BANGAYAN. TUNGAYAWAN. MURAHAN.

Hindi na maganda ang magbasa ng FB at ilang social media. Maraming mga fake news ang matutunghayan na susundan ng mga comments na puro tungayawan at murahan.

At ito ang naging norm sa ngayon, ang magpakalat ng mga kasinungalingan, panlalait, panunuligsa at pang-aaway. It appears malakas pagkakitaan ang ganitong gawain, me nabibigyan pa ng mataas ng puwesto sa gobyerno. Pag kontra ka, kukuyugin ka.. sasabihan ka na adik, dilawan, #$^)&!?# atbpa. Where have all the reasons gone?

Related image

Sabi sa isang pag-aaral ang mga fake na balita ay lumalaganap dahil pagkiling sa sariling paniniwala.  Isi-share pa ito sa social media lalo na kung ito ay pabor sa kanyang pinaniniwalaan at hindi tutuklasin ang source kung ito ay tama. Basta narereinforce ang kanyang beliefs, okay lang kahit na iyan ay kasinungalingan.

Ako ay tinuruan ng tatay at nanay ko ng paggalang sa kapuwa at katapatan and I guess lahat tayo. Sinong magulang ang magtuturo sa anak ng masama? Meron pa nga tayong Panatang Makabayan at panalangin tungkol dito.

Ang paglaganap ng mga maling information at pekeng balita ay nakakabagabag na. Bakit may mga taong nagsasabi na makabayan at makaDiyos sila pero pilit na pinaghihiwalay, pinagbabangay ang mga pinoy. Bakit wala nang respeto sa isat isa.

Image result for MIRIAM SANTIAGO FIGHTING QUOTESImage result for MIRIAM SANTIAGO FIGHTING QUOTES

Ang nakikita ko lang na dahilan ay ang pera at kapangyarihan. Okay, sabi nga ni pipoy ay “weather weather lang iyan. .” isang pangangatuwiran na nagdyajustify ng panggagantso, pagnanakaw, pagsupil sa karapatan ng kapuwa, pagpatay as sagot sa krimen hindi ang cause ng krimen, incompetence.. at dadagdagan pa ng “maghintay kayo ng susunod na halalan para kayo naman.. “ It encourages hatred, revenge at division.

At ang pinakamatindi ay yung gagamitin ang Diyos to justify wrong deeds. Bible quoting senators and government officials, pero puro katiwalian at pagsuporta sa mga maling patakaran ang ginagawa. Pati na ang pagpatay in the name of drug war, at ang death penalty.

When can we show that we are civilized, educated, respectable and Godly people?

“Make money your God, and it will plague you like the devil” — Henry Fielding

 —000—

“For the love of money
People will lie, Lord, they will cheat
For the love of money
People don’t care who they hurt or beat
For the love of money
A woman will sell her precious body”- the O’Jays

Advertisements