NOBENTA Y SINGKO

Noong summer vacation ko after ng Grade IV, sinubukan ko gayahin ang ibang bata na magtinda ng tubig sa tren. Nakikita ko kasi sila na maraming pera dahil sa pagtitinda. Ang isang boteng tubig noon ay 5 sentimos, at napakalaking halaga na ng piso.

Image result for hondagua train

So, linis ng bote at iswan na pantakip. Di ako nagpaalam kay Tatay dahil ayaw niya akong magtinda. Tinda ako ng “ay tubig dyan, tubig” sa biyaheng Bicol ng alas 11:30 ng umaga at dali-daling umuwi para sa tanghalian.

Image result for selling water in train
Paguwi ko, nag-aabang na si Tatay sa akin dahil nalaman niya na ako ay nagtinda. “Di ba sabi ko sa iyo ay huwag na huwag kang magtitinda sa tren? E kung madisgrasya ka? Huwag mo nang uulitin ha! Kundi makakatikim ka sa akin. Magkano ang napagbilhan mo?”

“Nobenta y singko po!” sagot ko. Malaking pera na iyon nung panahong iyon. Kasi makakabili na iyon ng isang katay na isda (P 0.50) at kalahating supang bigas (P 0.25).

“Ah, malaki rin pala. Hala, ibigay mo lahat iyan sa Nanay mo, ” ang utos ni Tatay.

Punta ako ke Nanay at ibinigay ko ang napagbilhan ko ng tubig.

“Bakit singko lang ito? Narinig ko sabi mo sa Tatay mo Nobenta y singko ang benta mo? ang usisa ni Nanay.

“No benta kundi singko, Nanay. Pag sinabi ko singko, mapapalo ako ni Tatay. Nagpainit ako tapos singko lang benta. Kaya sinabi ko ay Nobenta y singko. Di naman niya inintindi.”

—000—

“Will you make us laugh, will you make us cry?
Will you tell us when to live, will you tell us when to die?
I know we’ve come a long way, We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?”- Cat Stevens

Advertisements

DYOKULEKOG

Ang larong Jolens/Dyolens ay isa sa pinakasikat na laro noong ako ay bata pa. Tatakbo kay Papay Tony or kay Ah Pak lalo na kung ang bantay ay si Onying Avila o si Rey Yanzon para may tawad ang biniling dyolens.
 
Untitled.png
Sarisaring style ng paglalaro ng dyolens:

1. Dyolens – merong laro na apat ang butas at papasiyutin sa butas no. 1 then pag napashoot mo tuloy ka sa no. 2 and so on to no. 4 bago babalik ka punta ng no. 3 hanggang sa no. 1. Ang unang makatapos ay siyang panalo. Me variation nito na kung ikaw ay nasa no 2 kunwari at napatamaan ka ng kalaban mo na nasa no. 1 sa pamamagitan ng pagpitik sa kanyang dyolen ang kalaban mo ay aadvance to no. 3 at ikaw ay babalik sa simula. Pag sunod sunod na syut sa butas ay tinatawag na Takada.

2. Palmo – ito iyong ang iyong dyolen ay ibabounce mo sa pader ng marahan, para patamaan mo ang dyolens ng kalaban na nakatira na ng kanilang turn. Pag tinamaan mo, iyo ang dyolen ng kalaban. Kung walang tinamaan, hahayaan mo ang dyolen mo kung saan ito nakapuwesto at ang kalaban mo naman ang may turn para ito ay patamaan sa pamamagitan ng pagpapatalbog ng dyolen sa pader. Hanggang 10 ang naglalaro nito.

3. Patamaan – nakahelera ang mga dyolens normally sa may pader, depende sa dami ng paglalabanan, maaaring tig-iisa o tigdadalawa ang mga magkakalaban. At a certain distance, kadalasan ay mga 4 meters palayo, sisipatin ang mga dyolens at sisikaping patamaan ng isang pamatong dyolen. Kung hindi tinamaan ng nauna, ang susunod naman ang magtatry and so on. Hamig ng nakatama ang lahat ng dyolens na nakataya.

4. Ispat – ang mga dyolens ay nakapaloob sa isang bilog na guhit, again, depende sa dami ng paglalabanan. At a certain distance, mga 4 na metro rin palayo, sisipatin ang dyolens at sisikaping mapalabas ang dyolen sa bilog na guhit. Ang bawat lumabas ay pag-aaari na ng nakapagpatama o nakapagpalabas.
Sa paglalaro ng dyolens nabibuild ang character ng isang bata. Totoo na ito ay isang laro at maraming magulang ang di iilang beses na nagtapon ng mga dyolens sa basurahan. Mga dyolens na itinatago ng mga bata sa lata, sa garapon, sa supot at iyak talaga kapag nasamsam ng magulang o ng guro.
Sa pagtatago na ito ng dyolen nadedevelop ang pagiging MASINOP. Sa paglalaro naroon ang RESPETO sa mga kalaro. Naroon din ang ORDERLINESS dahil hinihintay ng bawat player ang kanilang turn bago sila tumira. Ang MAGNANIMITY IN VICTORY ay ipinapakita rin ng bata sa pagbibigay ng balato kapag siya ay nakajackpot. Dito rin ipinapakita ng bata ang FOCUS o ATTENTION lalo na kung sinisipat niya ang patatamaang dyolens. Nakikintal din sa karakter ng bata ang PERSEVERANCE at ACCEPTING DEFEAT, dahil sa bawat pagkatalo niya ay bumabangon at bumabawi sa susunod na pagkakataon. Naibuild din ang STAMINA ng bata dahil sa tiyaga niya na maglaro kahit na anong uri ng panahon.
At higit sa lahat, ang PAGMAMAHAL sa kapuwa, dahil ang mga batang dumaan sa ganitong mga paglalaro ay dala dala ang ala-ala ng kanyang kabataan at ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
Nowadays, seldom do you see children playing the above games. Internet took over.
Kung lahat ng Pulitiko ay nakapaglaro sana ng Dyolens.
Kulto pinis. Tapos.
—000—

“Well I think it’s fine, building jumbo planes. Or taking a ride on a cosmic train. Switch on summer from a slot machine. Get what you want to if you want, ’cause you can get anything.” – Cat Stevens

I know we’ve come a long way,
We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?

Si Mang Kurne

Si Mang Kurne ay ang sapatero sa aming baryo at kaklase ko ang anak niya sa Elementary. Siya ang isa sa mga taong hinangaan ko ang kakayahan at ang mga panuntunan sa buhay. Si Mang Kurne ay naging bahagi ng buhay ko ng mga late 60’s at early 70’s.

Sa kabila ng kahirapan ay nakita ko ang katatagan ng kanyang character at ang pagsisikap na maitaguyod ang kanyang pamilya. Hindi lamang sapatos ang kanyang inaayos kundi maging bag, at anumang kagamitan na kailangangang idikit o tapalan.

Kapag wala akong pasok o masyadong ginagawa  ay sa kanyang maliit na puwesto along the riles, sa me tapat ng bahay namin, harap nina Mang Dorting, ako nagpupunta at pinapanood ko siyang magayos ng sapatos. Hangang hanga ako sa pagtabas niya ng katad o goma na ipantatapal o ipapalit sa takong, suwelas ng sapatos. Bilib na bilib ako sa kanyang paghawak sa parang ice pick na pambutas pag tinatahi niya ang suwelas o ang sirang bahagi ng sapatos.

Sa isang bagay ako naging customer ni Mang Kurne at ito ay sa bolang pambasketball. Isa ako sa may sariling bola ng basketball ng panahong iyon at sa aming mahirap na lugar, kayamanan na ang magkaroon ng bola. Minsan ay nabutas ang bola ko at ito ay dinala ko kay Mang Kurne. Matiyaga niyang kiniskis ang parteng may butas, ganun din ang ginupit na gomang panapal at saka nilagyan ng rugby. Pagkaraan ng ilang minuto ay masusing inilapat sa parteng may butas, marahang pinukpok ng mallet at saka muling kinuskos ng liha ang tapal upang pumantay sa surface ng bola. Anupa’t di lang yata sampung tapal ang inabot ng aking Voit basketball bago ko ito tuluyang pinagretiro.

Pero may leksyon akong natutuhan habang pinapanuod ko si Mang Kurne, at ito ay naging gabay ko sa buhay.

Alam mo bata, ang buhay ay tulad ng pagtatagpi o pagaayos ng sapatos. Upang ito ay maging maayos at matibay, dapat mo munang kiskisin ng liha ang lugar na paglalapatan upang mawala ang dumi at maging matibay ang kapit. Sa buhay man, kung nais mo itong maging maayos at panatag, dapat kiskisin mo ang anumang dumi o masamang gawi at pagiisip. Sa paglapat ng tapal, makikita mo na pinupukpok ko para mas makapit. Sa buhay ay ganun din, sa paglapat ng solusyon o pagtahak ng pangarap, dapat pukpukin mo ng husto upang maging matatag. Makikita mo, katulad ng sapatos na ito, parang bago na uli, ang buhay ay palaging maayos at payapa.

Simpleng tao, payak na pamumuhay, pero punong puno ng aral. Siya ang original na Mr. Quickie. Pinakinis at pinatibay ang aking buhay sa kanyang mga turong aral.

—-00000—-

“Old man look at my life, I’m a lot like you were. Old man look at my life, I’m a lot like you were.” (Neil Young)