Quo vadis pinas?

One day, my office mate asked me if he can come to my house in the Philippines even if I am not there. I live in a tourist city in the Philippines and to save on expenses, he asked if they can be accommodated in my house for just one night once they are in our city. I told him sure, my wife and the children are there. I will just inform them to welcome my friend and his family and ask them to call me when he contacts them.

He was so excited, because he was one of those few who availed of plane ticket encashment for him and his wife. Our company announced earlier that those who are going on vacation can have the option of getting their plane ticket money and book their own flight. A week after he got the money, this previledge was stopped by the management. What is good is that the company will issue the amount of SR 3,800 for the ticket, but, having good connections, we can get as low as SR 2,740, giving us extra SR 1,060 in going home.

My friend got a SR 3,200 ticket and sent his wife a month before his vacation. Then he booked himself for March 21 flight and return on April 26. He was told that he has to wait since the timing is at peak demand for flight to Philippines being vacation and Holy Week at the same time. He focus on work so he will not notice the days going by. On February 28, a friend who happens to place booking on the same travel agent called him to inform that the guy ran away with the plane ticket money of about 20 persons. These 20 persons do not mean 20 persons, but most of them booked tickets to include their families, so, the total bookings could have been about 60 persons. At SR 3,200 that is already SR 192,000 or about P 2,200,000 already a big sum.

The sad part is that the travel agent is a Filipino who claims he is the cousin of Jinkee Pacquiao. And the glaring part of the guy’s thievery is that all of those whom he cheated came from Luzon. The thief is from Surigao, neutralizing the possibility of being traced or rounded up.

All of them relied on trust to the guy, who spoke sweetly to them, leading them not to demand receipt for their payment. The robber told them no receipt, but the ticket will be issued to them. True enough, my friend’s wife has already gone home through this robber. When they complained to the Travel Agency Manager, they cannot pursue the case since they don’t have proof that they paid the robber.

I feel sorry for my friend, and felt a gnashing of my teeth, blood rushing to my head on that robber.. a fellow Filipino. Of all the things I hate are cheating and robbing. The very same reason why I left my company in the Philippines after bringing it up to being the top in its industry.

When can we become a nation of honest people?

—-00000—-

“Or maybe we could heal the world today. Or maybe, you know, something, I don’t, if you do then
Tell me. Where do we go from here. Where do we go from here. God only knows.” – Chris Rene

Advertisements

Bakit tayong mga pinoy ay ganun?

Nagtataka lang ako  sa ating mga pinoy, sa ating kultura, sa ating pakikipagkapuwa tao. Bakit marami sa atin ang gustong saktan o lamangan ang kapuwa pinoy? Iconsider pa natin na tayo ang pinakamalaking bansan na Kristiyano sa Southeast Asia, at ang panlalamang o pananakit ng kapuwa ay isa sa mga ipinapangaral na di dapat gawin ng mga Kristiyano.

Despite the fact na maraming mangangaral ang naglipana at nangangaral ng mabubuting gawa, tayo ay patuloy na nakikipagaway, nakikipagdiskusyon, nakikipagbangayan, sa kahit na maliliit na bagay. Lalo na sa panahon ngayon na ang komunikasyon ay napakalawak na. Sa mga diyaryo o babasahin na lang na nasa internet, kung ating mapapansin, ang mga comments at the bottom of a news, or an article ay talagang makikita mo na kulang na lang ay magsakalan o magsuntukan kung ang mga ito lang ay magkakaharap. At di lang pampulitika ang pinagtatalunan natin, maging ang mga bagay na natutungkol sa showbiz, sa sports, sa religion, ay napakatindi ng sagutan, nagiging sarcastic na at nasa punto na ng barbarism (in high tech sense nga lang).

Tayo ay very fond of calling people names.. wala tayong pinapatawad.. maging Presidente.. Tabako, Pandak, Abnoy o iba pang personalidad ay binabansagan natin. Ang tanong, iyong nagbabansag ba ng mga ganyang panlilibak na pangalan ay mas may magagawa sa pagunlad ng bansa? Kaya ba nila na magpatakbo ng gobyerno? Ang bottom line kasi sa ating mga pinoy ay kung saan tayo makikinabang, kung sino ang me pera. Pansinin natin sa mga komentaryo, iyong mga kampi kunwari kay GMA, kitang kita natin na nakikinabang sa mga katiwalian at kalakaran ng delihensiya na naiimplant nung panahon ni GMA. At ngayong nililinis sila ni PNoy, umaalma dahil mawawala ang delihensiya nila.

Maging sa eskuwelahan, instead na ang ipromote ay ang pagkakaisa, ang nagiging prevalent ay ang paglalaban laban. Sa mababang paaralan, maging ang mga magulang ay walang ninais kundi ang mag top ang kanyang anak, to the extent na gagamit ng power, money at impluwensiya. Ano ang natutuhan ng mga bata, ang maging no. 1 siya at all cost, kahit na maraming natatapakan. At the end of every school year, para lang masatisfy ang iba, sangkatutak na award ang ipinamimigay. Isang eskuwelahan ang nakita ko ang program, ang awards na ipamimigay nila sa mga bata ay 240 lahat lahat. NKP pa lang ang eskuwelahang iyon, at ang population ay wala pang 50. Aba e bale almost tig 5 award bawat bata. Best in Math, Best in English, Most Courteous, Most Obedient, kulang na lang bigyan din ng Best in Smiling, Best in Sleeping, Best in Walking. This brings our values to the pit. Bakit di na lang sa Academic magbigay ng award, and consider everyone ay Obedient, Courteous, Loyal. I agree, it is to motivate the students, but psychologically, hindi tayo succesful by doing this. What we promote is mediocrity. Bumababa ang level ng standard ng mga bata. They don’t really strive for excellence, kasi feeling nila, maging masunurin ka lang, maging maaga ka lang pumasok kahit tulog ka na sa klase maghapon, maging palabati ka lang, me award ka na. How about your learning?

Isa pa ang mga TV program natin. One of the personality na di ko gusto ay itong si Vice Ganda. He/she promotes pangiinsulto sa kapuwa. It is worse than the slapstick comedies of Pugo-Tugo, Dolphy-Panchito (they have graduated from this and have proven as first class comedians), Teroy-Aruray. Noong panahon ng mga iyan, marami ang pumupuna na ginagaya sila ng mga pinoy, nambabatok, nananapok. E ngayon, lalo tayo nananakit ng kapuwa sa pangiinsulto, dahil ito ang kinokonsidera natin na IN.

Let us be the pinoys of yesteryears. May pagkakaisa. May paggalang. May pagmamahal sa bansa.. at sa kapuwa Pinoy. Hindi naghahangad na makasakit sa kapuwa pinoy. Hindi naghahangad na manlamang. Pinapaunlad ang sarili na walang tinatapakan o nilalamangan.

At nagpapaunlad ng sarili di para sa sariling kapakanan… kundi upang di maging pabigat sa kapuwa.. kundi makatulong at maging inspirasyon.

—–0000—–

“Tell me why then, oh why should it be that we go on. Hurting each other. We go on. Hurting each other. We go on. Making each other cry. Without knowing why.” The Carpenters

Dami lahi. Dami lengguahe. Dami kulay. Iisa sakripisyo.

I was waiting for the guards to call me para makaakyat ako sa office ng aming customer na nasa 12th floor. The building is high, matindi ang security at sa lobby pa lang ay maiimpress ka na. I was sitting down for already 30 minutes when the guard called and informed me that I have to wait for another 30 minutes since my contact person is still in a meeting according to his secretary. Yes, dito sa bansang ito ay usong uso ang secretary, mga lalaki nga lang. Mapapansin mo rito kapag ang amo ay hindi Amerikano, o British, o Japanese o Chinese, at isama mo na ang Pinoy, tiyak na me secretary iyan. Meron pa ngang isang particular na lahi dito na bigyan mo lang ng mesa at upuan, manager na ang palagay sa sarili, amo na. Maguutos na ng maguutos iyan. Dito kasi ang concept ng pagiging manager ay amo.. wala nang gagawin kundi magutos.

Well, I told myself better have chaii (milk tea sa pinas, ngayon lang nauuso, at ang mamahal pa, e dito eversince ay 1 riyal lang) and a croissant, di rin lang ako nagbbreakfast pa. Before I got to the concessionary sa lobby, I noticed 2 Indian men. Mga mid 50’s na sa tingin, na nagpapahinga sa lounge intended for patrons ng concessionary. Apparently, these two indians ay nagdeliver ng office supplies at pagod na pagod na naupo muna roon. The cashier shouted at them to leave, “you no sit there, you no buy here, so no sitting down.” The irony is that the cashier is also an Indian. Kalakaran na kasi sa kanila na pag medyo nakakataas ang position ay maninigaw na (of course me exception naman). E pakiramdam nung cashier-shopkeeper ay napakataas na niya doon sa dalawa.

Tinanong ko ang cashier-shopkeeper what would make them allowed to sit, because they looked so tired. Sagot niya, “they buy me here, they sit.” I did not know what drove me to do it, but immediately, I ordered for 3 chaii and 3 croissants, and I called the two indians, and told them to get the chaii and the croissant. They were so happy, and I sat down with them while partaking the coffee and the croissant.

Nagkuwento na ang isa. Helper daw sila sa isang office supplies trading company, sumasahod ng 800 riyals which is equivalent to 10,000 rupees. One has 4 children while the other has 3. Mahirap daw ang buhay sa kanila, and both are working here for 12 years already.

I was thinking, here are two old men, nagtitiis na malayo sa pamilya. Nagtitiis ng init, ng lamig, para lang mabuhay ang pamilya. Iyong isa ay graduate daw ng Engineering Technician, ewan kung ano iyon, ganun kasi mga Indian, 2 years course ay Engineer na, me subject lang na Chemistry ay Chemist na. The other is 3rd year high school. Maayos daw naman ang accommodation nila at pagkain (dito kasi walang problema sa pagkain basta di ka pihikan). Ang ikinalulungkot lang nila nga ay lumaki ang anak nila, na di nila nakasama. Iyong isa ay 3rd year college na ang panganay, while iyong isa ay 4th year high school pa lang. At tulad ng nakararami na nagtatrabaho dito, both dream of going home for good once na napagtapos na nila ang kanilang mga anak.

Pilit ang tawa nila sa akin at nakikita ko ang lungkot na tulad ng nararamdaman ko sa kanila. Nagpasalamat sila ng todo ng umalis.

By the way, the older one is 48 years old, while the younger one is 46 years. Mukha lang silang matanda dahil sa hirap na dinaranas nila sa paghahanapbuhay, sa paninirahan sa ibang bansa, sa pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Different race. Different nationality. Pero iisa pangarap. Iisa ang pagsasakripisyo.

—-00000—-

“In dreams we do so many things, We set aside the rules we know. And fly the world so high. In great and shining rings. In the real world
There are things that we can’t change. And endings come to us. In ways that we can’t rearrange.” (Roy Orbison)

Fren, fren, ebriwer…

Last night, ang isa kong kasamahan sa work hitched a ride home kasi meron daw siyang ikukuwento na kabalbalan at pandaraya sa kompanya. Kalapit lang ng flat ko ang flat nila kaya sumasabay siya paminsan minsan sa akin. Habang daan ay nangagalaiti siya sa mga pinaggagawa ng ilan naming kasamahan dito. Katulad ko siya na gigil sa mga taong mandaraya, magnanakaw at mapagsamantala. But hindi diyan ang topic ko ngayon.

He asked me to go directly sa bayan, sa Ilongga Restaurant, dahil gusto raw niya ng La Paz Batchoy for dinner, ako naman kako ay gulay lang. (Me libre na advertisement ang Ilongga restaurant sa akin a). So, I drove straight to town, trying to catch the restaurant na bukas pa. Kasi mag sasalah na (prayer time) and kapag salah ay closed lahat ng establishments, negosyo, lahat ng activities, for 30 minutes (last salah for the day iyon kaya the longest prayer time). We got there in time, kaya lang wala akong matagpuang parking space. So, ikot uli kami, pero ayan na sumigaw na ng “Allah O Akbar” (God is great), nagsara na ang restaurant. I found an open space at nakita ko na maraming nakapark. So I drove there and swerte ng lahat ng swerte, ito pala ay bagong tambak ng buhangin (the desert sand type).. lumubog ang gulong sasakyan ko, nabalaho.. it’s a sedan kasi, di naman 4-WD. So, baba kasama ko at try niya itinulak sabay ng paatras ko. Waah (apologies to Sen. Miriam) epek. Lalo pa lumubog. Nabalaho na.

An Egyptian couple ay nasa loob ng kanilang Toyota Prado at lumabas si lalake, sinubukang magtulak. Hindi rin umobra. He went away na nung di puwede. Ginawa ko, kinalkal ko ang buhangin na nakaipon sa me gulong, ganun din ang kasama ko. Then, we tried again, umusad ng konti pero lubog pa rin. The Egyptian came back, specifically to help us, inihatid lang ang asawa, and told me na hihilahin ako pero wala siyang lubid. He told me I buy lubid pagbukas mga tindahan after the salah.

Then, an Indian national came and after looking at the situation, went to his flatbed truck and came back with a piece of big rope. Bigla me lumapit sa aming dalawang Yemeni (Yemenis looked like Saudis) at sabi ay tutulong sila for 20 riyals each. I told him, I need help, I cannot pay. Besides, my new found friends are already there. Mapilit si Yemeni, inaagaw sa akin ang lubid habang ito ay itinatali ko. Siya na raw. Di ako pumayag. Tapos nung maitali ko na, gusto pumasok sa driver’s seat at siya raw magdrive, e nakita pala ni mokong ang cellphone ko sa upuan. Nung di ako pumayag, nagalit. “You ask help. I help. You don’t want.”

Pinaalis nung Egyptian ang Yemeni at nahila ng kanyang sasakyan ang aking sasakyan. I thank them and told that God bless them for their good deeds.

Truly, when you are in need, God will send you people to help you. Irregardless of lahi, kulay, o language. And friends are around us everywhere. They come to help you when you are in need, to laugh with you when you are happy, and to share when they have something to share.

By the way, isang Pinoy ang lumapit sa amin at tinanong ako, “Nabalaho ba kayo sir?” Sinagot ko, “oo, di ko alam na bagong tambak pala ito.”

“Aaahh..” he remarked. Then he went away.

—-00000—-

“Don’t choose your friends by the way they look. Let how they act be your guide. They might wear goofy clothes
Have big feet. Be too tall. With buck teeth. But they might be just as neat as can be” (Caroline Figiel and Danny Jones)

Pagtulong? O paggulong.

Noong bata pa ako, nakitaan na ako ng tatay ko ng pagiging altruistic. Hindi autistic ha. Iyon bang uunahin ko pa ang kapakanan ng iba kesa sa akin. At di naman sa pagmamayabang, nadala ko iyon hanggang paglaki. I would not divulge what I am doing to help others. Let it be mine and God only.

Pero ang aking gustong tumbukin dito ay iyong mga pagsisikap ng iba na tumulong sa kapuwa by setting up organizations na ang hangad ay magsilbi o tumulong nga sa kapuwa. I know of some groups na natatag dahil diyan. But, ang akin lang puna at una una kong iminungkahi sa group ay ang pagkuha nila ng legitimacy. Iparehistro sa SEC o sa anumang sangay ng gobyerno na nagkokontrol nito upang maging legal at legitimate ang kanilang samahan. Bakit ko ito iminumungkahi. Kasi, kung legitimate ka, meron kang magiging Constitution and By Laws na attested at legalized by the government. Me kakayahan ang samahan na anuman ang mangyari meron silang matatakbuhang batas na maglilinis o magaayos ng anumang gusot na mangyayari. Tanggapin na natin na kahit na anong pagkakaisa pa ang sabihin ng isang samahan, darating ang panahon na magkakaroon ng gusot. Isa pa, merong matatalagang pamunuan ang grupo na siyang itinakda ng nakakarami at empowered ng kanilang Constitution and By Laws.

Okay, pasok naman ang mga layunin at paraan para matupad ang layunin. I hate to say it, pero sa ating mga pinoy, talamak ang mendicancy. Ang panghihingi. Ang palaasa. Ano ba ang layunin natin? Matulungan ang ating mga kababayan, kabarangay, katugang, kakosa, atbpa. Paano ba ang tamang pagtulong? Long term dapat ang pananaw. Hindi ang panandalian. Okay, magsasagawa tayo ng isang Feeding Mission, Optical Mission, Dental Mission, magpapacontest, magpapakanta ng mga artista, magbibigay ng mga laruan, gamit, etc. But again these are panandalian. Pagkatapos ng mga ito, anong mangyayari sa ating mga binigyan? Balik sa paghihintay ng susunod na mission.

Come to think of it, iyong mga ipinamimigay nating pagkain, laruan, gamit.. hindi ba malaking halaga na iyon. Kung ang ating tingin ay hindi makabili ang ating mga kabarangay, kababayan, katugan, etc, ang tingnan natin ay kung paano sila magkakaroon ng pambili. We are short cutting the process e. We are not helping them and the whole community. That is economics, you know. Ang perang pinambibili ng mga gamit, laruan, etc na ito ay bakit di natin gastusin upang maturuan silang maghanapbuhay. Para magkaroon sila ng pambili. At para makabili ng mga gamit, laruan, etc at masustenahan ang mga pabrika na gumagawa ng mga ganitong produkto.

I have often told one group over and over again na ang aming paghandaan ay ang long term na solution. We are promoting mendicancy with this. Lalong nagiging palahingi ang mga kababaryo namin.

Isa pa, hindi ko kayang tignan ang mga kapwa ko Pilipino, no matter how poor they are, na PUMIPILA at NAGSISIKSIKAN para maabutan ng isang bowl ng lugaw o noodles at isang basong juice. It is the height of making them look miserable. Oo nga, nakakatulong tayo. Sasabihin natin na nabusog natin sila at me ngiti sa kanilang labi. Pagalis ng grupo, anong mangyayari na sa kanila? At isa pa, bakit natin ipopost ang mga donasyon sa FB. Bakit natin ilalagay pa ang mga photos na nagpapakitang tayo ay namimigay ng mga gamit, etc. Hindi na kailangan iyan. That is pamumulitika. That is pagpapasikat. We are putting those we are helping into a more miserable and helpless condition. Inaunder natin sila. We are trampling on their dignity. We are making them virtual slaves sa paanan natin. THAT IS NOT CHARITY. Aminin ko. Nagdugo ang puso ko at ako ay labis na nalungkot ng makita ko sa FB ang letrato na nakapila ang mga kababayan ko. It is really disgusting. They are the kababayans that I love. They should not be treated like that.

Alam na alam naman natin ang kasabihang “Give a man a fish, and he will eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for a lifetime.” Hindi ko na kailangang ipamemorize iyan.

Iyon pang magisponsor ng mga artista o mga contest contest. Merong talagang committe ang barangay o ang bayan para diyan. Pinaghahandaan nila iyan. Bakit natin aagawin ang opportunity na sila ang mamahala sa mga iyan. Let the Comite de Festijos o ang Sangguniang Barangay na gawin iyan. Isang araw, hindi na nila iyan gagawin at iaasa sa iba. At papaano kung dumating ang panahong iyon na wala na nagdodonasyon?

Maging malikhain tayo. Inventive. Creative. Think of ways how to help them in ways that they will be respected and maintain their dignity. Maraming magagawa na pagalalay sa kanila. Huwag nating kawawain ang ating mga kababayan, in the guise of charity. Kung tayo ay nakakaangat sa buhay, iangat natin sila. Hindi ambunan.

Okay, me exception naman. Kung sinalanta ng bagyo, binaha, nagkaroon ng kalamidad. Then that is okay. Because that is called for at that moment. Sa sitwasyon iyon kailangang kailangan. They need relief. Kaya nga ang tawag ay Relief Goods e. Pero after that, alalayan na sa pagbangon.

When I visited my hometown last year, more than half of bumati sa akin ay ganito ang linya “ambunan mo naman kami ng blessings mo, mamigay ka naman.” Which is bad. Naging habit na ang manghingi. Hindi ang magsikap.

Let us help by teaching and leading them how to magsikap.

And let us help anonymously. Hindi natin kailangang ipagsabi iyan.

—-00000—-

“Does anybody hear her? Can anybody see? Or does anybody even knows she’s going down today. Under the shadow of our steeple. With all the lost and lonely people. Searching for the hope that’s tucked away in you and me. Does anybody hear her? Can anybody see? She is yearning. For shelter and affection. That she never found at home.” (Casting Crowns)