The 15 – Minute Prince

Nagkaroon ng problema sa status ng Iqama ang kasama ko at ayaw isyuhan ng Visa sa immigration ng Abu Dhabi Airport. Hinintay ko siya at tinulungan na magexplain sa immigration officer. After 30 minutes of waiting, I left my colleague sa immigration area leaving him the copy of the hotel booking and praying that he makes it. Medyo sinisita na kasi ako ng Airport Police sa pagstay ko sa may immigration to support him. Before I got to the elevator to go down the Taxi Stand, a guy who looks like a Pakistani in casual clothes, approached me and asked me if I want a taxi. Careful not show any hint that I am not yet familiar with the place, at baka masalbahe pa ako, I told him that I will take the taxi from the stand.

He was so persistent, even offered to carry my bag, and told me he drives a taxi and that he can take me wherever I want to go. I told him I will take the taxi from the stand but I have to wait for about 15 minutes because my friend was still inside the airport. He seemed somewhat irritated and even remarked that he can wait for me and my friend. I answered that my friend has to finish his shift. He is an airport policeman and my friend will bring me to his house. The guy left me in a hurry.

https://i1.wp.com/wallpaper.imcphoto.net/pictures/2/auto/bmw-limousine.jpg

When he was nowhere in sight, lumapit na ako sa dispatcher sa taxi stand. He asked me whether I like the regular metered taxi or the limousine. I asked him what is difference between the two in driving me to Crowne Plaza Yas Island. He replied that only a little difference, the limousine is 60 dirhams, but for “kabayan” I can have it for 50 dirhams. ( I found out later that for the metered taxi, the fare from the airport to the hotel is 45 dirhams. Wagi.)

Wanting to experience how it feels to be a Prince for 15 minutes, I chose the limousine. It was a BMW M5 Limousine, so roomy, cool, comfortable and with a small refrigerator in the middle. The LCD monitor showed a Jackie Chan movie, and the driver was in a clean uniform with a matching cap at that.

He drove smoothly, I can barely feel the turns and humps and the road seemed to be lined with marble tiles, it was really a like a soft breeze in a summer afternoon. At mind you, mabango ang loob ng sasakyan. Walang amoy putok. We got to the hotel when I was starting to really enjoy the ride.

Yes, I felt like a Prince for 15 minutes and appreciated the comfort and luxury of riding in a limousine. Pero ang pakiramdam ko ay parang de numero ang kilos ko. Parang pag me hinawakan ako na anuman sa sasakyan ay magagasgasan ito o masisira. Hindi ako makagalaw ng normal… ng kung ano ako. Naging de susi ako.

Naisip ko rin na ang lakas sa gasolina ng sasakyang iyon. Naisip ko rin ang gastos sa maintenance, ang pasahod sa driver, at iba pang gastos kakambal ng pagkakaroon ng isang limousine, tulad siyempre ng kailangan mamahalin suot mo, kakain ka sa mamahaling restaurant, mamimili sa mamahaling stores, bibili ng mamahaling damit, alahas, atbpa. Subukan mo kayang iparada ang ganitong sasakyan sa Aling Conching Carenderia sa Vito Cruz, sa Bulaluhan sa Dian St, Sinigang Plaza sa Veterans, sa tapat ng Ukay-ukay sa Tagaytay, Lomi King sa Lipa City, o sa Divisoria, sa Central Market, Palengke ng Libertad.

Pinisil ko ang ilong ko.

Back to reality.

I love being myself. I love acting myself. I love the natural me. Simple.

Sayad ang paa sa lupa. Yapak pa.

—-00000—-

“A cottage small is all I’m after, Not one that’s spacious and wide. A house that rings with joy and laughter with the ones you love inside. Some like the high road, I like the low road, Free from the care and strife. Sounds corny and seedy, but yes, indeed, I like the simple life.” – Ella Fitzgerald

—-00000—-

Alin ang uunahin mo?

In life, we always have to make choices, we always have to set our priorities. Sa araw-araw nating pamumuhay, lagi tayong nahaharap sa pagtatalaga at pagtupad ng kung ano ang mas mahalaga sa ating buhay.

In 1924 Olympic Games na ginanap sa Paris, unang ginanap ang karera ng canoe at ang paboritong team ay ang USA. One member of that team was a young man by the name of Bill Havens. Habang nalalapit ang Olympics, ay lumalapit din ang araw ng panganganak ng asawa ni Havens. Idagdag pa na noong panahong iyon, there were no jet airliners from Paris to the United States, only slow ocean going ships. And so Bill found himself in a dilemma. Should he go to Paris and risk not being at his wife’s side when their baby was born? Or should he withdraw from the team and remain with his family?

Naiintindihan ng asawa ni Havens na ang Olympics ang magiging katuparan ng pangarap nito. Pero si Havens ay nagdesisyon na manatili sa tabi ng asawa sa kanyang panganganak. Para sa kanya ito ang priority kesa pumunta sa Olympics at tuparin ang pangarap.

Nakuha ng US Team ang gold medal, at ang asawa ni Havens ay nalate sa panganganak, na kung sumama lang si Havens sa Olympics makakatabi pa rin niya ang asawa sa panganganak nito. Marami ang nanghihinayang, pero si Havens ay di nagsisisi dahil para sa kanya tama ang kanyang desisyon. Alam niya kung ano ang pinakaimportante sa kanyang buhay at ginawa niya iyon.

Hindi lahat ay may lakas ng karakter tulad ni Havens para tumanggi sa isang gintong pagkakataon upang isa-isantabi ang para sa kanya ay mas mahalaga. Ilan sa atin ang nasilaw sa mga pagkakataong kumita ng mas malaki, kahit sa masamang paraan, dahil ang pagkamal ng pera ang mas mahalaga kaysa pananatili ng dignidad. How many of us opted to accept bribes, sell our votes, cheated in exams when the opportunity came out, para lamang sa tingin natin ay pananagumpay? How many of us opted na makipag-inuman sa Boss upang mapalapit sa kanya kaysa samahan ang pamilya sa pagsisimba? How many of us will say, “minsan lang magconcert si JLo, manuod na lang ako” kaysa tulungan ang ating anak sa kanyang assignment? Ilan sa atin ang uunahin ang makipag-usap sa kliyente upang maisara ang isang malaking “deal” kaysa makipag-usap sa mahal sa buhay at alamin ang kalagayan?

Ang ginawa ni Havens is the way to inner peace. Kung tumuloy siya sa Olympics with thought of his wife giving birth, baka hindi siya makapagconcentrate at makapagbigay ng husto sa laro. Ganoon din sinuman sa atin, how can you have peace, when you know na sa gagawin mo ay may nagdurusa. Tulad din iyan ng pagsusugal, masaya ka kapag nananalo, pero naisip mo na may nagdurusa? At ito ay ang iyong tinalo.

Balik tayo sa kay Bill Havens. Lalaki ang naging anak ni Havens at pinangalanang Frank. Pagkaraan ng dalawampu’t walong taon, in 1952, nakatanggap ng cablegram si Havens mula sa anak na si Frank na nasa Finland, lugar ng 1952 Olympics. Sabi sa cablegram ni Frank, “Dad, I won. I’m bringing home the gold medal you lost while waiting for me to be born.”

Frank Havens had just won the gold medal for the United States in the canoe-racing event, ang medalya na pinangarap ng kanyang ama noong siya ay kasalukuyang ipinapanganak. Ang di natupad ng ama, dahil sa priority niya ay ang anak, ay tinupad ng anak.

Nakuha ni Frank ang gintong medalya na di nakuha ni Havens. Dalawa ang nakamit ni Havens: isang mapagmahal na anak, at isang gintong medalya. (Ang kuwento ni Bill Havens ay hinalaw sa aklat na “Life that Makes a Difference” ni Steve Goodier, 2003)

–00000—-

“I feel happiness, sadness, remember the places that we have been to push our views and ideas home. Of meeting people who feel alone, of seeing anguished faces smile again. An achievement? Well I hope. A question of priorities in a universal rule.” – Conflict

Combat the Ipis

Nashock ako ng pagbuklat ko ng aming lalagyan ng sibuyas at bawang sa kusina ay may lumabas na maraming ipis. Isang angkan yata ang nasa ilalim ng lalagyan at talagang pinamugaran nila ang ilalim ng maliit na mesang patungan ng pangsahog sa lutong pagkain. Dali dali kong inilagay sa lababo ang mga sibuyas at bawang at itinapon ang mga papel at plastic na nakalagay sa mesa. Tapos winalis at nagspray ako ng  Crawling Insect Killer.

Naglinis kami ng kusina at ang lugar na pinanggalingan ng ipis ay nilagyan ng kasama ko ng powder na pamatay daw ng ipis. Kontento na kami na malinis at ipis-free ang aming kusina ng mga sumunod na araw. After a week, may nakita na naman akong ipis at sinabihan ko ang mga kasama ko na araw araw ay itatapon ang basura upang di kami pamugaran ng ipis sa kusina. Again linis at spray ng Cockroach Killer para mamatay ang mga ipis. Pero after a week ay meron na namang mangilan ngilan na nagpapatintero at nagkikilitian ng sungot na mga ipis. Noon ko naalala ang payo sa akin ng isa kong kasamahan sa church. Look for Combat Cockroach killer. Mabisa nga raw.

Nakabili ang kasama ko at inilagay namin sa mga sulok sa kusina. Mabisa nga yata dahil 2 months na ay wala na akong nakikitang ipis.

It works this way, pag ang isang ipis ay nakalanghap ng Combat at nakahalubilo ng kapuwa ipis, parepareho silang mamamatay. Transmittable ang epekto ng Combat kaya kahit isa lang sa colony ng ipis ang matamaan, lahat sila ay malililipol.

We have now an ipis-proof kusina dahil sa Combat.

Pero ang pinakamahalaga para makontrol ang ipis, ay ang pananatili ng kalinisan.

—–00000—–

“Bins and boxes and tubs and cubbies. And drawers and hooks and shelves. Everything has a little place to be. So we can clean it up all by ourselves. Clean up, clean up, everybody clean up as fast as we can.” – Nancy Stewart.

HUMILITY, (noun) Cool and Courteous. (antonym) Amalayer

Pagkababa namin ng eroplano sa Abu Dhabi Airport, me and my colleague Mr. LDR proceeded to the gate for arrivals and we had our bags passed through the x-ray. Then, we went to the immigration lane to secure our Visa On Arrival. We were queued with a group of Nepali workers, about 30 of them, however, the Pinoy officer told us to fall in line at Counter No. 7.

The Emirate immigration officer took my Iqama and issued me a form for filling up and he instructed me to go to the eye scanning section, come back and pay 105 Dirham for the Visa. When it was LDR’s turn, he was told that he cannot be issued Visa on Arrival because his Iqama stated he is an Electrical Engineering Technician. He asked for consideration from the immigration officer, but was told he is only following the procedure. He added that LDR can talk to their Officer-on-Duty if he will be considered. LDR went to the OOD office and explained that he needed to enter Abu Dhabi because of some business meetings, it was official business he will be doing. Again, he was denied and the OOD remarked he must go back to Saudi Arabia. LDR inquired if there is any way he can be allowed entry, and was advised to wait for their Chief, the Captain of Immigration and can talk to him. LDR answered that he will wait.

Flashback: LDR applied as Sales Engineer to our company and have submitted all the required documents related / required of the position INCLUDING his certificates as an Engineer – Diploma, TOR, PRC to the recruitment agency. He was selected by our company and the agency was told to expedite quickly his hiring and mobilization to Saudi Arabia. For want of faster mobilization and to meet their target, the agency was able to send LDR to Saudi Arabia in due time, but he was issued not an Engineer’s Visa but an Electrical Engineering Technician’s Visa. For 5 years, LDR kept on requesting our HR Department to change his Visa status but he was given the run-around of the officer and staff of our HR, promising to change his status in a short time.

Long queue at the immigration.

After the eye scanning, I talked to LDR and he told me he will wait for the Captain, because it will be one horrible process to go back to Saudi Arabia without the Entry Stamp of UAE in his Visa. He will be holed up in the Airport and depending on the efficiency and willingness of Gulf Air to help him, it may take a whole day or two before he can be repatriated to Saudi Arabia. Notwithstanding, the agony of being interrogated again at Saudi Arabia immigration section. All because of the short-cutting of the recruitment agency and the inaction of our HR Department.

I paid the Immigration Fee and requested the officer for a few minutes before I come out of the immigration gate to talk to LDR. I told him that I will wait for 30 minutes outside, and then will proceed to the hotel. I left LDR the reservation slip for the hotel, because back in my head, I am confident he can make it through.

Upon checking in at the hotel, I advised the Receptionist that my companion is still at the airport waiting for clearance from the immigration. I even wrote LRD’s name in a piece of paper and handed it over to the Receptionist. Inside the room, I tried to call LDR, but his cellphone was off. We arrived at Abu Dhabi Airport at about 445 AM their time, and I was in the hotel at 555AM. At about 645AM, I decided to catch some sleep after a few more attempts to contact LDR.

715AM, I was awaken by the hotel phone ringing and half roused , my mind still unclear, when I talked on the phone the other person on the line told me, in German accent “Heyy Emilio, how arrrrr you! Good you made it hahh! What timeeee did you arrrrrive? So, shall we have brrrreakfast?” I readily answered, “Hey Yvan, good to hear your voice. I checked in at about 6AM, LDR is still at the airport. He’s having some difficulties in the immigration. I am praying he makes it.”

Then, he said, “Sir, okay na. Nakalusot din ako. Finally. Hinintay ko ang Captain, di pa ako tapos magpaliwanag, pinayagan na agad ako. ” It was LDR, who just arrived.

I have proven three things in this incident:

1. LDR is a full bloodied Sales and Marketing guy. A full bloodied Sales and Marketing guy will never stop at any hindrances, he will find a way to produce result and overcome the obstacles.
2. He is one Filipino worth emulating. I saw how COOL AND COURTEOUS he was when he talked to the immigration officers. So HUMBLE unlike other Filipinos who are arrogant … reminds me of “AMALAYER”, the customer who tried to feed the cashier with money when he was questioned to pay his bill, our Congressmen, Senators, public servants, pinoy officers and staff at our embassy, and many more arrogant and self serving pinoys.
3. He showed great faith in God. Knowing LDR very well, I know he prayed for guidance and help from God in that situation.

Get it on man! You’ll surely go places and will be more blessed. And our readers too!

—-00000—-

“I feel so alive being in this place. Surrounded by a positive embrace. I’m taking this ride at my own pace today. La La La it’s a beautiful day Things are going my way. Nothings’s gonna bring me down.” – Natalie Brown

yABUDHABIdooh!

Ang unang impression ko sa Abu Dhabi ay malinis, efficient at maayos ang lahat ng sistema. Sa airport pa lang maoobserbahan na mabilis at magaling ang mga staff sa pagdirekta kung saan ka pupunta at kung ano ang gagawin mo. Sa dami ng mga pasahero na dito ay bumaba o nagtatransfer (may 1.2 million at 10,000 aircraft movements isang buwan), iisipin mo kung anong sistema ang pinalalakad nila at anong klaseng pamamahala dito.

Napakahusay ng mga personnel, at ang immigration ay talagang masipag at maayos. Kaya naman ang expectation ko ay napakataas sa anumang facility, kagawaran, institution, at serbisyo. Pagdating ko Hotel ay naayos kaagad ang check in particulars ko at nasa room na ako in 5 minutes. Iconsider pa na dumating ako sa otel ng 5AM. Sabagay, sa mahal ng bayad sa otel na tinuluyan ko, dapat lang na ganun kaganda ang service nila.

Nakaidlip ako ng 1 oras, nagalmusal kami ng kasamahan ko na Sales Engineer at by 9AM sakay na kami ng taxi papunta sa aming meeting. Magalang at mahusay ang pagmamaneho ng driver ng nasakyan naming taxi. Napuna ko rin na kapag sila ay napapasobra ang bilis (limit ay 120 kph) magsasalita ang Taxi Meter ng “this is a warning, you are overspeeding”

Sabi nang driver, nakarecord daw ang warning na iyon, at kapag nakatatlo ka sa isang araw ay may multa ka. Maganda kako iyan kung maipapatupad din sa pinas. Sa tingin ko mura lang ang metro ng taxi na iyon. In fact, puwede ring gamitin ay tablet, me application lang  at mas marami pang options: puwede na ring video player , music player, GPS, Navigator. Mas makakamura dahil sa dami ng gamit. Pero naisip ko rin na mapapamahal pa rin, kasi kung sa Pilipinas iyon, tiyak na maraming sasawsaw na pulitiko at negosyante. Kotong at patong ang aabutin sa pagbibenta ng taxi meter na naisip ko. Idagdag pa na merong magkacalibrate kuno ng metro at ang cable connector dapat ay supplied ni mayor, ang patungan ay supplied ni gob, etc etc.

Sa madaling sabi nakatapos kami ng mga meetings naming hanggang 4pm na walang tigil ang paghanga ko sa kaayusan at katapatan ng mga tao sa Abu Dhabi.

Pero nabahiran ang impression na iyon noong gabi. We were to attend a dinner – meeting with one of our Principals, at 7PM onwards, kasama pa ang lahat ng distributors nila sa GCC at Africa. I researched on the location of the venue and tried to understand from the Google map how to get there.

We got a taxi from the hotel and tried to get a conversation with the driver. Di ko na sasabihin ang nationality kasi baka mabrand pa ako as racist. Pero ang nationality niya ay noted talaga na kawatan sa bansang ito. Maayos ang pakikipagusap naming, biruan at tanong pa nga naming ang mga karanasan niya sa Abu Dhabi.

Noong makita ko na hindi kami lumabas ng highway pagkalampas namin ng Abu Dhabi Golf Course medyo nag-alala na ako. Nang tumawid ng Zayed Bridge, sinabi ko sa kasama ko na parang malayo itong dinaanan natin a. Tinanong niya ang driver kung ilang minutes pa, mga 15 mins pa raw. Sumagot ako sa driver na, we cannot make it in 15 minutes. This looks like a different route. Noon medyo nakahalata ang driver na pinagaralan ko ang daan. If after the bridge and we pass the Police Officer’s Club, then we are on the wrong route.

Inilabas na niya ng highway at kumaliwa kami patumbok ng Al Khaleej Road. I noticed na fidgety na si Driver. Pagpasok sa entrance road ng Traders Hotel sumabit pa sa gutter at muntik pa mabundol ang bumababang pasahero sa unahan sa pagmamadali nito. Siguro natakot na magreklamo kami. Ending: we paid 22 Dirhams more than the normal charge.

Mahirap mag-generalize ng ugali ng lahi, pero iyon ang ipinapakita nila kahit saan sila magpunta, kaya di mo maiwasan.

I am happy na sa parteng ito ng mundo, mataas ang pagtingin nila sa mga Pinoy.

-00000—-

I have weathered colder winters. Longer summers without a drop of rain. Push me in a corner and I’ll come out fighting. I may lose but I’ll always keep my faith ‘Cause I’m country strong. Hard to break. Like the ground I grew up on” – Gwyneth Paltrow

I’ll be home for Christmas.. if only in my dreams

We went to Riyadh for a Bid Clarification meeting with a customer who wanted to award the contract sa amin. Sa daan ay panay ang kuwentuhan namin ng mga nangyayari sa aming kompanya na napapadako rin sa mga isyung showbiz at pulitika sa Pilipinas. Palibhasa ay may kasama kaming isang Indian, pero nakapag-asawa ng isang Pilipina, kaya nililimitahan namin ang kuwentuhan sa mga pangyayari sa kompanya at sa pamilya.

Pero si Indian ay nakakarelate din sa mga nangyayari sa Pinas at maging sa isyu ng halalan ay nakakasawsaw. Nakakatuwang pakinggan si Indian at ang kasamahan kong Pinoy Engineer dahil masaya sila sa pagdescribe sa kani kanilang mga anak lalo na at pareho silang mayroong mahigit 1 taong anak na lalaki. Payabangan ika nga sa mga kalokohan ng anak.

Nakarating kami ng office na aming pakay ng mga bandang 10:30 AM at although, the Branch In-Charge na isang Saudi ay gustong sumawsaw sa aming lalakaring kontrata, at gusto niyang angkinin ang credit dito gayong hindi niya ito hawak, hindi rin ito ang nature ng negosyo ng kanyang departamento, at higit sa lahat ay confidential ang treatment dito dahil sa mga bagong teknolohiya na involved na ang dalawa kong kasama ang utak. Ang papel ko sa teknolohiyang ito ay ang magresearch at hanapin ang tamang tao na magiging reference namin. Sa madaling sabi, ito ay unang project namin sa bagong Technology na maaring magbigay ng daang milyong negosyo sa aming kompanya. Kaya iyong Saudi na in-charge sa branch ay naguumalpas sa galit sa amin dahil inaagaw raw namin ang project. Sabi nga ng isa kong dating kasama “nanginginig ang laman sa galit” at isusumbong daw kami sa may-ari. Di niya alam ay ang may-ari ang nagsugo sa amin na pumunta sa Riyadh at “highly confidential” nga ang project na ito.

Naging maayos ang meeting na noong una ay sinosopla kami ng Indian manager, napakayabang ng treatment sa amin. Iyon pala, tinawagan siya ni Saudi boy na huwag kaming papansinin, dahil siya ang Top Man ng kompanya. E nasira ang pagiging top man niya ng magbigay kami ng business cards, at nang magdiscuss kami ng technology at commercial benefits ng bagong technology.

Pabalik na kami at masaya na naman dahil naging maganda nga ang meeting. Biruan at nangantiyaw na si Pinoy Engineer kay Indian. Sabi niya ay makakapagbakasyon na siya at makakapagpasko sa Pilipinas. Si Indian ay sa February pa at exit na ito. Si Pinoy ay ganun din, pero pinababalik siya ng may-ari para tulungan muna ang kompanya. Sabi ni Indian, hindi ka pa rin makakaalis ng kompanya. Sabi ni Pinoy, makakaalis na ako at makakakuha ng mas maayos. Sabi ni Indian, hindi ka makakapagpasko sa Pilipinas. Approved na ang bakasyon ko.

Pinalitan ko ang CD ng pamasko ng Carpenters, at pumailanlang ang tinig ni Karen Carpenter habang nagkakatuwaan ang dalawa.

“I’ll be home for Christmas. You can plan on me.” ang bungad.

Sigaw si Pinoy. “Yes. Yes. See even the song is my team mate. I’ll be home for christmas, hah! So they will plan on me na!”

“Christmas it will find me. Where the love’s light gleam..” ang patuloy ng kanta.

“Oh, hear it. Love’s light. So I will be with my love ones..” tapos sinabayan pa niya ang sumunod na lyrics.. “I’ll be home for Christmas…”

Bigla siyang napatigil sa huling linya.. “… if only in my dreams..”

“Namputsa naman o, okay na sana…. I’ll be home for Christmas…. bakit naman IF ONLY IN MY DREAMS…”

Hahahaha. Ang lakas ng tawanan namin.

—–00000—–

“I’ll be home for Christmas. You can count on me. Please have snow and mistletoe. And presents under the tree
Christmas Eve will find me. Where the love light beams. I’ll be home for Christmas. If only in my dreams.”- The Carpenters

Maraming pagkakaabalahan sa Saudi

Mahirap mamuhay at magtrabaho sa isang bansa na kakaiba ang kultura at paniniwala kaysa nakagisnan nating buhay sa pinas. Ang nakikita lang ng marami sa Pilipinas ay ang sa akala nila na masaganang pamumuhay at antas ng pananalapi ng mga nagtatrabaho sa mga ibang bansa kabilang na sa gitnang silangan. Para sa karamihan ay pinakamahirap ang magtrabaho sa Saudi Arabia kaysa mga bansang tulad ng UAE, Bahrain, Qatar, Oman, at Kuwait. Ang measurement ng hirap kasi ay iyong kahigpitan ng bansang Saudi Arabia sa mga bagay at gawi na sa kanilang paniniwala ay labag sa kulturang saudi at relihiyong Islam. Kaya mapapansin na mas gusto ng karamihang Pinoy ang pumunta ng Dubai, Abu Dhabi, Qatar, Bahrain, na kung saan ay may mga naienjoy silang freedom tulad ng pagkain ng baboy, gimmick sa gabi, alak, babae, at ang pagsusugal.

A bar scene in Dubai.

Well, sa Saudi ay mahirap nga sa isang sanay sa ganoong mga kalayawan, pero kung ang hangarin mo ay makaipon at makapundar ka ng ari-arian sa Pilipinas, ito ang lugar para sa iyo. Dito kasi ang place ang mismong didisiplina sa iyo.

  • Walang alak – nakaiwas ka sa pagkalasing at basag-ulo.
  • Walang baboy – nakakaiwas ka sa alta presyon at iba pang sakit.
  • Walang babae – nakakaiwas ka sa kasalanan.
  • Walang sugal – walang mawawalang pera sa iyo.

At ang iyong kinikita ay 100% na napupunta sa iyo dahil walang tax. Mandatory pa ang Medical Insurance, Transportation at Accommodation na sagot ng employer.

Me magtataas ng kilay sa binanggit ko, at sasabihing marami silang nalalamang nagiinom, nagsusugal, nambababae, kumakain ng baboy sa Saudi. Well, I cannot call that as exception, kundi “palusot” upang majustify ang pagnanais na sa isang bansang may kalayaang gawin ang gimik makapunta. Ang gumagawa noon dito sa Saudi ay hindi kayang supilin ang sarili at magfocus sa kanyang objective sa pagtatrabaho rito

. [Wala%20ng%20hanap-buhay,%20sugal%20pa%20din%20ang%20gawain.jpg]

At kapag nahuli naman, naparusahan, sasabihing “harsh” ang batas ng Saudi, masama ang ugali ng mga Saudi, or violation of human rights ang nangyayari. Pasulat sulat sa embahada, sa OWWA, at pag nahirapan na tulungan, sisisihin ang gobyerno sa pamamagitan ng social media o ng mga hayok sa sensational na balita na mga TV stations.  Alin ba ang nauna? Di ba ang batas nila, at ito ay kailangan nating sundin bilang dayuhan o bisita sa bansang ito. Dumating tayo rito sa bansang ito para magtrabaho na alam natin ang mga bawal at alam nating kailangan nating sundin ang mga ito. Katulad din iyan ng isang mag-aaral, kaya nga tinawag na mag-aaral, inaasahan ng magulang na mag-aaral ang isang bata. Pero kung ang ginagawa ng bata ay lakwatsa, punta sa mall, gimikan, worse ay natututong mag-inom, manigarilyo ay bumabagsak ang mga grades, tapos malalaman ng mga magulang, at napagalitan? Sasabihin ng bata, sungit naman ng magulang.. magdadabog, magsusungit.. meron pang lumalayas.

Mahirap magtrabaho kung ikaw ay naghahanap lagi ng layaw, nag freedom to do things your own. Pero kung mahal mo ang trabaho mo, ang iyong propesyon, ang iyong mga anak, asawa, nanay, tatay.. makakapagfocus ka sa trabaho. At makakakita ka ng mga activities na makakapagbigay sa iyo ng aliw habang ikaw ay narito sa bansang ito,  Hindi lamang sa alak, sugal, bisyo, gimmick, atbpa nakikita ang aliw. Makikita mo rin ito sa resulta ng pinagpaguran mo. Pageexercise. Pakikisalamuha sa mga community activities. Pagreresearch. Sports. Pagpapaunlad ng kaalaman.

At higit sa lahat, sa paglalaan ng ilang minutong pakikipagusap ke Lord.

—-00000—-

“It’s easy to be lazy. And it’s fun to go wild. But when there is no one around then who’s in charge?. You’re the boss of what you do. You stay out of trouble. And you know how to choose. Self-discipline. It’s up to you. You’re in control of what you choose. You do what’s right. Even when you’re out of sight.” – David Woodward