PAGPAPAKUMBABA

Mabilis tayong magpakita ng paghanga sa mga magaganda, sa mga maykaya, sa mga mahuhusay, malalakas at matatalino. At ang paghangang ito ang nagdadrive sa atin upang magadhika na maging katulad nila. Most of the time at all costs.

Magandang objective dahil naroon ang patuloy na pagdevelop ng kaalaman, kalakasan, katayuan sa buhay at ang kalusugan.

Ngunit huwag nating kaligtaan na ang lahat ng ito ay napakataos sa puso ang kasiyahan kung ating ginagampanan ng may pagpapakumbaba.

simple life2

Humility is an asset for self-improvement. Sa pagpapakumbaba, ikaw ay tumatanggap nang anumang puna upang lalong umunlad.

Humility is also a virtue for inner well-being. Sa pagpapakumbaba tinatanggap mo ng mas maluwag ang anumang pagkatalo at frustrations kesa kung ang iyong ego o pride ang papairalin.

Ang pagpapakumbaba ay ang pagtingin sa mga mahihina, sa mga may kakulangan, sa mga sawim-palad sa mga naghihikahos. They are the little ones. Ang pagtulong at pagkalinga sa kanila ang pinakamahalagang objective sa pagpapaunlad ng buhay. Hindi ang pantayan o lampasan ang mga tinitingala.

Ang pagpapakumbaba ay nakikita ang kaluwalhatian nais na ito ay papurihan, samantalang ang pagmamataas ay ang angkinin ito.

Happiness is humility. Humility is happiness.

“Truly, I say to you, unless you turn and become like children, you will never enter the kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven.” – Matthew 18:1-4

—000—

“On bended knee I come, with humble heart I come. Bowing down before Your holy throne. Make my life a holy praise unto you.” – Robert Gay

 
Advertisements

ARROGANCE STINKS

May nakilala akong Manager na kababayan sa isang Construction Company. Noong bisitahin ko siya sa kanyang opisina, he talked about how he became a manager in his company, at kung paano niya pinaangat ang kompanya. He talked highly of himself and even boasted na isang clerk lang siya sa isang government office sa pinas.

He called his pinoy assistant and asked for coffee and I requested water only.

The pinoy assistant came with the coffee and water. Upon sipping the coffee, he angrily called back his assistant and told him: “anong katangahan naman ito, di ba sinabi ko sa iyo gusto ko matamis kape ko, bakit ang pait nito, gusto mo bang pauwiin na kita?”

His assistant meekly asked for apology and was about to get the cup para dagdagan ang asukal, pero tinabig ang kamay nito at minura-mura as in mura talaga.

Untitled

Sinabihan ko siya na okay na iyon, tama na at baka magdamdam ng husto iyong tao niya. Aayusin naman na ang timpla e. Galit na galit pa rin siya na nagsabing binigyan na nga niya ng trabaho ay di pagbutihin ang pagtatrabaho.

Gusto ko siya payuhan pero sa tingin ko mahirap siyang makinig. Nakatanim na ang arrogance sa dibdib niya at iyong pagmamataas dahil nga sa tingin niya ay dati siyang mababa sa pinas, ngayong narito na siya sa saudi at mataas ang katungkulan ay dapat siyang ituring na amo. Naadopt niya ang master-slave attitude ng mga lumang Arabo.

Di ko na pinatagal ang usapan namin, after 5 minutes nagpaalam na ako. Tinapik ko ang balikat ng pinoy assistant paglabas ko.

By the way, this friend is an active leader sa church dito.

—000—

“Spare me the sermon, your preach is worthless. Another toxic person to pollute my surroundings, another toxic person
Here’s to the know it all, That knows nothing at all. Another stick in the mud.” – Traitors

PAGPAPAKUMBABA

A pastor in a congregation here delivers messages during worship services humorously and is well liked by the worshipers. He even explains the points of his message very well, ang pagiging mabuting Kristiyano dahil nga sa nakakatuwa siyang magsalita. Ngunit ang katuwaan sa pakikinig ng kanyang mensahe ay natatakpan ang tunay na attitude ng isang mangangaral. Ang pagpapakumbaba.

Lagi na ay napapansin ko na sa bawat mensahe niya, ang ginagawa niyang halimbawa ng kabutihan o kakristiyanuhan ay ang sarili niya. To the point na nagiging self-righteous na he tends to drive the congregation to emulate him. This is self serving.

When we do something for God, when praise God and preach God’s words, lalo na kung tayo ang naglilead sa pagsamba, dapat ay tayo ang unang nakikitaan ng pagpapakumbaba.

Pagiging mababa – HUMILITY – nag-ugat sa salitang HUMUS – Greek word for SOIL. Feet on the ground. Nasa lupa ang mga paa.

When we remain humble, hindi lamang iyong ibinababa ang ating sarili – o iyong hindi nagyayabang. Iyong hindi mo kinokonsidera na ikaw ang pinakamarunong sa salita ng Diyos o ikaw ang pinakamabait. Being humble also means admitting mistakes, accepting it, facing it – not attempting to make any excuses.

When the Lord taught us to be humble, He taught us to admit our mistakes – dahil kung hindi, ito ang pinakaugat ng kapalaluan. You are alienating yourself to your fellow Christians.. to fellow men.

Kapag tayo ay nagdesisyon sa isang bagay, halimbawa ay sa pagaaral ng ating anak, kapag ito ay nag-fail ano ang una nating sinasabi – “hindi ka kasi nagaaral (yung iba pa, uhm! sabay batok), o puro barkada ka kasi o puro ka facebook, o ang eskuwelahan kasi niya o ang teacher kasi niya. Did we accept our responsibility? Inamin ba natin, na minsan ay di natin pinansin ang kanilang mga paglalambing, pagtatanong, at ang mga tulong na hinihingi sa atin. We are in the internet age. Kahit na ang mga nasa ibang bansa ay maaari silang makausap at mapayuhan… mapakinggan sa kanilang mga problema at mga tagumpay.

When we play basketball? Kapag natalo tayo – we don’t admit immediately. Dinaya ng referee, kasi wala ng oras counted pa, etc. Pero, di natin inaanalyze ang ating laro, baka me kulang, sa execution ba ng plays, etc.

When we cannot improve our lives, sinisisi natin ang iba. Kasi, di ako tinanggap sa trabaho, kasi di ako tinulungan ng kamag-anak ko, kasi iyong kalaban ng kompanya namin, nag-aunder the table, kasi ang daming sipsip sa aming kompanya,  at WORSE pa nga,  we tend to SHORTCUT at kinukutsaba pa natin ang Panginoon:

LORD papanalunin mo ako sa Lotto, promise kalahati ay ibibigay ko sa Iglesiya, ang one-fourth ibibigay ko sa bahay ampunan. Pag hindi nanalo, sisisihin ang Panginoon.

The best gifts from God are around us. The best things in life are the most simple things. When we aim for things that are not within our means – doon na tayo naguumpisang mag fail. God gives us some weaknesses to make us strive, dahil ito ang nagpapaalala sa atin para maging humble ( 2Cor-12:9-10 Buong galak na na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas) The very essence why other religion succeeds. Its founder delves on the basic weakness of its followers – maysakit, nangangailangan, nangungulila, kinukutya,  binibigyan niya ng lakas – o itaas ang inyong mga putting panyo at sobre ng kahilingan at kayo ay pagbibigyan o gagaling sa inyong karamdaman. But remember… it is US who make the difference.

Let us be humble, admit and accept our mistakes and live within our means. Happiness is where simple things are.

I remember noong ako ay kasakasama pa ng pari. We held mass at a Barangay na tatlong bundok at dalawang ilog ang tatawirin mo. During lunchtime, hiyang-hiya ang host namin at sinasabing pagpasensiyahan na namin ang kanilang nakayanan – mahirap lang daw na nayon ang kanila kaya kung ano lang ang nasa paligid nila iyon ang kanilang naihanda ( simple things di ba ). Pagpasensiyahan – pagpapasensiyahan ba namin ang inihaing Ginataang Pako, Adobong Manok Tagalog, Tapang Usa at Pesang Dalag – my, iyon ang pinaka simple para sa kanila, pero napakarangya para sa amin.

We may be simple people, with simple dreams, but in the eyes of the Lord, we are Grand Individuals, Gracious Christians and a Big Community.

Sabi nga sa Kawikaan 30:24 – 28

Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan,
  1. Ang langgam, sila ay mahina ngunit nag-iipon ng pagkain kung tag-araw
  2. Ang mga kuneho, mahihina rin sila ngunit nakagagawa ng kanilang tirahan sa batuhan
  3. Ang mga balang, bagamat walang haring sumusubaybay, ay lumalakad ng maayos at buong inam
  4. Ang mga butiki, maaaring kuyumin sa iyong palad dahil sa kaliitan, ngunit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan

They all are little, simple beings, YET sa pagiging simple o kaliitan nila, doon sila nakakagawa ng pambihira. If you just take a look around, ang makapagpapasaya at makapagpapaunlad ng iyong sarili ay nariyan mismo sa iyo… IKAW!! Maaari lamang na nagiging mapagmataas tayo.

—000—

‘Well Humbleness is proof of your intellect.  if your humble and you wise you will get respect. A man who cherish intellect no need to fret. You live, you learn, you die, you move, you make another step.” – Alborosie

The 15 – Minute Prince

Nagkaroon ng problema sa status ng Iqama ang kasama ko at ayaw isyuhan ng Visa sa immigration ng Abu Dhabi Airport. Hinintay ko siya at tinulungan na magexplain sa immigration officer. After 30 minutes of waiting, I left my colleague sa immigration area leaving him the copy of the hotel booking and praying that he makes it. Medyo sinisita na kasi ako ng Airport Police sa pagstay ko sa may immigration to support him. Before I got to the elevator to go down the Taxi Stand, a guy who looks like a Pakistani in casual clothes, approached me and asked me if I want a taxi. Careful not show any hint that I am not yet familiar with the place, at baka masalbahe pa ako, I told him that I will take the taxi from the stand.

He was so persistent, even offered to carry my bag, and told me he drives a taxi and that he can take me wherever I want to go. I told him I will take the taxi from the stand but I have to wait for about 15 minutes because my friend was still inside the airport. He seemed somewhat irritated and even remarked that he can wait for me and my friend. I answered that my friend has to finish his shift. He is an airport policeman and my friend will bring me to his house. The guy left me in a hurry.

https://i1.wp.com/wallpaper.imcphoto.net/pictures/2/auto/bmw-limousine.jpg

When he was nowhere in sight, lumapit na ako sa dispatcher sa taxi stand. He asked me whether I like the regular metered taxi or the limousine. I asked him what is difference between the two in driving me to Crowne Plaza Yas Island. He replied that only a little difference, the limousine is 60 dirhams, but for “kabayan” I can have it for 50 dirhams. ( I found out later that for the metered taxi, the fare from the airport to the hotel is 45 dirhams. Wagi.)

Wanting to experience how it feels to be a Prince for 15 minutes, I chose the limousine. It was a BMW M5 Limousine, so roomy, cool, comfortable and with a small refrigerator in the middle. The LCD monitor showed a Jackie Chan movie, and the driver was in a clean uniform with a matching cap at that.

He drove smoothly, I can barely feel the turns and humps and the road seemed to be lined with marble tiles, it was really a like a soft breeze in a summer afternoon. At mind you, mabango ang loob ng sasakyan. Walang amoy putok. We got to the hotel when I was starting to really enjoy the ride.

Yes, I felt like a Prince for 15 minutes and appreciated the comfort and luxury of riding in a limousine. Pero ang pakiramdam ko ay parang de numero ang kilos ko. Parang pag me hinawakan ako na anuman sa sasakyan ay magagasgasan ito o masisira. Hindi ako makagalaw ng normal… ng kung ano ako. Naging de susi ako.

Naisip ko rin na ang lakas sa gasolina ng sasakyang iyon. Naisip ko rin ang gastos sa maintenance, ang pasahod sa driver, at iba pang gastos kakambal ng pagkakaroon ng isang limousine, tulad siyempre ng kailangan mamahalin suot mo, kakain ka sa mamahaling restaurant, mamimili sa mamahaling stores, bibili ng mamahaling damit, alahas, atbpa. Subukan mo kayang iparada ang ganitong sasakyan sa Aling Conching Carenderia sa Vito Cruz, sa Bulaluhan sa Dian St, Sinigang Plaza sa Veterans, sa tapat ng Ukay-ukay sa Tagaytay, Lomi King sa Lipa City, o sa Divisoria, sa Central Market, Palengke ng Libertad.

Pinisil ko ang ilong ko.

Back to reality.

I love being myself. I love acting myself. I love the natural me. Simple.

Sayad ang paa sa lupa. Yapak pa.

—-00000—-

“A cottage small is all I’m after, Not one that’s spacious and wide. A house that rings with joy and laughter with the ones you love inside. Some like the high road, I like the low road, Free from the care and strife. Sounds corny and seedy, but yes, indeed, I like the simple life.” – Ella Fitzgerald

—-00000—-

New tread. New challenge.

Nakakapagpataba ng puso ang sa aking medyo may katandaan na ay pinagkatiwalaan pa ako na humawak ng isang Basketball Team. Siguro, dahil kahit nga medyo may edad na ako ay nakakasabay pa ako kahit papaano sa paglalaro sa mga bata bata pa at isa na rin siguro iyong ibinigay kong pakikisama sa mga bata batang ito.

Nanghinayang ako doon sa team na aming kompanya na hinawakan ko. Pagkatapos ng isang malakas na showing sa eliminations at semifinals ay natalo kami sa championship dahil sa katigasan ng ulo ng mga “magagaling” na players. Sukat ba namang parang mga hayok sa laro, e di muna nagconcentrate sa championship at inuna ang isang game sa elimination round ng isang Liga ng PTA sa school. Ang nirerepresent ay ang kompanya upang maging isang parang advertisement ang paglalaro e hindi sa isang Commercial League sumali. Inilihim pa sa akin. Dumating sa Game 1 at Game 3 ng championship na mga pilay, hingal kabayo, wala nang lakas. That is what arrogance and boastfulness can bring.

Ito ang team na may karakter. Team na may puso, may atay, may baga, may bato. In short Bopis.

Balik ako sa aking bagong team, ang mga maggugulong (tires) or Goodyear Al Rashed Team na binuo lang naming magkakasama sa Physical Fitness na laro pag Thursday ng hapon.

1. JOJO, “El Capitan”. Mabilis. Buo ang loob. Minana ni Mike Cortez iyong style niya.

2. JOEL S. “Matinee Idol”. Malakas ang dating. Leo Isaac in style paglalaro pero Coco Martin na me bigote pag lumakad.

3. BON “BJ” JEREMIAH. “Slasher”. He will slash the defense. Pag pumutok ang mga barreling drive e tumabi tabi kayo. Kaliweteng Alvin Patrimonio.

4. DARWIN. “Getaway Kid”. Iyong bigla na lang siya makikita sa loob at hawak na ang bola. Malupit din sa depensa. Asi Taulava ang katulad.

 

5. EDWIN. “El General dela Cancha”. Walang kakabakaba. Lino Brocka sa pagdirect ng plays. Hector Calma ang katulad, biglang hihinto tapos titira ng tres. Abarrientos naman pag nagdrive.

6. ZALDE. “Mr. Hangtime” Suwerte na napaglihihan ng nanay niya ay Spring. Lakas tumalon. Bagsakan na ang kalaban e nasa ere pa. Jojo Lastimosa ang mga side step. At gusto ay parang fiesta ang setting pag kakain. Me dinuguan, kaldereta, crispy pata, etc.

7. JOEL N. “Tirador de Dulce”. Napakasweet tumira. Napakalagkit gumuwardiya. Ginaya ni Samboy Lim iyong tira niya.

8. DINO. “King Onid”. Magpofloat muna bago irerelease ang bola. Grabe. Float then sting like a bee. The guy with a million moves. Ang offensive trainor ni James Yap at defensive trainor naman ni Ronald Tubid. Delikadong makita ito ni Kris Aquino.

9. FRED. “Silent Operator”. Subukan mo pumasok at tiyak na may paglalagyan ka. Ali Peek style. Tahimik pero mabangis.

10. JAYR. “Haring Butata”. Huwag mo na piliting pasukan at mabubutata ka lang. Benjie Paras nung mga unang taon nito. Bata pa kaya akala ng kalaban ay nautusan lang bumili ng suka. Pero ayun pinaliguan sila ng suka. Sukang butata.

11. ROMMEL. “Mr. Revelation”. Bawat game, me inilalabas na bago. Revelation nga. Reminds me of Ricardo Brown sa galaw at tira niya. At me pagka Kenneth Duremdes din pag nagdrive.

12. DAN EMIR. “Mr. Pogi Basketball” Flamboyant but sure ka sa kanya. At pag nag no. 2 position, butata ang aabutin ng guard ng kalaban. Pinagaralan ni Mark Caquioa ang galaw niya.

13. HENRY. “Demolition Man’. Ang bumangga giba. Mr. Danny I of Team Goodyear. Defense specialist. Parang bato.  

14. RODEL. “Spiritual Leader.” Mabilis at super glue kung dumpensa. Pinaghuhugutan ng lakas spiritual ng team. Rommel Adducul half brother.

15. LARRY. “The Flying L”. Saan pa ba magmamana si Jojo? Ang mangga ay mangga rin ang bunga. Manlilipad.. nun nga lang panahon niya. Godfather of the team.

16. Coach EMIL. “Voyager”. Vergel Meneses cum “Dream Boy” Arnaiz. Iyon nga lang. 30 years ago.

 

This team ay hindi katulad ng iba na very talented at maihahanay na sa mga rated. But this team is oozing with discipline, respect at pagkakaisa, so far ay wala pang talo. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng team. Naging relax na sa isat – isa. Nakakapagbiruan na at nagpapakita na ng concern sa bawat isa. At alam ko na makakapagshare na rin ng mga karanasan at makakapagtulungan na maging masaya ang pagstay sa bansang ito na malayo ang kultura sa pinas.

Lumalakas ang team dahil nababasa na ng bawat isa ang laro at ang paguugali, naroon ang lagi na ay masayang attitude sa bawat game, focused at nananaig ang winning spirit.

At higit sa lahat, laging humihingi ng gabay at pasasalamat ke Lord.

Di nakakalimot magdasal bago at matapos ang laro.

Team Goodyear RAR. New Tread. The Champion.

—-00000—-

It took a long time and I’m new born now. I can see the day that I bleed for. If it’s agreed that there’s a need. To play the game and to win again. I’m winning. I’m winning. I’m winning.” – Santana