Harapin at lupigin ang mga takot

Nakaramdam ako ng pananakit ng aking paa kagabi. May throbbing pain na nagmumula sa joint ng aking hinalalaki sa paa, o iyong tinatawag na the great toe, first metatarsophalangeal joint sa medical term. Ito iyong ang first metatarsal ay nakadugsong sa buto ng hinlalaki (phalange). Ito iyong parte ng paa kung saan nagkakaroon ng Bunion (Wikipedia: A Bunion (hallux valgus) is a deformity characterized by lateral deviation of the great toe, often erroneously described as an enlargement of bone or tissue around the joint at the head of the big toe. Iyon bang ang joint ng iyong hinalalaki at paa ay lumalabas na parang bukol.

Could it be arthritis? Sabi ko sa sarili ko at medyo natakot ako at narealize ko na di na nga pala ako bata. Paggising ko kaninang umaga, ayun na, makirot na at mahirap ilakad ng tuwid. Paika na akong pumunta sa kusina para magtimpla ng kape at sa bawat hakbang ay makirot. Natakot na ako lalo.

This is the same takot ko noong ako ay bata pa sa tuwing ako ay kakain ng sardinas o itlog. Noon kasi basta nakakain ako niyan ay ang balat ko na kulubot ay manunuklap. Ang siko ko, na kulubot ang balat, at ang aking pribadong parte na kulubot din ang balat ay manunuklap. Ang sarap pa naman pangulam ng sardinas at itlog tapos manunuklap lang ang balat ng aking  uhum. Pero sabi sa akin ng Tatay ko, “mahirap lang tayo, iyan ang kaya nating pangulam, kailangang iyang takot mo sa pagkain niyan ay iyong harapin at labanan, kung gusto mong umunlad, sumaya, maging payapa ang buhay, ang mga takot ay iyong harapin at labanan.”

So tiis ako, talagang kahit na nanghahapdi ang siko ko at ang aking uhumm sa pagtuklap ng balat, sige pa rin ako. Hinarap ko at nilabanan ang takot ko, at napagtagumpayan ko naman. Mga sampung taon (grade IV) ako ng mawala ang allergy na iyon.

Pumintig ang kirot sa paa ko, at inisip kong pumunta sa hospital para magpacheck up at makainom ng gamot when Arnel called and told me na maglalaro ng basketball ang tropa at 2:30 PM. Maginaw na kasi, kaya nagadjust kami ng oras ng paglalaro pag weeked, from 5 PM sa 2:30 PM nga. Purpose naman naming ay ang makapagexercise, pawisan at magenjoy sa pagsasamasama. Sabi ko ke Arnel ay kumikirot ang paa ko. Baka di ako makalaro. Basta pupunta raw sila sa basketball court at 2:30 PM.

Sabi ko sa sarili ko, ilaro ko nga ito kahit na makirot, kaya nagbihis na ako. Nabasa ko kasi na ang isa sa treatment sa arthritis ay exercise. Pagsusuot ng sapatos ay napapaiktad ako sa sakit. Nauna sina Arnel ng 10 minutes sa akin pagpunta sa basketball court. Medyo makirot nga, pero di ko nararamdaman ang kirot habang naglalaro. Naka 3 games kami.

After playing, pumunta ako sa parking na tuwid na ang lakad at di na kumikirot ang paa.

I faced and confronted my fears.

I feel  younger.

—00000—-

“When I go through the rivers, I will not drown. When I walk through the fire, I can not be burned Your the rock on which I stand. I have no need to fear. I walk with you so near. God supplies all my needs.” – Hillsong United