Madalas akong umaattend ng meetings sa pinakamalaking Gas Company dito sa Saudi. At siyempre iba’t ibang lahi ang nakakasama ko.
Ang unang napuna ko, may isang particular na lahi na talagang madaldal kahit anong klaseng meeting. Magtatanong kahit walang kinalaman sa usapan ang tanong, meron magbibida ng hindi naman kasama sa pinaguusapan, may nakikipagtalo ng malayo naman ang katuwiran.. all para lang ipakita na marunong sila, experts o specialists sila. Ang these kind of people has low sense of humor, on the other hand. Nagtatawanan na lahat, sila di pa makuha ang jokes. Maybe, dahil mas concern nila ang makapagyabang, and they don’t care sa kung ano ang pinaguusapan.
Isang maipagmamalaki ko sa mga meetings na ganito ay ang pagiging courteous ng mga Pinoy. Alam mo na pinoy ang nagsasalita dahil sa high level ng courtesy na ipinapakita.
Ibang lahi, magtatanong in a loud voice habang nakaupo and would not even raise their hand. Meron pang nagpapaliwanag ang speaker ay biglang dadahak, o sasagutin ang cellphone ng malakas ang boses.. di pa lalabas iyon, doon mismo sa meeting makikipagusap sa telepono.
Sa maraming meetings na aking nadaluhan, pag pinoy ang nagtanong, magtataas ito ng kamay, at tatayo. Puro Sir ang maririnig mo at hindi nagtataas ng boses. Naka silent at di nakikipagusap sa phone habang me meeting.
Sabi ng kaibigan kong Manager na Arabo, “I know when a Filipino is in the meeting.” Napakagalang. Iyong mga bastos ay hindi Pinoy.
Pero kapag may umutot.
Tiyak.. Pinoy yun.
—000—
“I am no better, and neither are you
We are the same, whatever we do
You love me, you hate me, you know me and then
You can’t figure out the bag I’m in.”- Sly and the Family Stone