TAPON PA, PARA ME TRABAHO ANG IBA

I went to a project site visit with an Instrument Engineer na ibang lahi. The visit and technical discussions were smooth and we left the site with full understanding ng project.

Dumaan kami sa isang gas station para bumili ng makakain sa Bakalah. Bakalah ay sari-sari store ang katumbas sa Pinas.

Kinain naming ang binilin naming pagkain sa loob ng kotse, at nang makatapos na siya ay initapon niya ang mga balutan pati na ang lata ng softdrinks sa labas ng sasakyan.

untitledw

Sinabihan ko siya na hindi maganda ang pagtatapon ng basura kung saan saan lang. I showed him the plastic bag na pinaglagyan ko ng balutan ng aking kinain at bote ng juice na aking ininom.

untitled

Sinagot nya ako ng “If I will not throw garbage, my countrymen may not have anything to clean and may lose their job. This is my way of helping them.”

Sige, tapon pa more para me trabaho kababayan mo.

—000—

“Remember the heroes / Who fight for the right to choose / We’ve all got a lot to lose.”- Sammy Hagar

Read More: Top 10 Patriotic Songs | http://ultimateclassicrock.com/patriotic-songs/?trackback=tsmclip

FOREX – a PROGNOSIS

Nakuha ang attention ko ng sinabi ng isa kong kaibigan na me kakilala siya na tuwang tuwa sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Gumaganda na raw ang ekonomiya ng Pilipinas dahil kay Duterte at lumalaki ang pera nya in terms of peso. (Habang sinusulat ko ito ay US$ 1: Php 50.40 na ang palitan mula sa US$1: Php 46.54 in September, 2016. At me mga forecast pa na it will go down as low as US$1:Php 52.00)

capture

While OFWs maybe rejoicing dahil mas malaki ngayon ang palit sa kanilang dollar, this is somehow a selfish attitude kung di natin aalamin ang epekto nito sa ating bansa.

Walang nakikitang direksyon na bababa ang palitan dahil sa pagbaba ng ating exports at tayo ay heavily dependent sa imports. Mahilig sa orig daw o made in tate. Although tumaas ng bahagya ang exports noong 2016, pero ito sa unang 4 na buwan lang at unti unting bumaba sa patapos ng taon. Dagdag pa dito ay ang export ng mineral at tropical fruits ay apektado ng mga kilos ni Lopez at Mariano. Ang tanging mataas pa rin ay ang Semiconductors. Me mga kaibigan ako sa industriya na nalulungkot dahil ang mga planong expansion ng kanilang kompanya ay nahold ng Head Office nila sa ibang  bansa dahil sa uncertainties ng pamahalaan. Una itong naranasan noong panahon ni GMA. Nasa pinas pa ako noon.

Which led me to give forecasts on Duterte presidency.

Sumikat si Duterte dahil maunlad daw ang Davao, tahimik daw at walang corruption.

No. Sumikat siya dahil sa kanyang ampaw na kayabangan at manipulasyon ng trolls na ginastusan nina GMA, Erap, Imelda Marcos, Enrile, pagsamasamahin mo nga corrupts na gustong magpatuloy sa kanilang pagnanakaw. Una na si GMA na dahil naunsyami ang ZTE deal niya na nakapagdown na kay Mike Arroyo, pipilitin nila nitong maipasok sa bansa.

He became famouse because of his bragadoccios like Jetski, 3-6 months eradication of drugs,

  1. Walang matinong economic policy si Duterte, mangungutang para sa mga projects niya kuno, pero 80% ay pupunta sa bulsa at alipores niya.
  2. Tataasan ang tax particularly ang excise tax, ang gasolina hanggang P15 / liter, at dahil na rin sa puro utang sa end ng term niya malamang mga P80 / liter na ang gasolina (P38 ng maupo siya)
  3. Mawawala ang agrikultura dahil napapaligiran siya ng mga buwaya na susulsulan siya na magimport na lang. Ang worrisome dito ay baka mangyari yung noong kay Marcos na golden kuhol na itinanim ng mga intsik para mabenta ang kanilang pesticide. Baka ibang virus sa baboy at manok at sa palay at ibang produkto ay tataasan ang presyo ng inputs tulad ng fertilizer para tumaas ang cost of production, ergo, mas mura ang imported (hello Ignacio Go, Villar, Hernandez-Sy).
  4. Dami ipapangako tulad ng di na kailangang magabroad pero wala namang trabaho dahil:
  5. mag-aalisan ang mga foreign companies
  6. ang BPO ay babagsak dahil papatawan ng tax
  7. mawawalan ng trabaho ang mga pinoy dahil mga intsik ang uunahin bigyan
  8. Matutuloy ang Kaliwa Dam, ang pagtatayo ng mga towers sa kampo ng militar, pagdagsa ng chinese on line gaming, ang ating karagatan ay ipapamigay sa intsik
  9. Failure ang drug war kasi aalisin lang niya ang mga kalaban sa drug trade.
  10. Magpapakulong ng mga kontra sa kanya before, gagawa ng bogus na kaso, among them ay sina Trillanes, De Lima, Carbonnel, Hontiveros, Drilon. Si Cayetano at Escudero ay babaligtad end of this year.
  11. Marami mawawalan ng trabaho dahil sa pagalis ng mga kompanya – semicon lilipat sa Vietnam, ang Mitsubishi, Isuzu at Honda lilipat sa Thailand, Shell o Petron ay isasara ang manufacturing, tatargetin ang SM, Rustans, Robinson (pero di siya magtatagumpay), ganun din si Lucio Tan.
  12. Iiextend ang validity ng mga certificates at licenses tulad ng PRC, Driver’s License, Passport, etc.. tuwang tuwa ang mga uto-uto dahil akala nila ito ay pabor sa tao. Hindi ito pabor dahil inuubos ni Duterte ang budget, para wala na masingil ang susunod na administration.
  13. Marami ang mamamatay sa drug war, papasok kasi ang DDS. Ito ang responsible sa mga pinatay sa Davao for petty crimes as snatching, holdup at pandurukot.
  14. Marami ang ipapapatay sa journalists, abogado, local officials dahil kokontra sa kanya.
  15. Ipapasara ang either ABS-CBN or GMA, pero malamang ay ABS dahil ito ay kay Lopez – kalaban ni Marcos na idol ni Duterte. At isa sa mga kritiko ni Duterte. Marunong lumaro si Felipe Gozon.
  16. Gagayahin niya si Marcos na magpapatayo ng maraming tulay, buildings etc, pero sa papel lang ito para makapangutang. Mayroong 192 big infrastructure projects si PNoy at matatapos ang 60% nito sa termino ni Duterte. Sasabayan ni Duterte ng utang at 70% dito ay pupunta sa kanya at alipores niya, sasakay siya sa matatapos na proyekto ni PNoy na kunwari doon ito ginastos, halimbawa: Panglao Airport, LRT expansion, CLEX, Cebu Cordova Link, atbpa. Tantiya ko kung may project man si Duterte mga 20% lang matatapos, kasi baka kulangin ang ibubulsa.
  17. Fiscal sustainability, o tinatawag na utang vis percentage of gross domestic product (GDP) ay napapaba ni Pnoy sa 44.8% by 2015 and nakawala tayo sa foreign debt, ay mababale wala dahil baka umabot sa Trillion ang utang ng bansa pagkatapos ng termino ni Duterte.
  18. May mga crony si Duterte na magkakaroon ng ownership through Duterte sa Telecom, Utilities, Petroleum at Infrastructure.
  19. Sa Basic Commodities, gagamitin niya ang lumang strategy ng mga politiko, ang bigas at sardinas pero ang makikinabang ay ang kaalyado niya. Bigas ang madaling ikontrol at karne. Tataas bigla ito. Halimbawa ng hula ko ay presyo by 2022. Sardinas – from P12 ngayon to P24, Manok – from P105 ngayon to P200, Baboy – from P180 ngayon to as high as P450, Noodles – from P5 ngayon to P12, Bigas from P25 ngayon to P45 (monopolized by his allies)
  20. Papalayain ang mga nakasuhan ng pagnanakaw sa gobyerno, di lang ako sigurado sa iba pero si GMA at Enrile ay sigurado.

Human rights violation will match or even more than Marcos.
Ang ating pagbabangko ay nagbabadya na magtaas ng interest rates even pagwithdraw sa ATM ay magkakacharge.

Magkakaroon ng inflation. Iyong 100 piso mo ngayon ay baka next month 50 na lang ang buying power

Buhay na buhay ang industriya ng Fake News – ang mga trolls na aimed at promoting also Bongbong Marcos at Sara or Bong Go. Magpapatuloy ang bangayan, puwersahan, posisyonan, akusahan, paggawa ng mga fake na balita, pagmumurahan saan mang panig ng lipunan.  Wala nang pagkakaisa ang mga pinoy. Nagbubunyi sa pagmumura, pagpatay at pagtatalo talo, Nakalimutan na ang pagpapaunlad ng sarili, pagsunod sa batas, pagtulong sa kapuwa, at kung sino pa ang malakas maglagay ng religious posts at strongly profess their pananalig sa Diyos, siya pa ang share ng share ng mga fake news, pagmumura at katuwaan sa mga pinapatay.

Ang kaunlaran ay hindi nakikita sa pera, sa popularidad, sa power o sa dami ng tagasunod.

Ito ay sa pagiging tao. Sana matuto ang mga pilipino pagkatapos ng rehimeng Duterte.

God bless us in this coming reign of the greedy.

—000—

“Ang nagsasabing ayaw gusto
Ang sinungaling ang totoo
Ang oo hindi
Ang wasto ay mali
At ang magkakampi
Ay magkatunggali

Natupad, nagwagi
Pagbabagong mithi
Ang wala nang budhi
Ay normal”

– Gary Granada