TRASH

Pinuna ko ang aming Janitor (ibang lahi) kung bakit tuwing makalawang linggo lang niya kinukuha ang trash sa aking room. Biniro ko pa na namamaho na ako at natatabunan ng mga basura dahil tagal bago niya kunin.

Ang basura ko ay mga papel, mga shredded na dokumento, balutan ng tinapay, coffee, candy at ilan pang mga normal na makikita sa isang opisina. Umaapaw na talaga pag kinuha niya buti na lang nasa ilalim ng aking mesa.

Image result for overflowing office trash can

Habang kinukuha niya ang basura at pinapalitan ang liner, sinabihan ko siya, “don’t wait for the trash can to overflow, you collect 2x a week or weekly, I can see you just loitering around, no work so why can’t you do it more often.. “

Sagot niya, “I follow my schedule, every 2 weeks..”

Image result for indian office janitor

Pakli ko na medyo iritado, “you should empty my trash can more often, I don’t want it overflowing, okay. Next time, I will complain to HR. I am just being kind because I know you need a job, but you must do your job.. keep the office clean.”

Sagot niya, “Okay Sir, no problem. Your office, no more full trash can. I will make sure.”

Bumalik siya after 10 minutes, at kinuha ang aking trash can. Pinalitan niya ng mas malaki (halos doble), ang aking trash can.

“Now Sir, it will be not full when I collect.”

—000—

“Distracting my work but I can’t make a stop
And my confidence on and my confidence off.
And I sink to the bottom and rise to the top
And I think to myself that I do this a lot.”- Avett Brothers

Advertisements