NOBENTA Y SINGKO

Noong summer vacation ko after ng Grade IV, sinubukan ko gayahin ang ibang bata na magtinda ng tubig sa tren. Nakikita ko kasi sila na maraming pera dahil sa pagtitinda. Ang isang boteng tubig noon ay 5 sentimos, at napakalaking halaga na ng piso.

Image result for hondagua train

So, linis ng bote at iswan na pantakip. Di ako nagpaalam kay Tatay dahil ayaw niya akong magtinda. Tinda ako ng “ay tubig dyan, tubig” sa biyaheng Bicol ng alas 11:30 ng umaga at dali-daling umuwi para sa tanghalian.

Image result for selling water in train
Paguwi ko, nag-aabang na si Tatay sa akin dahil nalaman niya na ako ay nagtinda. “Di ba sabi ko sa iyo ay huwag na huwag kang magtitinda sa tren? E kung madisgrasya ka? Huwag mo nang uulitin ha! Kundi makakatikim ka sa akin. Magkano ang napagbilhan mo?”

“Nobenta y singko po!” sagot ko. Malaking pera na iyon nung panahong iyon. Kasi makakabili na iyon ng isang katay na isda (P 0.50) at kalahating supang bigas (P 0.25).

“Ah, malaki rin pala. Hala, ibigay mo lahat iyan sa Nanay mo, ” ang utos ni Tatay.

Punta ako ke Nanay at ibinigay ko ang napagbilhan ko ng tubig.

“Bakit singko lang ito? Narinig ko sabi mo sa Tatay mo Nobenta y singko ang benta mo? ang usisa ni Nanay.

“No benta kundi singko, Nanay. Pag sinabi ko singko, mapapalo ako ni Tatay. Nagpainit ako tapos singko lang benta. Kaya sinabi ko ay Nobenta y singko. Di naman niya inintindi.”

—000—

“Will you make us laugh, will you make us cry?
Will you tell us when to live, will you tell us when to die?
I know we’ve come a long way, We’re changing day to day,
But tell me, where do the children play?”- Cat Stevens

Advertisements