SELFIE SELFIE RIN PAG MAY TIME

Napataas ang kilay ko sa isang nabasa ko tungkol sa sermon ni Bishop Ted Bacani which I quote “We are selfish, this is what we need to do away with. [It’s all about] I, me, myself [like] those who keep on taking selfie photos,” ( http://www.cbcpnews.com/cbcpnews/?p=23108 )

Agad na reaction ko, ano bang definition ni Bishop Bacani ng “selfish”? Sang-ayon sa Meriam Webster, ang pagiging selfish ay “having or showing concern only for yourself and not for the needs or feelings of other people..”I guess, ang nasa isip ni Bishop Bacani ng mga oras na iyon ay ang pagiging “makasarili”.  Well, katayin natin ang definition ng selfish: “having or showing concern only for yourself” – puwedee.. but sa oras na ikaw ay nagsiselfie, di ba ikaw lang naman talaga iyon. Kinukunan mo ang sarili mo. “Not for the needs or feelings of other people”.. Tulad na nabanggit sa una, ikaw lang iyon di ba. Me ibang tao ba?

What I mean is, during the time na nagsiselfie ka, you are concerned only sa sarili mo, walang ibang tao. That means, iniexamine mo ang sarili mo kung paano mo ito ihaharap sa ibang tao. Ibang tao, upang sila ay matuwa sa iyo (nakapagpasaya ka), maencourage mo (nakapagpataas ka ng morale) or nahikayat mo sa iyong positibong pananaw (nakapagbigay ka ng pag-asa).

Going further, mayroon ding advantage ang selfie selfie. Ikaw ay nagiging immune sa mga taong nagtitake advantage sa iyo. Kapag ikaw ay kabaligtaran ng selfish, as what Bishop Bacani was implying, maraming tao ang magsasamantala sa kabaitan mo. And YOU ARE ENCOURAGING THEM na patuloy na maging mapagsamantala. Aww! Di ko gusto iyon. Nagiging masama pa ang ibang tao dahil sa aking altruism. Ang selfie selfie rin ay nagiging daan upang maenjoy mo ang gusto mong gawin. Hindi ka namumuhay sa shadow at standards ng ibang tao.

Of course sa pagiging makasarili, inilalayo mo ang iyong sarili sa mundo. Pilit mong pinalalaki ang sa totoo lang ay lumiliit mong mundo dahil sa pagiging makasarili.

Isang decision na napakahalaga sa selfie selfie na iyan ay ang nabanggit ko nga “living life how you want it, living life in your own terms, living life with GOD as our ONLY guide..” Kaya marami ang di makatagpo ng kaligayahan, dahil nga pilit na minomold ang sarili sa kagustuhan ng iba, sa pamumuna ng iba, sa utos ng iba, sa pananakot ng iba.

788023184814833899

Selfie is not being selfish. Come on Bishop Bacani. Kailan naging makasarili ang pagmamahal sa sarili? Pagmamahal sa sarili na nagbubunsod para maging maingat, masikap, makita ang mga kakulangan.. upang hindi maging pabigat sa iba.. upang di nagmamarunong sa buhay ng iba.

At higit sa lahat, nakahandang tumulong sa lahat ng pagkakataon, dahil nakita na ang sarili, kung gaano kalakas ang kakayahan… sa pagsiselfie.

Ang selfish ay iyong mamumuna ka ng buhay ng iba. Na pilit mong isinaksak ang iyong sariling panuntunan at opinyon sa ibang tao.

Selfie is showing RESPECT to oneself. It is not being selfish.

—000—

“There’s a whole lot of hearts breaking tonight. From the disease of conceit,. Whole lot of hearts shaking tonight. From the disease of conceit.” – Bob Dylan

Advertisements

F.U.

Marami ang paimpress sa workplace, particularly sa mga internal communications o maging sa external na rin. At ang madalas na medium to impress ay ang email.

Marami rin ang hindi nakakaintindi ng tamang pag-uugali sa email. Ilan sa naobserve ko sa aming kompanya:

1. Me magsisend ng mga kuwento kuwento at mga motivational tips daw sa company email when it is supposed to be a business email. Worse merong mga photos pa na motivational kuno.

2. Posting of jokes at offensive photoshopped na letrato.

3. Some people, ay di kayang dalahin ang anger or confrontation. In the heat of the moment, they bang out fiery (if not downright ugly) messages. Later, when they’ve regained their composure, these hotheads often regret what they wrote. Dami rito sa amin niyan. Nagaaway sa email. Worse, ang iba binibigyan pa ng kopya ang may ari ng kompanya. Parang nagsusumbong. Worst, pinapatulan naman at kinakampihan iyong nagsumbong.

4. Wrong grammar, wrong spelling.. ang dami rin.. nagpipilit magEnglish

5. Gagamit ng mga copy pasted na phrases at idioms kahit di angkop sa topic ng email, o kaya ay mga short cuts at abbreviations na di naiintindihan ang ibig sabihin.

6. Paikot ikot at pagkahaba habang explanation o pagdiscuss ng ibig sabihin, Halimbawa, magrereport lang ng isang aksidente sa planta, instead na sabihing “an accident happened while the overhead crane was running.. etc etc”. Ang isusulat ay “while I was doing the inspection on Area No. 2, and making sure that the employees are observing safety.. etc” Aabutin ng mga apat na paragraphs bago sabihin ang tungkol sa accident. Iyon ay para lang mahighlight ang ginagawa niya bago iyong accident.

7. Magni-name drop ng mga amo amo sa kompanya. Ilalagay na “upon the approval of my EXCELLENT recommendations to top management, the COO instructed me to inform you that ..”

8. Magpoforward ng isang email ng magandang recommendation/study/proposal/point o outstanding work, pero edited na, ikacut at wala kahit anumang trace ng original na nagsend ng email o ng author ng recommendation/study/proposal/outstanding work. Lumalabas na siya na ang bida.

Marami pang mga kabulastugan at kawalan ng etiketa ang makikita sa business mail ng kompanya.

Me isa kaming Manager dito who is fond of imitating what he thinks are good ways to impress others sa email. Pinulot niya iyong mga hilig ng iba na gamiting abbreviation, iyong ASAP, FYA at FYI. Makikita mo na madalas siyang magpasa ng email na ang inilalagay lang ay FYI – For Your Information at FYA – For Your Action.

Isang araw, sinugod siya ng isa naming mataas ang katungkulan (na wala ring alam) at nagalit sa kanya. Minura raw siya sa email. Isa pa rin kasi itong madalas gumamit ng FYI, FYA. He was overheard as saying “don’t F…K me on the email, I am one of the top officers here, you should respect me”

Sagot ni Manager, “I did not F…K you in the email.”

Sabi ni mas mataas na officer “open your email, and I will show you”

Binuksan at tinignan, “see this, you emailed me two letters..”

Ang nakalagay sa email ay “F. U.” Galit na galit si mataas na officer. “You F…K me!”

“Sir, F. U. means Follow Up!” na ang interpretation ni top officer ay F…K YOU!

Iyan ang napapala ng nagpapaimpress at di nakakaintindi ng email manners.

—000—

‘There are words that work like magic.  They’re words that you should say. Please, excuse me, thank you.  Try saying them today. ” – Marilyn Linford

ANO? IYAN ANG PANGALAN KO?

Birthday ko ngayon, September 11. Ilang dekada na rin ako sa mundo.

Pero paano ba naging Emilio ang pangalan ko?

Ngayong panahong ito, makikita natin na ang usong pangalan ng mga bata ay iyong dalawa, tulad halimbawa ng John Paul, Robert Michael, Kimberly Jane, to something more unique and funny like Frank Einstein, Ivy Leg, Minnie Cure, at marami pang iba.

Noong ako ay ipinanganak, ang pangalan ng mga bata ay tinitingnan sa kalendaryo ni Honorio Lopez. Kung ano ang pangalan ng santo na naroon, iyon ang ibinibigay na pangalan. Halimbawa, kung ipanganak ng May 15, Isidro iyan, kung December 8 malamang ay Concepcion and so on. So, noong nag-usap ang Tatay ko at Nanay tungkol sa pangalan ko tiningnan nila ang kalendaryo.

Ang nakalagay ay San Proto y San Jacinto.

Sabi ni Nanay, “kawawa naman ang anak natin kung ang ipapangalan natin ay Proto. Ang magiging palayaw niya ay Prots, o kaya ay Pororot.”

Sabi ni Tatay,  “e kung Jacinto naman para namang pamasko ang tunog ng palayaw niya, Jacint.. parang “Jacint to the snow..” Kung Cinto naman ay para namang luko-luko. Isa pa, may tiya ako sa Mauban na Jacinta ang pangalan.”

Sumabad ang Lola Bening ko, “mabuti pa kunin na lang ninyo ang unang pangalan ni Jacinto iyong bayani para hindi pororot o sinto ang palayaw”

And that’s how I was named Emilio.

-000—

“Like the pine trees lining the winding road. I’ve got a name. I’ve got a name. Like the singing bird and the croaking toad. I’ve got a name. I’ve got a name. And I carry it with me like my daddy did. But I’m living the dream that he kept hid” – Jim Croce