TOCINO POLLO ALA AL KHOBAR

Isang araw habang papauwi pagkatapos naming maglaro ng basketball, nagkukuwento ang isa naming kasama na meron siyang Tocino sa kanilang bahay. Dala raw ito ng isang kaibigan niya na nanggaling sa bakasyon at talagang nang-iinggit siya sa mga kasama namin.

Dito kasi, ang mga pagkaing dala pagkagaling sa atin sa Pinas ay talagang parang treasure. At tulad ng dati, ang aking pagiging isang meat processing enthusiast ay gumana na naman. So, I decided to prepare my version of Chicken Tocino using ingredients that are available here.

Unang problema: walang Anisado Wine dito. Wine nga e. Kahit pa sabihing ingredient iyon sa pagluluto o pagpaprocess ng pagkain at di tunay na alak, bawal pa rin. (siguro dapat ginawang Anisado Juice). Ikalawang problema, walang phosphate blend (maaaring meron kaya lang di ko alam kung saan makakabili).

I did a research and a little experiment. Kapag ginamit mo ang Pineapple Juice at hinaluan mo ng konting Baking Powder, ang resulta ay Anise Like Taste at me Zing sa dila ang after taste niya. Then, in place of Phosphate Blend na ang function ay thickener or emulsifier, I found out that I can use Catsup. The Acetylated distarch phosphate in Catsup serves this purpose.

So okay, inihanda na ang mga ingredients. Paunawa: since wala akong timbangan at mahirap timbangin ang ingredients sa isang kilong manok, I used the takal takal (mahirap din ang dangkal dangkal)

Mga sangkap:

  • 1 kilong chicken breast fillet

Marinade:

  • 2/3 tasa sugar
  • 1 tasa pineapple juice
  • 1 kutsara baking powder
  • 4 kutsara ketchup (mas maganda kung banana catsup)
  • 1 kutsarita iodized salt
  • 1/2 kutsarita powdered black pepper

Paraan ng paghahanda:

  • Hiwain ng manipis (mga ¼ inch) ang manok
  • Bugbugin and manok using a meat mallet until flat. (kung kaya mo pagsusuntukin mo)
  • Pagsamasamahin ang sangkap ng Marinade. Haluing mabuti
  • Lamasin ang manok sa Marinade.
  • Ibabad, takpan and chill.
IMG_20130428_121711

Clinquantlife Altanghap – tocino, egg tomato omelette, sinangag at atsarang ampalaya.

Kinabukasan:

  • Iprito ang tocino
  • Ihain ng may kasamang sunny side up eggs (or binating itlog na may kamatis), plain rice or garlic rice tapos me kamatis, pipino, carrots at kapeng barako

After eating:

Maupo sa salas himas himas ang tiyan

What a life!

—000—

“Oh, this has gotta be the good  life This has gotta be the  good life This could really  be a good life, good life. I say, oh, got this feeling that you can’t  fight. Like this city is on  fire tonight This could really be a  good life, a good, good life Oh, a  good, good life, yeah!” – One Republic

Advertisements

SLIPPERS NOT ALLOWED

Me isa akong pamangking babae na halos sa amin na lumaki. Lagi namin siyang kasama at very close siya sa dalawa kong anak na lalaki, talagang para na ring kapatid nila at anak namin siya.

Mga 7 years old siya noon at kasama namin na mamili sa Manila isang araw bago magpasko. Kasama na rito ang pamamasyal sa Boom na Boom. Masayang masaya ang tatlong bata at inabot kami roon ng hanggang 8PM.

Inaya ko sila ng magdinner sa Savory Restaurant dahil ito ay malapit lang doon. Bago ito ay dumaan kami sa Souvenir Shop at bumili ang mga bata ng ilang items.

Pagkaupo namin sa lamesa, napansin ko na nakayapak ang pamangkin kong babae. Tinanong ko siya kung bakit siya nakayapak. Sinagot niya ako na iniwan daw niya sandals niya sa may pintuan. Tinanong ko siya kung bakit niya iniwan. Sabi raw ng kuya niya.

Binalikan namin ng kuya niya na tatawa tawa ang kanyang sandals sa may pintuan ng restaurant. Tapos binalingan ko ito at sinabi ko na bakit mo pinaiwan ang sandals sa may pintuan.

escolta (60)

Itinuro sa akin ng aking anak na lalaki ang nakapaskel sa pintuan.

Ang lakas ng tawa ko ng mabasa ko ang paskel: “Slippers not allowed inside”.

—000—

“Wasn’t it easier in your lunchbox days? Always a bigger bed to crawl into. Wasn’t it beautiful when you believed in everything? And everybody believed in you?”- Taylor Swift

REVERSE SALES STRATEGY

Sinamahan ko ang isang kaibigan na bumili ng rubber shoes sa isang Shop na ang tindero ay ibang lahi. This guy knows me, marami na rin akong nabili sa kanya na sapatos at tsinelas (Havaiianas, Ipanema, naman) at sinamahang Pinoy para bumili sa kanyang shop.

shoesq

After makapili at masukat ang gustong sapatos, tinanong niya kung magkano. Sagot ng Shopkeeper ay “350 riyals” pero ibibigay na lang ng 320 dahil nga kaibigan daw ako. Ibinulong sa akin ng kaibigan ko na baka puwede raw mahila namin sa 250.

Tumawad ang kaibigan ko ng 250 pero ayaw nung Indian. I talked to the Shopkeeper and told him that I brought a lot of customers to him, ibigay na niya sa 250.

Sumagot ito na malulugi na siya. Kahit daw magkaibigan kami, di pa rin niya maibibigay sa 250, otherwise, magaabono siya ng diperensiya.

Dinaan ko sa bilis ang bargaining para wala siya masyado time magisip.

Magkano ba ang puhunan ninyo para din a kami magtagal.

He replied sa 280 ay ibibigay niya. Akmang aalis na ang kaibigan ko, at sinabing huwag na lang kung di maibibigay sa 250, hoping na habulin nung Indian.

Mukhang walang epekto, di siya hinabol.

shoes

Then I told the Indian shopkeeper, “I see this shoes everytime I come here. This maybe 10 months already and still it is being displayed. Had you sold it already even with less profit, you could have at least rolled the proceeds of your sale for 5 times and made 5 x profit no matter how small.”

Tapos idinagdag ko, “Give it to us now for 250 and you have already disposed the product, get the money even for small profit, and have a new model on display. That is selling. That is business.” Habang kami ay akmang lalabas na ng shop.

We left the shop with the shoes purchased at 250 riyals.

Sales talk in reverse.

—000—

“You got persuasion. I can’t help myself. You got persuasion. I can’t help myself. Something about you.” – Santana

ARROGANCE HITS BACK

I was enjoying my Thai Lomi in a Filipino Restaurant when a Kabayan rushed in and went straight to the pinoy cashier. He was claiming that the change given to him was short of 41 riyals. The cashier replied he gave the exact change and even explained that he remembered giving Kabayan 29 riyals change.

Nagalit na si Kabayan at sinabing ibinigay daw niya ay 100 riyals kaya dapat ay 41 riyals ang sukli. Ipinakita niya ang bungkos ng pera na sukli raw sa kanya, at nang bilangin ay 29 riyals nga, na lalong nagpagalit dito.

pinoy res

Kabayan: “O kita mo, 29 lang nga ang sinukli mo. Dapat may 41 riyals pa.”

Cashier: “Hindi po. Ang total bill ninyo ay 71 riyals kaya 29 talaga ang sukli.”

Kabayan: “Aba e gagawin mo pa akong sinungaling. Kilala ko ang amo mong Arabo, puwede kita isumbong doon at ipasuspendi.”

Sa huling tinuran ni Kabayan, medyo napaangat ako sa upuan. Bakit ganoon ang ibang Pinoy? Hindi ba marunong makipagusap itong si Kabayan at linawin muna lahat bago siya manakot na ipapasuspendi ung Cashier?

Nakita ko na iyong pinaka Head na pinoy ng restaurant ay lumapit at agad na tinanong ang problema. Tinanong kung nasaan iyong sinukli sa kanya. Si Kabayan naman ay yamot na sumagot.

Kabayan: “Binilang na nga niyang cashier mo ang sukli, inamin niya na 29 riyals lang sinukli niya sa akin. Mali nga. Dapat ay 70 ang sukli. Heto ang resibo o.” Sabay labas ng resibo na 30 riyals ang nakasulat.

Head: “Mali nga ang sukli mo. Dito sa resibo ay 30 riyals lang ang bill.” Ang baling niya ke Cashier.

pinoy-restaurant-japan

Cashier: (Tiningnan ang resibo) “Mali po ang resibong ito. Ngayon ay 21 na, ang date sa resibo ay 16 pa. Last week pa ito. 5 kayong kumain kanina imposibleng 30 riyals lang ang bill ninyo” Binuklat niya ang mga kopya niya ng resibo at ipinakita ang bill na nakabreakdown ang biniling pagkain, ang halaga ay 71 riyals.

Walang salitang umalis na lang si Kabayan.

Arrogance is also like a boomerang.

It can hit you back.

—000—

“I think I’m gonna be sick, if you speak another word. I don’t mean to be absurd, it’s just how I feel right now. Your problem I feel, is your arrogance.” – Set it Off

WHAT? IT TOOK 8 PEOPLE TO CHANGE THE BATTERY OF MY CAR?

Kaninang umaga, while driving to work with Bien, nadaanan namin ang ilang  workers of one particular nationality na nagkakabit ng malaking tubo sa isang pipeline excavation pit. There are 9 of them and only two are working. The rest are just watching, at last week ay naobserbahan ko na ganun pa rin ang sistema nila, 2 lang ang talagang nagtatrabaho.

Hindi sa dinidegrade ko ang lahing ito, pero sa aking obserbasyon ay talagang meron silang angking katamaran at malakas magclaim ng kung anu anong experience. Ang isa pang hindi maganda sa kanila, that most of Saudi Employers complain ay iyong hindi sila kasing flexible at kasing husay dumiskarte ng Pinoy.

Which brought me back sa isa lang sa mga real life experiences ko sa lahi nila. A few months ago, I went to our Vehicle Service Provider’s workshop para magpapalit ng battery ng sasakyan. After getting the required document from their coordinator, I gave it to the Shop Manager. He told me to wait and it will be done in 1 hour. I asked him 1 hour when the job can be done in less than 15 minutes. “That is the way things are done here, Sir!” ang sagot niya sabay tawag sa isang Mechanic na lahi ng binabanggit ko sa itaas.

Before going any further, how many of this nationality does it take to replace the battery of my service car?

Bilangin natin.

10 minutes after parking the car in the maintenance bay, a Technician (No. 1) asked me to open the front hood. Then he took out a tester, checked the battery and left. After about 5 minutes another Guy came (No. 2), loosened the bolt connector of the battery, and also left. Another 10 minutes passed before another Technician (No. 3) took the battery out from my car. He called me and requested me to follow him in the store. In the store, the storekeeper of the same nationality (No. 4) asked (interrogate is the more appropriate word since he was so rough in asking questions… talk about Customer Relations) me how long is my battery, am I not checking it regularly, etc. I strongly answered “I don’t know. Your company is called Service Provider, please provide me service, treat me as a customer not a suspect.”. He entered my car number in the computer and presto, he got all the information he wanted (how lazy). He then issued a new battery and called another same nationality employee (No. 5) to bring the battery to the car, all of this process took 30 minutes. The bolt connector guy installed the battery to my car and after 10 minutes called another guy (No. 6)  to report it was already installed. No. 6 came to my car after 5 minutes, then he took the key and started the car. He then handed me a piece of paper to sign. And then waved me to go.

It took 70 minutes and 8 of this nationality for a simple replacement of battery. Why 8 you will ask because we have counted only 6. The 8  include the Shop Supervisor na walang ginawa kundi mamewang at sumigaw at 1 Tea Boy, na nagsiserve ng Tea sa Shop Supervisor every 15 minutes. Iisang lahi sila.

Efficiency is doing things right; effectiveness is doing the right things.” But I saw a lot none of these with these guys.

Balik ako sa realidad nang makarating sa office and afterwards had discussions with 2 Electrical Engineering Specialists ng parehas na lahi sa itaas, who cannot read and differentiate centimeter from millimeter.

—-000—-

“Hopelessly, helplessly, wonder why. Everything gotta change around me. I’d tell it to your face. But you lost your face along the way.” – Train

My 200th Post

This is my 200th post, and as I ponder over the thoughts I have shared for about 1-1/2 years, kailangan  pala purihin ko naman sarili ko sa pagsalin sa teklado ng laptop ko ang aking mga iniisip.

Nais ko na maging makahulugan ang post na ito bilang paalala ng mga challenges na pinagdaanan ko pag binalikan ko pagbabasa at some future time.

At bilang pagcelebrate sa ika 200 post , I treated myself to a cone of Baskin Robbins Ice Cream at isang slice ng Marble Cake. 200 calories per serving ang kombinasyon nito. Bihira na kasi akong kumain ng Ice Cream at Cake.

After finishing the ice cream and cake, I jogged and enjoyed the pleasant feeling of achieving a milestone in writing, the freedom of expressing yourself and the excitement of thinking of more posts to make.

I have now a view of my path. Kailangangang tabasan ang daraanan, tapalan at patagin ang bawat lubak, have more experiences and pass many more milestones.

—-000—-

“Words are flowing out like endless rain into a paper cup. They slither wildly as they slip away across the universe” – The Beatles

POSTPONED VACATION

I was asked by my friends about my vacation next month at ang mga plans namin na get together at pasyal pasyal. About 12 of them ang sana ay kasabay ko. I told them that it was moved to July, kasi nga ang me ari ay nakiusap sa akin na after June na ako tumuloy. Marami nagsabi na timed sa Ramadan, where there are less business activities kaya siguro pinamove vacation ko.

I talked to 3 of my friends na sana ay kasabay ko bumakasyon. Si Friend no. 1 ay taga Malabon at me plan nga na aakyat siya sa lugar namin and spend a weekend with his kids sa amin. Sabi niya, hindi rin siya matutuloy umuwi. Baka next year na. Kasi raw, magka college na panganay niya. Iyong ticket ay inencash na niya at iyong vacation pay, para may pambayad tuition sa pasukan ng June.

Friend no. 2 naman na taga Pampanga ay ganun din ang sabi sa akin. Hindi na rin siya uuwi for vacation. Next year na lang daw, kasi nagkasakit ang Nanay niya at naoperahan. Nakapangutang sila at iyong ticket at vacation pay niya ang ipambabayad niya.

Si Friend no. 3 na taga Laguna man ay hindi rin matutuloy sa pagbabakasyon. Ang dahilan ay kumuha ng lupa at bahay ang kanyang asawa at kailangan ng pangdown payment. Sabi niya, maganda raw naman iyong objective ng wife niya sa pagkuha ng lupa at bahay kaya pumayag na siya kahit na next year na rin siya makakauwi.

Idagdag pa nating dahilan nila ay the thought na kukuyugin daw sila ng mga manginginom, manghihingi at mangungutang. Ano ba at tuwing uuwi na lang daw ang mga kasama ko for vacation, doon natatapat na me mga sakit ang mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay nila. At kung bakit, lahat iyon ang sinasabi ay “wala na kaming ibang malapitan…”

Ito talaga ang malungkot na katotohanan sa buhay ng isang OFW. Kinakalaban mo sa buong isang taon ang homesick, inis, hirap ng trabaho, init at lamig, ibang kultura, iba’t ibang nationalities at sabik na sabik ka na makabakasyon. Tapos pag babakasyon na ay ito ang nangyayari. At kung makabakasyon naman ay mistulang isang Piggy Bank na babasagin at kukunin ang laman.

Tinawagan ako ng ilan ko pang kaibigan at sinabing matutuloy sila, at tulad ng dati, kaming mga narito na hindi nakabakasyon ay on-stand by para sa kanila. Ibig sabihin, ready lang kami pag humingi sila ng saklolo or kinapos sa budget sa Pinas.

Just the same. Napakasarap pa rin ng magbakasyon.

Kaya lang, ang pagkaSABIK ng OFW sa paguwi, pagbalik ay magiging HIBIK.

–000—

“Well, I’ve sacrificed time with family and friends. Gave up vacations for work without end – 24/7, 365. But I was willing to make the sacrifice.I think about Jesus and all that he gave. And the ultimate sacrifice that he made. He is my strength and my guiding light. And he’s taught me that nothing’s without sacrifice.” – Dolly Parton