FOREX

Nakuha ang attention ko ng sinabi ng isa kong kaibigan na me kakilala siya na tuwang tuwa sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Gumaganda na raw ang ekonomiya ng Pilipinas at lumalaki ang pera nya in terms of peso. (Habang sinusulat ko ito ay US$ 1: Php 50.40 na ang palitan mula sa US$1: Php 46.54 in September, 2016. At me mga forecast pa na it will go down as low as US$1:Php 52.00)

capture

While OFWs maybe rejoicing dahil mas malaki ngayon ang palit sa kanilang dollar, this is somehow a selfish attitude kung di natin aalamin ang epekto nito sa ating bansa. And let me emphasize that I am not implying anything about the current political at behavior ng mga tao sa ating bansa, ang awayan, kasinungalingan, patayan, murahan.. just simply laying down the facts para maunawaan natin kung ano ang posibleng mangyayari.

Walang nakikitang direksyon na bababa ang palitan dahil sa pagbaba ng ating exports at tayo ay heavily dependent sa imports. Mahilig sa orig daw o made in tate. Although tumaas ng bahagya ang exports noong 2016, pero ito sa unang 4 na buwan lang at unti unting bumaba sa patapos ng taon. Dagdag pa dito ay ang export ng mineral at tropical fruits ay apektado ng mga kilos ni Lopez at Mariano. Ang tanging mataas pa rin ay ang Semiconductors. Me mga kaibigan ako sa industriya na nalulungkot dahil ang mga planong expansion ng kanilang kompanya ay nahold ng Head Office nila sa ibang  bansa dahil sa uncertainties ng pamahalaan. Una itong naranasan noong panahon ni GMA. Nasa pinas pa ako noon.

Ang direksyon ni US President Trump ay ang proteksyonan ang kanilang ekonomiya at dyan nagpipigil ang mga pamumuhunan sa BPO at dagdag pa na ang ating pagbabangko ay nagbabadya na magtaas ng interest rates.

Read: http://www.cnbc.com/2016/09/27/philippine-peso-hit-as-president-duterte-woos-china-russia-continues-crime-crackdown.html

Ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay tumataas, ang ating ibinabayad ay dolyares.

Ang budget ng gobyerno ay tumaas, saan nila ito kukunin. Read:  http://www.rappler.com/move-ph/issues/budget-watch/145988-proposed-2017-national-budget

Nagbabadya ang pagpapataw ng buwis sa mga bibilhing sasakyan, sa produktong langis, dagdag na kontribusyon sa mga SSS members, at marami pang iba para maisaklaw sa tinatayang budget deficit. O kaya ay dagdag utang sa ibang bansa.

Ang tanging liwanag na nakikita ay ang pagganda ng Agrikultura, ngunit ang kalaban ay ang mother nature. Isang hagupit lang ng mother nature, saglit na mawawasak ang sinimulan sa Agrikultura.

Walang sustainable na pagunlad sa ibang industrya, maliban sa funeraria.

Kung mawawala ang mga bagong pamumuhunan, at ang BPO ay babagsak, lalong hihina ang palitan ng piso at ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa ating local na ekonomiya.

Tandaan na ang ibinabayad natin sa pagkakautang ng gobyerno sa ibang bansa ay dolyares, madadagdagan ang bigat ng pasanin.

Magkakaroon ng inflation. Iyong 100 piso mo ngayon ay baka next month 50 na lang ang buying power

Sa pagtaas ng presyo ng langis, kasunod ay ang pagtaas ng mga bilihin, pamasahe, kuryente, tubig, pagpapalibing, pagpapabinyag, pagpapablessing, atbpa. Magdidemand ng dagdag sahod ang mga manggagawa, para mapag-agdong ang kinikita ngayon sa pagtaas ng mga bilihin. Magrereklamo ang mga employers, tataas ang cost ng production, malulugi, me magsasara, and so on.

Image result for philippine economy

Samantala, patuloy ang bangayan, puwersahan, posisyonan, akusahan, paggawa ng mga fake na balita, pagmumurahan saan mang panig ng lipunan.  Wala nang pagkakaisa ang mga pinoy. Nagbubunyi sa pagmumura, pagpatay at pagtatalo talo, Nakalimutan na ang pagpapaunlad ng sarili, pagsunod sa batas, pagtulong sa kapuwa, at kung sino pa ang malakas maglagay ng religious posts at strongly profess their pananalig sa Diyos, siya pa ang share ng share ng mga fake news, pagmumura at katuwaan sa mga pinapatay.

Ang kaunlaran ay hindi nakikita sa pera, sa popularidad, sa power o sa dami ng tagasunod.

Ito ay sa pagiging tao.

Once and for all, ipakita natin na ang mga Pilipino ay humans.

—000—

“Ang nagsasabing ayaw gusto
Ang sinungaling ang totoo
Ang oo hindi
Ang wasto ay mali
At ang magkakampi
Ay magkatunggali

Natupad, nagwagi
Pagbabagong mithi
Ang wala nang budhi
Ay normal”

– Gary Granada