ako.

“Ay si Kuya, kumusta ka na? Wala pang luto e. Udong si Kuya o, ang agang aalis. Teka Kuya kahit walang pandesal, sandal lang.” Nagmamadali siyang pumasok at si Udong naman ay kinumusta ako at sinabing bakit daw sandali lang kami. Kako e bibyahe pa ng Bicol e.

Nagpaalam  ako bago ako nakapagpatakbo ng sasakyan ay inabutan ako ni Coli ng isang supot na may nakalagay na dalawang maliit na kahon.

Nagpasalamat ako kay Coli at sinabi naman niya na “ingat kuya, God bless you..” off I drove towards Bicol. Binuksan ko ang kahon at nakita ko na ang laman ay ang masarap na Tikoy Hondagua.

Ni hindi ko man lang naabutan ng pasalubong si Coli. Napakabuting tao.

Maraming kabutihan sa mundo ang nanggagaling sa maliliit na tao.

—-000—-

“Don’t walk around the down and out. Lend a helping hand instead of doubt. And the kindness that you show every day. Will help someone along their wa. You got to try a little kindness, yes show a little kindness. Just shine your light for everyone to see. And if you try a little kindness, then you’ll overlook the blindness. Of narrow-minded people on the narrow-minded streets.” – Glenn Campbell

Damos Graciass

Isa sa napaganda at napakadaling ibigay sa kapuwa ay ang pasasalamat. Napakaraming bagay tayong dapat ipagpasalamat sa ating kapuwa. Kahit na ang isang payak na ngiti galing sa ating kapuwa, ang maliit na tanong na “how are you”, o pagtulong sa trabaho at pagpapagaan ng iyong dalahin. Ang totoo, sa moment na magsimula kang maging mapagpasalamat sa mga bagay na nakadadagdag sa kung anuman ang meron ka, lalo itong madadagdagan.

Kung me nakagawa ng maganda, ng kabutihan sa iyo, baligtarin mo ang sitwasyon. Ikaw ang dumama, ang magsapuso ng diwa ng pasasalamat. Ibig sabihin kung halimbawa ay may nagbigay sa iyo ng pagkain, huwag lang iyong magpasalamat ka. Damahin mo. Lasahan mo ng husto ang pagkain, at love it for somebody gives it to you.  Be overwhelmed with joy and feel the happiness that somebody gives something “out of him/her”. Sa bawat segundo ng pasasalamat means redirecting your negative thought in the other direction at gawin hindi lang isang positive toughts kundi awesome thought and feeling.

Sa umaga, dumaraan ako sa tinatawag na Boofiah (Cafeteria) to buy sandwich na baon ko pagpasok. It is an alternate of Falafil (fried balled beans), tuna, fried egg, boiled egg, hotdog or chicken sandwich na puno ng vegetables at ang kaibahan dito sa paggawa ng sandwich ay nilalagyan ng french fries. One day, iba na ang tao sa Boofiah na lagi kong dinadaanan at di pa nila ako kilala. I ordered 1 boiled egg and 1 falafil sandwich. At tulad ng nakagawian ko, pagkabigay ng sandwich at chaii (milk tea) ay nagpasalamat ako sa kanya.

Kinabukasan daan uli ako sa kanya, and I told him I like his sandwich at pagkaabot niya sa akin nagpasalamat uli ako. I was surprised na 3 sandwich ang ibinigay niya sa akin. I gave him more money for the additional sandwich, but he would not accept it. Then, tinanong ko siya kung bakit sobra ang binigay niyang sandwich sa akin.

He told me “I worked in kingdom 5 years, different boofiah. Sir, this is the first time somebody say my sandwich is good and you the first to give thanks. I give you free one sandwich. ”

Everyday, basta dalawa sandwich ang binibili ko, dinadagdagan niya ng isa.

Ang pasasalamat ay feeling good every one of the 3,600 minutes in a day. Ang pasasalamat ay ang pagbabaling ng mga isiping negatibo sa kapapakinabang na gawain at attitude so that  life will move forward in a beautiful, prosperous, peaceful and harmonious way.

 

Pag-iisip ng positibo

May mga paguugali ang iba sa atin na defeatist at nagiisip ng negatibo tungkol sa buhay. Meron naman na mapagtagumpay pero ang nasa isip lagi ay ang sariling kaligayahan at ang nais ay ang kabiguan ng iba.

Marami akong nababasang mga payo tungkol sa kung paano ang isang tao magiging masaya at positibo ang pananaw sa buhay. Kahit sa Facebook, maraming mga Shares, Cuts and Pastes na tungkol dito at lately nga napansin ko na parang nawala na ang main purpose ng Facebook, i.e. to connect people. Parang naging isang cold person na rin ang nasa FB dahil wala nang feeling ang mga inilalagay sa wall. Copying and pasting, sharing without realizing and feeling what is the real meaning ng kanilang kinokopya at sini-share. Marami kasi ang hindi angkop sa panahon o pagkakataon, basta makapagshare lang. At mapupuna natin na iyon na halos ang ginagawa sa araw araw na postings. A simple “Happy Birthday” sa wall ng binabati, is worth more than a grandiose copy-pasted or photo of birthday greeting, dahil at least sa pagtatype mo ng greeting, the letters come from your heart and mind.. one by one.

Anyway, here are the positive thoughts I collected and my remarks.

1)    Don’t ever take away someone’s hope; it may be all they have to hold on to. Angkop ito sa mga intrigero, sulsolero at inggitero.
2)    There is nothing good or bad in life, it is all about choices, so choose wisely. Marami sa atin ang kapag nagfail, lahat na ay may kasalanan, except himself. Anuman nangyayari sa ating buhay ay choice natin, hindi nang sinumang nasa paligid natin.
3)    Don’t be afraid of saying, “I don’t know” or “I am sorry”. – Learn to say “no”, but do so with kindness and caring. Tama ito. Sa pagsasabi ng “no” naguuumpisa kang ma-unburden ka at maka-focus sa result.
4)    Don’t make decisions when you are angry. – Live in the moment. Don’t rush ahead. There is much to taste of life in the “now”. Ang taong galit, nalalbuan ang pagiisip, ang nangingibabaw ay galit, nawawala ang reasoning.
5)    Don’t expect life to be fair, but don’t be so hard on yourself. Maraming tao ang gusto kang maging maligaya, ngunit marami ring tao ang gusto kang mabigo. Maging fair ka sa sarili mo. Ang pagtuunan mo ay ang mga nais na magtagumpay ka.
6)    You’ve come to this life to learn all about who you are. So enjoy the experience. Ang sarili mo ay matatagpuan mo lamang sa pakikisalamuha mo sa kapuwa mo.
7)    Put yourself into positively challenging situations every day. Ito ang magpapaunlad at pagpapataas ng iyong worth at talento.
8)    Don’t be worried about losing a battle, if this helps you win the war. SA chess, me pagkakataon na isinasakripisyo ang Queen para maka mate.
9)    Much of your growth as a person will come through hardships and challenges. Embrace those and know you will be better, stronger and wiser because of them. Ang buhay ay edukasyon, mayroong lecture, may laboratory at may examination.
10) Create magic moments for your family, friends and yourself. Hanapin mo ang talent mo, at ito ang magagamit mo sa mga magic moments na ganito.
11) Don’t put things off. Do what needs to be done in the moment. Magiging gabundok ang iyong gawain kung di mo ito tatapusin.
12) Treat everyone, as you would like to be treated. Modified version ito ng Golden Rule.
13) Don’t get out of control at any time, breathe deeply, rethink what to do and say. Ang pagmumuni muni ay nakakatulong sa mabuting desisyon.
14) Take care of your physical body. Huwag abusuhin ang sarili, Iwasan ang alak, sigarilyo, macholesterol na pagkain, at magexercise.
15) Love your body. It knows what you think, from your emotions spring health or illness. Ang malusog na pangangatawan ay nagbubunga ng malusog na kaisipan.
16) Repeat positive affirmations all the time. Nakakahawa ang pagiging positibo.
17) Look into the eyes of people. Nagpapakita ito ng katapatan (sincerity) sa pakikipagtalastasan.
18) Learn to listen. It is an art. Gusto ko ito, ang pakikinig ay isang sining. Sa pakikinig kasi,ikaw ay natututo, at naaappreciate mo ang mga bagay bagay sa iyong kausap.
19) Don’t believe all that you hear AND don’t say all that you think. Ito ay ang sinasabing “think before you leap”
20) Always tell the truth. Mahirap magtahi ng kasinungalingan dahil napakarami mong pagtatakpan.
21) Be thoughtful and careful with what comes out of your mouth since with those words you create your own reality. Di pa naiimbento ang pambura sa binitiwang nating salita.
22) Nurture and maintain your friendships. Ang kaibigan ay bahagi ng buhay
23) Surround yourself with light everyday! Ang liwanag ay nagbibigay ng liwanag sa isip at buhay.
24) You have a right to be happy! Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang maging maligaya.
25) There are no coincidences and no accidents in life. Everything big and small is for a reason. Pay careful attention. Nabanggit ko na ito sa isa kong post, walang pagkakataon sa buhay. Lahat ay may dahilan.
26) Enjoy the beauty of this Earth all around you. Saan ba tayo nakatira? Sa mundo. Kaya samyuhin at damahin natin ang kagandahan ng mundo.
27) There are those things in life that can never be recaptured: the spoken word, time passed and opportunities. Samantalahin ang lahat ng opportunities at maging maingat sa bibitawang mga salita.
28) Do one thing at a time and do it well. Isa isa lang. Walang Jack of all trades.
29) There are two dominant energies in life, love and fear. Love overcomes all. Stay out of fear. There is nothing to fear, it only brings chaos. Takot na mawalan ng kapangyarihan, takot na mawalan ng salapi, at marami pang takot ang nagpapagulo sa buhay. Love brings contentment.
32) Meditate at least thirty minutes a day. Learn to enjoy times of rest. Ang katawan ay parang makina. Kailangan ang pahinga at ang pagiisip. Pag pahinga, pahinga. Hindi katulad ng iba na  nuod TV, basa ng libro, maglalaba o masusulsi habang nagpapahinga. Nawawala ang second item.. ang pagiisip.

Enjoy riding the journey of life. Share kindness, love, forgiveness and understanding.

—–00000—-

“You’ll need some good luck and a Bible. Especially a Bible. A lot of faith in God above. And a woman you can love. You’ll need a good song that you can sing on. And a shoulder you can lean on. And you gotta draw the line sometimes when push comes to shove. You’ll need to lose some to be a winner. Have courage to surrender you’ll need to. Laugh a lot and keep it light. On the journey of your life.” – Jake Owens